1.3 C
New York
08.12.2019
literary

The Immortal’s Secret

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao.

Kahit pilitin man ng mga magulang ko na mamuhay ako na parang normal, hindi ko parin maiwasang maikumpara ang sarili ko sa iba dahil nakikita ko padin naman ang kaibahan ko sakanila.

Isa akong half human, half Vampire.

Pero mawawala ang normal life na binigay sakin ng mga magulang ko dahil nakilala ko ang isang Bampirang, playboy, annoying but very protective.

It’s hard to admit but, i fall for him.

Prologue

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao.

Kahit pilitin man ng mga magulang ko na mamuhay ako na parang normal, hindi ko parin maiwasang maikumpara ang sarili ko sa iba dahil nakikita ko padin naman ang kaibahan ko sakanila.

Isa akong half human, half Vampire.

Pero mawawala ang normal life na binigay sakin ng mga magulang ko dahil nakilala ko ang isang Bampirang, playboy, annoying but very protective.

It’s hard to admit but, i fall for him.

=================

One

Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao.

Kahit pilitin man ng mga magulang ko na mamuhay ako na parang normal, hindi ko parin maiwasang maikumpara ang sarili ko sa iba dahil nakikita ko padin naman ang kaibahan ko sakanila.

Isa akong half human, half Vampire.

Lahat ng kakayahan ng isang Vampire nakuha ko, pero hindi ako kasing lakas nila. Dahil may dugo padin ako ng tao.

My mother was a human before she met my Vampire Farther. Ipinagbuntis ako ni Mama nung tao pa siya at ginawa nalang siyang bampira nung limang taon na ako.

Dahil hindi pwedeng ipaalam sa lahat ang tungkol samin kaya hindi ko tuloy miwasang mag lihim sa matalik kong kaibigan na si Majah Mendez. Well alam na niya ang lahat sakin maliban sa Half Vampire ako at Vampires ang family ko, wala din naman kasi akong lakas ng loob na sabihin sakanya yun dahil ayaw kong matakot siya sakin at layuan ako.

“AMBER!” Majah shouted from her car. Palabas palang ako ng kotse ko nang makita niya ko. She runs closer to me. Wearing her normal formal wear, dark blue dress perfect on her almost pale skin.

“What’s with the rushed?” I asked, closing my car.

“Someone offered me to be a model.” She jumps and hugs me, giggling endlessly.

“Wow! Just.. wow! What is it, ramp or commercial?” I’m not surprised, she has this height that would really fit on modeling and beauty that surely boys gonna like.

“Ramp..” she showed me her model style walked. “See that?? I’m so good on it.”

“Yah,

you do.” I said grinning.

Nag simula na kaming mag lakad papunta sa classroom pero hindi parin siya tumitigil sa pagkukwento tungkol sa pagmomodel niya, ang sabi niya nag pakipot muna daw siya para di obvious na gustong gusto niyang mag model pero ilang araw lang daw tatawagan na niya yun.

I’m happy for her.. i love her, like my own sister. So… whatever makes her happy, I’m happy. Nakakalungkot lang na kailangan kong maglihim sakanya.

We both seats at the back, ayaw ko sa harap kasi.. ayaw ko lang. Sakto naman ang dating ng professor namin, na may kasamang tingin ko ay transferee student na lalake. He wears all black, and a smirked on his face.

“Students, may bago kayong classmate..” Mr. Shin said to us. He tapped the trasferee’s shoulder. “Introduce yourself.”

“He’s cute.” Majah whispered. Yah.. he’s cute, tall, fair skin, his messy hair makes him more look hotter. Yah! He’s hot.

“Hello, ladies.. I’m Lucas Lawrence, be good to me.” He introduced himself with his killer smile… smirked rather. Kumindat siya sa classmate naming babae sa harap na todo hawi ng buhok niya para sakanya.

“And playboy.” I whispered at Majah. She nods grinning.

“Humanap ka na ng mauupuan.” Mr. Shin said to transferee. Halos lahat ng mga classmates naming babae nag offer na makatabi siya pero tinangihan niya kahit halata sa mukha niya na enjoy na enjoy siya sa popularity niya sa girls.

Nakakainis talaga yung mga ganyang babae, di manlang marunong mag pakipot.

Naglakad si Lucas papalapit sa direksyon namin habang nakatingin… sakin. Wait! Sakin nga ba? Baka namamalikmata

lang ako.

“Can i sit?” He asked looking at the chair at my left side.

“Yah.. you can sit wherever you want.” I said.

“Thank you.” He bows, smirking. Not taking his eyes on me. Umupo na siya sa vacant chair, tsaka nag simula sa klase si Sir. Shin.

Hindi ako makapag focus sa tinuturo ni Sir kasi naman ramdam ko ang pag tingin sakin ni Lucas. Like super duper ramdam, tingin ko nga hindi siya palihim na tumitingin sakin talagang sadyang pinapaalam niyang naka tingin siya sakin. I sighed with frustration, then glared at Lucas. He’s staring down at me… at my cleavage. Inayos ko ang pa V shape kong T-shirt at mas sinamaan pa siya ng tingin.

“What do you think you’re doing?” I asked, irritated.

“Checking you..” He smirked widely, amused at the same time. By what? By my reaction? Urghh! That FUCKER! Hindi niya gugustuhing inisin ako, kung alam lang niya kung ano ako.

“Pag ginawa mo ulit ang pag tingin sakin ng ganyan.. you’re dead!” I warned. He just smirked again, obviously not scared at my death glared.

Calm down, Amber.. he’s just a fucker pervert playboy. Maybe ang middle name niya ay pervert, it suits him.

Finally.. the class ended.

Si Lucas ang unang lumabas ng klase. Buti nalang dahil ayaw kong makita ang bwiset niyang mukha.

“Anong pinaguusapan niyo kanina?” Majah asked habang naglalakad kami sa hallway.

“Manyak siya, alam mo bang nakatitig siya kanina sa cleavage ko?” Inis kong sabi.

She laughed. “That means he’s into you.”

“Into me? Into my cleavage kamo!” Im still irritated.

“Kalma,

mainlove ka dun.. sige ka.” Natatawang sabi niya.

“What????? With that fucker? No fucking way… he’s hot, yes. But he’s not my type!”

“Wow! Napansin mo pa ang hotness niya sa kabila ng pagkairita mo ah.”

“Majah! Di ka nakakatulong!”

“Sorry, Sorry.” She laughed loud. Then bigla siyang tumigil sa pag tawa habang nakatingin sa… di ko alam. “Si Lucas ba yun?” She asked. Oh great! Ano pakialam ko sa Lucas na yun.

“May girlfriend pala siya.” She added. Okay, curious na ko.. ano ba kasi ang nakikita niya? Tumingin ako sa direksyon ng kung saan siya nakatingin.

I saw Lucas with other girl, kissing. Kita mo nga naman oh, lakas mangindat ng babae at tumingin sa cleavage ng babae eh may girlfriend naman pala. Kawawang babae!

Finally tumigil na sila sa paghahalikan.. di ko alam kung bakit nakatingin padin kami sakanila. Nag focus ako para marinig ko yung pinaguusapan nila, part yun ng kakayahin ng mga Vampire. Hinila ko na si Majah para mag patuloy sa paglalakad.

“What’s your name, beautiful?”

“Im Mae, you’re so damn good kisser.”

“I know!”

What the fuck! They don’t know each other? Wow! Ibang klase! Sobrang nakakawindang.

“AMBER TUAZON!!” Majah yelled at my ears.

“Awww!” I mouthed at her. She points my hand on her wrist.

“Ang higpit ng hawak mo girl.” Bumitaw ka agad ako.

“Sorry.” I quickly apologized.

“Ano na naman bang iniisip mo at parang lutang ka na naman?” She asked.

“Lutang? Hindi ah.” Di ko naman pwedeng sabihin sakanya na nakikinig lang ako ng usapan na may usapan gamit ang Vampire side ko.

“Oo kaya! Alam mo bang ilang beses kong tinawag pangalan mo? Ni hindi mo manlang ako narinig.”

“Sorry malay ko ba.”

“HEY WAIT.. BOTH OF YOU!” Man shouted. Pareho kaming napahinto sa paglalakad ni Majah at nilingon yung tumatawag. It’s LUCAS! Damn it!

“Hello, beautiful..” he greeted me. I give him my death glare again. She called the other girl beautiful and now she’s calling me beautiful too.. beautiful niya mukha niya!

“Di ko pa din alam pangalan mo.”

“So??” Sarkastiko kong sabi.

“Careful, she’s mad at you. You don’t want her mad, nangangain siya ng tao.” Pabirong sabi ni Majah kay Lucas. Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya, teka may alam ba siya? Bakit niya nasabing nangangain ako ng tao pag galit? Well.. kahit naman galit ako hindi naman ako nangangain ng tao tulad ng sinabi niya, kasi di naman kami umiinum ng dugo direkta sa tao. May mga pakete kami sa bahay na iniinum, pero ako minsan lang uminum dahil di naman ako kasing hayok ng purong bampira sa dugo.

Shit! Shit! Baka nag iimagine lang akong alam na niya. Kasi pabiro naman niyang sinabi yun eh, tsaka kung alam na niya nilayuan na niya ko. Tama di pa niya alam.

“Pareho pala tayo kung ganun.” Pagbibiro din ni Lucas. I roll my eyes.

“Wag mo ko itulad sayo, playboy!”

“Ouch!” Humawak siya sa puso niya at umarte na nasaktan. Tsss.. di bagay.

“Tara na nga!” Hinila ko na si Majah palayo sa Lucas na yun.

=================

Two

Nakauwi na ko mula sa school. Si Mama ang sumalubong sakin mula sa pinto. Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko, ginamit niya ang kakayahan ng isang Bampira sa bilis. Hindi na ko nagugulat kasi ganyan talaga niya ko salubungin.

“Hi, Ma.” I greeted. I kissed her cheek.

“How’s your day, sweetheart?” She asked smiling. I like to see her smile, it makes me smile too. Papa said same kami ng smile ni Mama, hindi lang naman yun ang same samin.. same din kaming pretty. Mukha na nga lang kami ngayon mag kapatid dahil hindi na sila tumatanda.

“Okay naman po.” I walked straight to our kitchen. I need water.. just water. Though the Vampire side of mine, still looking for blood. Mamayang gabi nalang.

“Amber..” Papa called. I looked at him.

“Po?”

“Any sign of Vampire at school?” He seriously asked.

“No! Pa, nothing to worry about.” Sobra siyang nagaalala para sakin lalo na at pumapasok ako ang totoo niyan ayaw talaga ni Papa na mag aral ako dahil nga sa kondisyon ko si Mama lang ang nag pumilit, pag kasi nalaman ng iba ang tungkol sakin lalong lalo na ng mga Vampire ay gagawin nila kong pag kain. Para kasi sakanila masarap ang dugo ng half Vampire.

“May nababalitaan akong nakikitang katawan ng isang bangkay sa bayan, mag ingat ka.”

“Ibig sabihin hindi nalang po tayo ang Bampira dito?” Tanong ko. He nods.

“Don’t scare your daughter, honey.” Mama scolded, tapping my Papa’s shoulder.

“Hindi ko siya tinatakot Bernadette, gusto ko lang siyang maging alerto. Lalo na sa kalagayan niya.”

“Wag po kayong mag alala gagawin ko ang lahat para walang makaalam ang tungkol sa pagiging

half Vampire ko.”

“Good to hear that.” Papa said.

“Are you done, lecturing your daughter?” Mom sweetly asked to Papa. I grin at her. Papa nods to her, amused as always. “Now bring me to Market, date me.” Tama, date nila ang pag punta sa Market. Dahil mahilig padin naman kami kumain ng pagkain ng tao, lalong lalo na ko dahil may dugong tao parin naman sa katawan ko.

Before pa ko makaiwas ng tingin sakanila nag halikan na sila. Ganyan yang mga yan eh, akala mo walang anak sa harap nila.

“Pupunta po ba kayo ng Market o magkikiss na lang sa harap ng kawawang anak niyo?”

“Oh.. Sweetheart you’re so cute.” Mom said laughing.

“Just sayin. Will you approve if i kiss a guy in front of you too?” Pag bibiro.

“NO!” Papa groans. I laughed by his reaction. Ginamit ko ang bilis ko niyakap ang protective kong Papa. Hinalikan ko din siya sa pisnge.

“No, worries Pa.. you’re still my one and only MAN!” I wink.

“You really got your Mom’s charm.”

“Can’t argued with that.” Mama said. Nag high five kami ni Mama. “Shall we go?” Mom asked Papa. He nods to her. I watched them walking, holding hands like newly couple. Ganyan nila ka love ang isat isa, hindi na nakakapag taka dahil ginive up ni Mama ang pagiging human at iniwan ang pamilya niya para kay Papa. Hmm.. pure love, kailan ko kaya mararamdaman yan? Mukhang hindi mangyayari yun dahil sino namang lalake ang magkakagusto sa half Vampire na tulad ko at may magulang na anytime pag lokohin

ako eh baka ubusan sila ng dugo. Maski ako matatakot.

Pumunta nalang muna ko sa kwarto ko at nag basa dahil yun lang naman ang gawain ko dito sa bahay. Kahit naman gusto kong tumulong sa gawain ni Mama di siya papayag kasi.. feel na feel daw niya ang maging ilaw ng tahanan at isa pa daw mas lalo daw siyang gumaganda sa paningin ni Papa pag naglilinis o pag nagluluto. Ewan! Kung iisipin ang korni na nila minsan kaya lang anong magagawa ko in love sila eh, pag bigyan na. Haha!

While reading.. naka received ako ng text mula sa nagiisa kong kaibigan na si Majah..

*** Girl, samahan mo ko sa agency na nag offer saking mag model… please!!!! :))) ***

Bakit pa siya mag papasama? Ah.. hulaan ko, kabado!

Nag reply ako..

*** K. ***

Ganyan lang ako mag text eh, always one word. Haha!

Dumating na ang gabi at ang tila newly couple ay naglalambingan na naman sa Sala. Kaloka sila!

I cleared my throat for them to stop!! Like, seriously may daughter silang kasama dito. Duhh! Pwede namang sa kwarto nalang.

They both smile to me like parang walang paglalampungan sila pinakita sakin. Haaay! Siguro kung matanda sila tignan baka keri ko pa eh kaso halos kasing tanda ko lang sila tignan eh, kaya nakakailang. Tsk.. tsk.. tsk!

We started to eat.. i love to eat, thanks with my Vampire blood hindi ako tumataba, kaya kahit anong kain ko ng madami sexy padin ako.

“Sweetheart, dahan dahan sa pagkain.” Mama said laughing.

“Ang sarap po kasi talaga ng luto mo eh.” I said chewing. It’s true, Mom cooks like a professional chef. I wished hindi lang charm niya ang nakuha ko pati sa pagluluto, kaso hindi ko nakuha yun.

Natapos kaming kumain, dumiretso na ko da kwarto ko. Para di ko na makita pa ang paglalambingan ng mga magulang ko.

I wake up early kahit hindi ako morning person, wala din naman akong choice kasi ginising ako lagi ni Papa ng ganitong oras para itrain lumaban sa mga Vampire.. ito ang exercise ko every morning with him. Kahit malambing ang Papa ko, wala siyang awa pag dating sa training which i like kasi hindi kailangan ng lambing sa pagpoprtekta sa sarili ko.

For our early morning training kailangan kong uminum ng dugo, choice ko man o hindi kailangan ko nun. Ngayon naman ang tangi naming gagawin ay kailangan kong umiwas sa mga patalim na ibabato sakin ni Papa, kailangan ko daw yun para just in case na ang makakaharap kong Vampire ay may bitbit na SILVER weapon or whatever.. yun kasi ang makakapatay samin. SILVER that will directly hit our heart and by slashing our head. Creepy i know!

Hindi kami gagamit ng silver syempre, dahil wala namang planong patayin ako ni Papa. Stainless knife ang gagamitin namin.

He started to throw one knife.. naiwasan ko yun pero ayokong mag saya dahil naiwasan ko yun kasi mabilis ang kamay ni Papa malalaman mo nalang madami na siyang ibinabatong knife sakin.

In just a blink of eye, tatlong knife na agad ang papalapit sakin, naiwasan ko yung dalawa pero nung last na tinamaan ako sa balikat.. tumusok yun dun at dali dali ko din naman tinangal yun.

Tumakbo palayo si Mama na nunuod sa training namin, hindi parin niya gusto na naamoy niya ang dugo ko dahil baka masaktan niya ko. Buti si Papa sanay na, matagal na din kasi siyang Bampira kaya sanayan lang yan.

Mabilis din namang nag hilom ang sugat ko at pag tingin ko sa balikat ko akala mo walang nangyaring pag tama ng kutsilyo sakin. Part of being Vampire, fast healing.

=================

Three

Nasa iisang sasakyan kami ni Majah ngayon ko na kasi siya sasamahan dun sa Agency, halata parin sakanya ang kaba.

“You’ll be fine, just show them your talent.” I said para gumaan kunti ang pakiramdam niya.

“Salamat pero talagang kinakabahan ako eh.” Halatang halata naman eh.

Nakarating kami sa Agency na sinabi daw sakanya nung tinawagan niya. Sabay kaming pumasok dun at may sumalubong saming isang lalake na todo ang ngiti. Yung ngiting ayaw ko na tila may balak.

Buti nalang sumama ako, baka may kung anong gawin tong mga to sa kaibigan ko.

“Kaibigan mo ba tong kasama mo?” Tanong nung lalake kay Majah.

“Yup, pretty din diba?” Majah said smiling. Ngumiti man siya pero halata padin ang kaba niya.

“Yah she is.. gusto mo din bang mag model?” He asked me, looking down at me, making me irritated.

“No!” I snapped.

“Papasa ka baka-“

“I said no!” I glared at him.

He just shrugged, making his way with his workmates. Kinusap niya yung lalakeng nasa Camera, tinuro yung direksyon namin.

“Bakit may Camera? Akala ko ramp model to?” Tanong ko kay Majah.

“Yun ang sabi.” Pagtataka din niya.

“Ms. Mendez!” Tawag nung lalake kaninang nangbubwiset ng araw ko. Lumapit sakanila si Majah, at kinausap ito. Palihim akong nakinig sakanila.

“Kukuhanan ka namin ng litrato..” Sabi nung lalakeng may Camera.

“Po? Akala ko ramp model ang gagawin ko?”

“Part yun nito, kailangan ng mga Organizer ang pictures ng mga

ramp model para alam nila kung pasok ka sa standards nila.”

“O’okay.” Tss.. kalokohan!

Pumusisyon si Majah dun sa harap ng Camera. Halata parin sakanya ang kaba.

Lumapit ako kunti para palakasin yung loob niya. I give her you-can-do-it look.

“Show us some sexy post.”

Napatingin sakin si Majah sa gulat dahil sa sinabi nung may hawak ng Camera.

“C’mon don’t make us wait.” He orders. Nag hesitate siya sa una pero ginawa din naman niya.

May nakita ako sa corner na nag bubulungan habang nakatingin kay Majah, naiinis ako dahil hindi ko gusto yung mga tingin nila sa kaibigan ko. I tried to listen to them..

“May bagong pagpapatansyahan na naman ang mga lalake sa scandal site natin.”

FUCK! I clinch my hand.

“Now, take off your clothes.” Photographer said.

“What?? No!” Pagaangal ni Majah.

“HEY YOU!” Pasigaw kong tawag dun sa photographer. “DELETE. ALL. HER. PHOTOS. THERE!” Utos ko.

“Sino ka ba huh?”

“JUST DO IT!” I yelled. “Kung hindi mo gagawin yan, tatawag ako ng pulis para ipaalam yung plano niyo sa pictures ng kaibigan ko.” Pababanta ko. Nagkatinginan sila nung lalakeng bumwiset ng araw ko.

“Amber,” Majah called. “Anong sinasabi mo?”

“Ilalagay nila sa porn site yang pictures mo.”

“FUCK!” She groans. Lumapit siya dun sa Camera para agawin yun. “Give me that!” She yelled.

“Pwede ba wag ka ngang makinig dyan sa kaibigan mo! Gusto mo bang mag model o hindi?”

“Kung sayo wag nalang! Give me that.” Hindi yun binigay nung lalake. Lumapit na ko sakanila para makiagaw

na din ng Camera. Bigla nilang sinara yung pintuan palabas kaya nakaramdam ako ng kaba. Bwiset sabi na eh, may plano tong mga to eh.

“Hindi kayo makakaalis dito hangga’t di niyo ginawa ang gusto namin.” Pinilipit ko yung kamay ni photograper at inagaw yung camera niya, tsaka ko siya tinuhod sa sikmura. Napaluhod siya sa sakit sa ginawa ko.

“Alis na tayo dito.” Kalmado kong sabi kay Majah, tumango siya sakin at halatang nagulat sa nakita niyang ginawa ko.

“Saan kayo pupunta?” Humarang yung tatlong lalake sa harap namin.

“Anong gagawin natin?” Takot na sabi ni Majah. Pinahawak ko sakanya yung Camera.

Lumapit ako sa tatlong lalake, nung aakmang hawakan ako nung isa pinilipit yung kamay niya, umikot ako para sikuhin siya sa mukha. Yung dalawang lalake naman ang lumapit sakin. Hinawakan ako sa braso nung isa samantalang yung isa aakmang hawakan din ako pero sinipa ko siya sa maselang bahagi ng katawan niya, tsaka ko sinuntok sa mukha yung lalakeng nakahawak sa braso ko.

Nagkaroon na kami ng chance ni Majah na makalabas sa bwiset na studio nila!

“Paano mo nagawa yun?” Hingal na hingal niyang tanong. “Ibang klase, nagugulat mo padin ako.” She sounded amused.

“Tinuruan ako ng tatay ko.”

“Shit! Nakasunod sila satin.” Majah said, nakatingin siya sa likod ko. Kaya napatingin ako sakanila. Bwiset! Mga di nadadala? Pagbababaliin ko mga leeg ng mga to eh.

“Hey, ladies.. need some help?” Nakarinig kami ng boses ng lalake. Bago ko pa siya mahanap siya na mismo ang nag pakita.. it’s Lucas.

Lumapit siya dun sa mga lalake at ginulpi niya lahat. Wow!

Pinagpag pa niya yung dalawa niyang kamay at nag mayabang na madali lang niyang napataob yung mga yun.

“Okay lang ba kayo?” He asked.

“We are now, thanks.” Majah said looking at the punks.

He looked at me then smile.. i mean smirked pala. “Na miss kita seat mate.” He said to me.

“Whatever!” Di ko talagang maiwasang mairaita sakanya. Oo tinulungan niya kami kaya lang napaka hangin niya talaga.

“Sungit mo, sige ka mainlove ako sayo niyan.”

“Tigilan mo nga ko!”

He laughed loud. He holds my chin then inilapit niya sakin yung mukha niya. “Ang ganda mo!” He said looking down at my lips. Haay kahit sa mga ganitong sitwasyon ganyan padin ugali niya.

Hinawi ko yung mukha niya at tinangal ko din yung kamay niya sa chin ko. “Sa susunod na hawakan mo ko, babaliin ko yang kamay mo!” Pagbabanta ko. Pumito siya at mukhang humanga pa sa sinabi ko, confirmed.. baliw siya! I roll my eyes. I looked at Majah, she’s still shaking.

“You okay?” I asked.

“Hindi ako makapaniwalang nag paloko ako sa mga siraulong yun.”

I sighed. “Maybe hindi pa ngayon yung time mo for modeling.”

“Tama ka. Paano mo pala nalaman na ganun ang plano nila sakin?” Oh! Paano ba ko lulusot dito?

“Uhm.. narinig ko yung paguusap nung dalawang lalake kanina.”

“How? Malayo sila sayo.” Shit!

“Malakas yung pagkakasabi nila, baka di mo lang narinig dahil sa kaba mo kanina.”

“Ganun ba? Buti nalang at nandun ka, kundi baka kung ano nang nangyari sakin.”

“That’s what friends are for.” Ngumiti siya at niyakap ako.

“Nakakaingit pwede makiyakap?” Lucas said making Majah laughed.

“Manahimik ka nga!” Inis kong sabi.

“Alam mo naiinlove na ko sayo.” Hinampas ko siya sa braso niya.

“SHUT UP! Hindi mo gugustuhing mainlove sakin! Nananapak ako ng lalake.”

“Maniwala ka, nakita ko na yun.” Majah said.

“I don’t care.” He winks at me. I groan. Makakapanakit na naman ata ako!!!!

“Alis na tayo! Bago pa magising yang mga yan!” I pointed the punks. They agreed.

=================

Four

Hinatid ko hanggang sa bahay niya si Majah. She’s still shaking mula sa nangyari sakanya kanina. I can’t blame her, nakakatakot nga naman kasi yun. Tsaka gabi na din kaya nag offer na kong ihatid siya.

Kasama namin hanggang ngayon si Lucas, nakasakay siya sa likod. Gustuhin ko mang iwan siya kanina hindi naman pwede dahil wala daw siyang dalang sasakyan at baka biglang magising yung mga punks at pag tripan siya.

“Nandito na tayo.” I said nang makarating kami sa tapat bahay nila.

“Salamat sa pag hatid at sa tulong.”

“Welcome.” Bumeso lang siya sakin tsaka bumaba ng kotse. I look at Lucas from the mirror. “Ikaw, dito ka maupo sa harap hindi mo ko driver.”

“Ang sungit mo talaga sakin.”

“Sumunod ka nalang!” Irita kong sabi. Ang dami pang sinasabi di nalang sumunod, nag papaawa look pa akala mo naman effective.

Bumaba siya ng kotse mula sa likod tsaka umupo pumunta sa harap kaya yung ngisi niya lumaki na naman, habang nakatitig sakin.

“Wag mo kong titigan baka dukutin ko mata mo!” I warned.

“Ang sweet mo talaga.”

Urgh! Nakakainis talaga siya, feeling ko nga kahit wala siyang gawin maiinis padin ako sakanya eh. Napaka hanhin kasi, siguro kung hindi puro kalokohan laman ng bibig niya baka magkasundo pa kami.

Sinimulan ko nalang ang pagmamaneho at nag patutog sa loob ng sasakyan para di niya ko kausapin, magandang idea diba?

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang may sumulpot sa harap namin na isang tao kaya bigla akong na preno sa gulat. What the fuck!

Tinignan ko ulit yung humarang sa daan namin at laking gulat ko na hindi naman pala tao ang muntikan ko ng mabundol kundi isang bampira,

pinakita niya yung pangil ng isang bampira at pula nitong mga nakakatakot na mata, habang nakangiting nakatitig direkta sakin.

Shit! Alam ba niyang half vampire ako?

Kung alam ko lang binundol ko nalang sana siya kanina.

“Dito ka lang.” Kalmadong sabi ni Lucas habang nakatingin dun sa Bampira, teka hindi manlang ba siya natatakot?

Aakma sana siyang buksan yung pinto pero pinigilan ko. “Anong gagawin mo?” Tanong ko. Tumingin siya sakin at unti unting naging pula ang mga mata nito.

Shocks! Lucas is also a vampire?

“Papatayin ko siya.” Hindi na ko kumontra at hinayaan siyang bumaba ng kotse ko at harapin yung isang bampira.

Pero nang makitang nung bampirang humarang sa daan namin na bampira din pala si Lucas umalis din naman agad ito at nawala na parang bula.

Nanatili lang ako ng kotse ko habang yung katawan ko ay parang na paralyzed sa dalawang bampirang nakikita ko kanina, ito ang unang beses na makakita ako ng dalawang bampira na mag kasama sa iisang lugar maliban sa mga magulang ko at pareho silang.. nakakatakot.

Hindi ako makapaniwalang katabi ko lang kanina ang isang bampira.

Dahan dahang humarap sa direksyon ko si Lucas nang tila masigurado niyang wala na yung isang bampira, yung nga mata niyang nakakatakot at handa ng pumatay ay nag balik na sa normal. Dahan dahan siyang nag lakad papalapit sakin, kaya nakaramdam ako ng kaba.

Pero nag karoon parin ako ng lakas ng loob na bumaba ng kotse ko at humarap sakanya, hindi naman siguro siya bad vampire dahil kung OO kanina pa niya ko kinain at pinatay or pwede ding humahanap lang

siya ng pagkakataong gawin yun kaya di ko parin ibinaba ang depensa ko kung sakaling sakmalin niya ko.

“I’isa kang bampira?” Hindi parin makapaniwala kong sabi.

“Ganun na nga.” Kalmado niyang sabi habang nag lalakad padin papalapit sakin.

“Alam mo yung tungkol sakin?”

“Oo.”

“Bakit di mo sinabing bampira ka?”

“Dahil alam kong lalayo ka. Hindi kita sasaktan Amber, maniwala ka dahil kung gusto ko talagang gawin yun noon ko pa ginawa.”

Bakit ba hindi ko manlang napansin na bampira siya? Bakit hindi ko manlang sinubukang pakingan yung puso niya kung tumitibok ba o hindi, dahil sa totoo lang tibok ng puso lang ang paraan upang malaman kung bampira ang tao o hindi. Ang puso ng bampira hindi na tumitibok dahil nga patay naman na talaga sila.

“Kung ganun anong plano mo at ginulo mo ko at lagi kang nakadikit sakin?”

“Gusto kitang protektahan.”

“Bakit mo naman gagawin yun?”

“Hindi pa ba, obvious?” Tanong niya and in just a blink of eye nasa harap ko na siya. Hinaplos niya ko sa pisnge gamit ang likod ng kamay niya. “Gusto kita, Amber.”

He slowly bends his face and kisses my lips, softly.

“Umalis na tayo dito, baka nasa paligid lang yung bampira kanina.” He said after the kiss. I just nodded my head to him.

Hinawakan niya ko sa kamay at ipinaglapat ang mga palad namin na parang isang couple tsaka kami nag lakad papunta sa kotse.

Binuksan niya yung pinto sa passenger seat. “Ako na ang magmamaneho, i don’t think na kaya mong mag maneho.” He said. Tama siya after ng lahat ng nangyari, i don’t think na kaya kong mag maneho. Mabuti nalang at hindi ko mabundol din yung bampira kanina dahil paniguradong hindi na ko papalabasin nila Papa sa bahay pag nalaman nilang may humarang na bampira sakin at may nagkakagustong bampira sakin.

Hindi ko alam kung totoo bang gusto niya ko kasi naman playboy siya. Pero yung itsura niya ngayon malayong malayo sa itsura niyang pagiging playboy sa school.

Nang makasakay ako ng passenger seat si Lucas naman ang sa driving seat tsaka namin sinimulan yung byahe.

Until now windang pa din ako sa nakita ko at nalaman ko, pero isa lang ang ikinaluwag ng dibdib ko buti nalang wala na si Majah nung magpakita yung bampirang yun.

Hinatid ako ni Lucas hanggang sa kanto lang malapit sa bahay namin dahil baka maramdaman siya ni Papa kaya naisip naming hanggang dito nalang siya.

“Salamat sa pag hatid.” Mahina kong sabi.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis sa ang tingin sakin. “Welcome.” Bumaba na siya at bigla nalang nawala sa paningin ko. Lumipat ako ng driving seat tsaka sinimulang mag maneho papalapit sa bahay.

=================

Five

Dumiretso ako sa kwarto ko pagkadating na pagkadating ko sa bahay, di ko rin naman nakasalubong yung magulang ko kaya di na ko bumati sakanila. Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama at di maiwasang isipin ang mga nangyari kanina.

Hindi dapat malaman nila Mama ang nangyari kanina dahil siguradong ha’huntingin ni Papa yung bampirang yun at papatayin masigurado lang na ligtas ako at ang ms worst baka pati si Lucas patayin niya.

Ano bang plano ni Lucas? Talaga bang gusto niya ko? May plano manlang ba siyang ipaalam sakin ang tungkol sa pagiging vampire niya?

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko, umupo ako mula sa pagkakahiga. Bumukas yung pinto at nag pumasok si Mama.

“Okay ka lang ba hija?”

“Opo, bakit niyo naman po natanong?” I lied.

“Medyo maputla ka kasi at yung tibok ng puso mo napakabilis.”

“Ma, nag usap na tayo tungkol sa pakikinig sa tibok ng puso ko diba?”

She chuckled. “I know, im sorry sweetheart.” Nag lakad siya papalapit sakin at umupo din sa kama katabi ko. “So, ano ba talagang nangyari?”

“Uh.. kinabahan lang ako para kay Majah kanina dun sa modeling agency daw, niloko kasi siya ng mga yun at kung wala ako baka kung anong ginawa na nila sakanya.” I said trying to hide about sa two vampire na nakita ko kanina.

“Ganun ba, hindi mo naman siguro nakalimutang pigilan yung lakas mo diba?”

“Opo, wala kayong dapat ipagalala.”

She stands. “Sige, dun tayo sa baba at kakain na.”

“Okay, susunod

na po ako.” Hinalikan niya lang ako sa noo tsaka lumabas ng kwarto ko.

Kumuha lang ako ng pwedeng pangpalit sa closet ko at nang makapag bihis ako lumabas din naman agad ako sa kwarto ko at pumunta sa dining room kung saan nandun na ang parents ko at as usual lambingan na naman sila. Di ko tuloy maiwasang isipin yung halik ni Lucas kanina.

I cleared my throat, stopping their lambingan. “Mamaya na yan.” Para talaga silang teenager maglambingan.

“Sorry hija.” Mom said giggling.

Umupo nalang ako at sinimulang kumain at di na pinansin ang harutan ng parents ko, push nila yan masaya sila dyan eh. Tahimik lang ako habang kumakain dahil yung utak ko lumilipad na naman sa nangyari kanina. Gustuhin ko mang iwasang isipin yun di ko naman magawa.

Nang matapos kaming kumain at bumalik na din naman agad ako sa kwarto ko para maiwasan ng makita ang paglalambingan nila Mama at Papa.

Kumuha ako ng librong pwedeng basahin at nag basa nalang muna habang hindi pa dinadalaw ng antok. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa bigla akong nakaramdam ng malimig na hangin mula sa bintana, tumingin ako dun at laking gulat na makita si Lucas.

I was about to say something nang biglang lumapit siya sakin gamit ang bilis niya at tinakpan yung bibig ko. Inilagay niya yung pointing finger niya sa labi niya saying.. shhh.

Tinangal ko yung kamay niya sa bibig ko. “What are you doing here?” I mouthed, i hope maintindihan niya.

“I was just checking you.” He whispered, smirking.

“Nababaliw ka na ba? Alam mo bang baka maramdaman ka nila Papa, papatayin ka nun!” I whispered back.

“Alam ko, kaya nga aalis na ko.

Isarado mo yung bintana mo, pag alis ko.” He kissed my forehead and just a blink of eye, he’s gone. Nag lakad ako papunta sa bintana at pinag masdan ko siya kung makikita ko pa pero wala na. Isinarado ko nalang yung bintana at bumalik sa kama ko.

Totoo nga kayang gusto niya ko? Napapaisip na ko ngayon, kung totoo man yun malas niya dahil siguradong hindi papayag si Papa.

Humiga nalang ako ng kama ko at ipinikit ang mga mata.

Tulad ng daily routine maaga akong gumising para sanayin ako ni Papa laban sa mga vampires, ngayon talagang kailangan na kailangan ko tong training na to especially dahil sa mga nangyari kahapon. May isang bampirang nakakaalam na half vampire ako at maaring anytime pag wala si Lucas ay sugurin ako ng bampirang yun.

Uminum muna ako ng isang paketeng dugo tsaka namin sinimulan ni Papa. Dalawang sunod na knife ang ibinato sakin ni Papa pareho ko yung naiwasan pero ayaw kong pakampante dahil knowing Papa susunod sunurin niya ko at di nga ko nag kamali pero sa pagkakataong to lahat yun ay naiwasan ko.

Ngumiti ako kay Papa ng punong puno ng kompyansa. Ha! Sa wakas nagawa ko din.

“Rest now, bukas naman.” Papa said. Tumango lang ako sakanya habang ang laki ng ngiti sa mukha ko.

Sabay kaming pumasok ni Papa ng bahay, dumiretso ako ng kwarto ko para makapag prepare na sa pag pasok ko ng school.

Humanap lang ako ng pwedeng suotin sa closet ko at nang makapili na ko, pumunta na ko ng bathroom para makapag shower.

Nang matapos akong mag shower, nag bihis din naman agad ako tsaka lumabas ng kwarto at nakita ko si Papa sa sala na nag babasa na naman, sakanya ko talaga nakita namana ang hilig sa pagbabasa.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge. “Pasok na po ako.” Ginamit ko yung bilis ko at pinuntahan si Mama sa kusina. Hinalikan ko din siya sa pisnge.

“Pasok na ko, Ma.”

“Mag ingat ka.”

“Opo.”

Nang makapag paalam ako sakanila lumabas na ko at pumunta sa kotse ko tsaka ko sinimulan ang bumyahe papasok ng school. Wala pang kalahating oras nakarating na ko.

Bumaba ako ng kotse at isinara ko lang yung pinto at nang may bigla akong naramdamang tao sa likod ko, dali dali akong humarap at nakita ko si Lucas.

“Papatayin mo ba ko sa nerbyos?” Inis kong sabi.

He chuckled. “Hindi ka mamamatay sa nerbyos, baby.” Ngayon balik playboy na naman siya. Nakakainis na naman tuloy siya.

Hinawi ko siya sa harap ko. “Umalis ka nga dyan, ngayong alam ko na kung ano ka di ko pipigilan ang sarili kong saktan ka!” I warned.

Pumito siya at tila humanga sa sinabi ko. “Ang hot mo pagnagagalit.”

“Shut up!” Kairita talaga siya.

=================

Six

Sabay kaming nag lakad ni Lucas papunta sa classroom namin, no choice na ko kasi nakasunod lang naman siya sakin. Gusto ko mang magmadali mag lakad napaka useless naman nun para sa isang tulad niyang bampira!

Nakarating kami ng classroom namin at wala pa si Maj sa upuan niya, nakakapag taka dahil lagi yung nauuna sakin sa pag pasok. Siguro affected pa din sa nangyari sakanya sa fake model agency na pinuntahan namin.

Kinuha ko yung cellphone ko at dinial yung number niya pag kaupo namin.. pero hindi niya sinasagot.

“Sino tinatawagan mo, baby?” Lucas asked.

“Si Majah, wala pa kasi eh.”

“Baka malalate lang.”

“Siguro nga, baka affected pa siya sa nangyari sa agency kaya ganun.” Itinabi ko nalang yung cellphone ko at kumuha ng novel book sa bag ko para magbasa.

While reading, medyo napapansin kong nakatingin sakin si Lucas kaya di ko maiwasang mapatingin sakanya pero nung ginawa ko yun tsaka siya umiwas ng tingin. Binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa pagbabasa at tulad kanina napansin ko na namang nakatingin siya, kay tumingin ulit ako sakanya at umiwas na naman siya ng tingin.

“Ano bang problema mo?” Irita kong tanong.

“Wala.” He said smirking.

“Bakit ka tingin ng tingin?”

“Masama bang titigan ang maganda mong mukha?”

I roll my eyes. Bakit ba hindi nalang siya bumalik sa serious side niya? Baka mag kasundo kami, ito kasing mga bwiset niyang pick up lines di nakakatuwa eh.

Dumating yung professor namin na dahilan para huminto ako sa pagbabasa at halos kasabay din niyang dumating si Majah na nakayuko lang habang naglalakad papunta sa upuan niya. She’s shaking, i guess.

“Ayos ka lang?” Tanong ko. Hindi siya sumagot at tila wala manlang marinig sa sinabi ko. Hinawakan ko siya sa balikat at tila siya biglang nag panick sa ginawa kong yun, para siyang natakot sa paghawak ko.

“Woe, are you okay?”

“Y’yah! I’m fine, masama lang pakiramdam ko.” She’s lying.. paano ko nasabi? Di siya nakatingin sa mata ko. Nag focus ako para pakingan yung tibok ng puso niya at sobrang bilis nito, tibok yun ng pusong natatakot at hindi masama ang pakiramdam.

Gusto ko pa sana siyang tanungin pero nag simula ng magturo yung prof. namin kaya di ko na ginawa. Pero habang nasa klase di ko maiwasang tumingin kay Majah, na halata parin ang pagkabalisa.

Bigla akong siniko ni Lucas na dahilan para mapatingin ako sakanya.. may sinulat siya sa isang papel at pinabasa sakin.

She’s acting weird.

“I know.” I mouthed at him.

Finally natapos ang klase namin si Majah ang unang lumabas ni hindi manlang kami hinintay. Sinundan ko siya at alam kong si Lucas din nakasunod samin.

I grabbed Majah arm, forcing her to face me. “Hey what’s wrong?” I asked concerned.

“W’wala!” Nauutal niyang sabi.

“You’re lying!”

She sighed heavily. “Amber, wag mo na muna kong guluhin ngayon please lang!” She angrily said. Tumalikod na siya at aakma sanang mag lakad pero hinawakan ko siya sa balikat

niya at nasaktan siya sa ginawa kong yun.

“Ouch!” She groans.

“I’m sorry, may bali ka ba?” She shakes her head while holding his shoulder. Okay, nakakainis na tong pag sisinungaling niya sakin. Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa balikat niya at pilit na tinignan yung balikat niya, hinawi ko yung damit niya at laking gulat ko na may bite mark siya. Bite mark ng isang bampira.

Tinignan ko siya ng gulat na gulat. “Anong-“

“Wala lang yan!” Hindi ko pa natatapos sasabihin ko nag salita na siya. “Please Amber, lumayo ka muna sakin. Ayaw kitang madamay dito.” Pag kasabi niya nun tumakbo na siya.

“Nakita mo ba yun?” Tanong ko kay Lucas habang nakatitig ako sa tumatakbo kong kaibigan.

“Oo.”

“May kilala kang pwedeng gumawa sakanya nun?”

“Meron akong idea, kung sino at yung mga tipo talaga ni Majah ang gusto niya.” He seriously said.

Shocks, kung ganun marami ng nagkalat na bampira dito? Siguradong delikado to para sakin.

“Sino?” Tanong ko.

He sighed. “Hayaan mo na ko dito, kaya ko na yun.”

“Sasama ako, kaibigan ko si Majah kaya tutulong ako.”

“Alam ko naman yun, pero bampira ang kalaban natin dito alam mo naman kung ano ka sakanila.” Tumitig lang ako sa mga mata niya. Wala akong pakialam kung bampira kalaban dito basta walang pwedeng manakit sa kaibigan ko. He sighed signed of his giving up. “Fine, sige isasama na kita.”

Buti naman kung ganun.

“Paano natin siya mahahanap?” I asked.

“Kung tama nga ko ng hinala kung sino siya, sigurado akong si Majah mismo ang pupunta sakanya, kaya susundan natin si Majah.” I nod my head to him.

He smirks, holding my chin. “You’re beautiful today.”

Hinawi ko yung kamay niya. “Umayos ka nga!” Iniwan ko na siyang tumatawa. Nakakainis talaga siya ang seryoso ng problema namin may oras pa siya para magpatawa. Wala ako sa mood para sa mga kapilyuhan mas gusto kong unahin safety ng kaibigan ko.

Palihim na naming sinundan ni Lucas si Majah, hindi niya kami napapansin. Mabuti kung ganun dahil yun talaga ang plano namin.

Nakarating kame sa isang liblib na bahay, pumasok dun si Majah na bitbit ang takot sa mga mata niya.

“Hey, here alam mo naman siguro kung saan ipapatama yan diba?” Lucas said handling me a silver knife.

“Meron ka nito?”

“Lagi akong may dalang ganyan, just in case na may galit na vampire na gusto akong patayin.”

“Pasok na tayo!” Aakma na sana akong papasok pero pinigilan niya.

“Pagpapakamatay yang plano mo, halatang first time mong gagawin to.”

“Bakit ilang beses mo na tong ginawa?”

“I’m already an expert, baby. So listen to my every instructions.” I just nodded my head. “Humanap tayo ng open na bintana at dun pumasok, pag may makita kang bampira wag kang mag hesitate na saksakin niyan. Tandaan mo mas gusto nila ang dugo mo kesa ang dugo ni Majah.” He warns.

Tumango lang ulit ako, ngayon magagamit ko na yung mga tinuro sakin ni Papa. Ngayon ko malalaman kung may natutunan nga ko sa mga trainings na yun.

=================

Seven

Tulad ng sabi ni Lucas nag hanap kami ng bintanang bukas, nakakita kami sa likod ng bahay kaya siya ang unang pumasok para masigurado daw na walang ibang bampira. He extends his hand on me nang masiguro niyang wala at tinulungan na kong pumasok.

Nang makapasok kami, dahan dahan lang kaming nag lakad para di kami maramdaman nung Bampira hanggang sa makarating kami ng sala at dun nakita namin si Toru na halatang kinakabahan sa isang Bampirang lalake.. medyo ineexpect kong siya yung bampirang sumalubong samin kagabi pero hindi, iba pa siya.

Hinawakan niya sa sa balikat si Majah at pumwesto sa likod nito.

“Kung hindi kayo lalabas dyan papatayin ko siya.” Sabi nung bwiset na bampira. Hindi na ko nagtaka na malalaman niyang nadito kami dahil kung hindi niya kami maramdaman mahina siyang bampira.

Nagpakita kami tulad ng gusto niya, pumwesto si Lucas sa tapat ko bilang pag proteksyon siguro sakin. Tumingin naman ako kay Majah na halatang nagulat na makita kami.

“A’anong ginagawa niyo dito?” Pagtataka ni Majah.

“Lucas, dinalhan mo pala ko ng mas masarap na pagkain.” Tumingin sakin yung bwiset na bampira. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. So alam niya din kung ano ako? Baka kasamahan siya nung Bampirang humarang samin ni Lucas.

“Asa ka, di mo matitikman kahit tulo ng dugo ko.” Pagmamatapang ko. Hinigpitan ko yung hawak sa patalim ko para kung any moment na lumapit siya patay siya ng tuluyan sakin.

“Napaka tapang mo para sa isang half vampire.” He smirks evilly at me.

“Alam mo naman kung anong kaya kong gawin diba? Kaya ko siyang patayin.” He’s referring to Majah. Fuck! Bigla akong nakaramdam ng kaba para

sa kaibigan ko.

“Teka, tibok ba ng pusong kinakabahan ang naririnig ko sayo, half vampire? Ganito nalang..” Hinalikan niya yung leeg ni Majah. “Kung papayag kang maging pagkain ko, papakawalan ko siya.”

“Sige!” Walang pag dadalawang isip kong sabi, halata sa mukha niya ang gulat. Di niya ata ineexpect na papayag agad ako.

“Nababaliw ka na ba?” Inis na sabi ni Lucas. Hindi ko siya pinansin at naglakad papalapit sa bwiset na bampira. Unti unti niyang binitawan ang nanginginig sa takot na si Majah at mabilis na lumapit sakin. Pero pagkalapit na pagkalapit niya sakin sinaksak ko agad siya ng patalim na binigay ni Lucas.

“Walang sino man ang pwedeng manakit sa kaibigan ko.” I sounded mad. Napaatras siya sa ginawa ko habang nakatingin sa silver knife sa tyan niya.

Lumapit na ko kay Majah na hindi makapaniwala sa nangyayari sa paligid niya habang nakatingin lang siya dun sa bwiset na bampirang ginawa siyang pagkain.

Lumapit si Lucas sa bampira na yun, kinuha ang patalim na nakatarak sa tyan nito at sinaksak niya direkta sa puso para tuluyan ng patayin yung bampira. Napayakap sakin si Majah dahil sa pagkabigla.

“Winarningan mo dapat ako sa ginawa mo kanina, muntik na kong atakihin sa puso!” Lucas said to me. I roll my eyes on him.

“Hindi na tumatibok yang puso mo nu.” He laughed at my words. Bumitaw na sa pagkakayakap sakin si Majah na halata pa din ang takot.

“Patay na ba siya?” Tanong niya habang nakatingin siya dun sa bampira.

“Patay na siya, wala ka ng dapat ipagalala.” Mahinahon kong sabi.

Tumingin siya saming dalawa ni Lucas. “Katulad ba kayo ng halimaw na yan?” She asked.

“Yah!” Confident na sabi ni Lucas. Sinamaan ko siya ng tingin paano naman kasi hindi nakakatulong yang pagiging confident niya sa ganitong pagkakataon.

“Half vampire ako.” I said.

Umatras siya sa nalaman niya at halatang natakot. “Wag kang matakot hindi ka namin sasaktan!” Paniniguro ko. Pero parang wala siyang narinig at kinuha lang niya yung bag niya at tumakbo palayo samin. Plinano ko siyang sundan pero pinigilan ako ni Lucas.

“Hayaan mo muna, ano bang ineexpect mo matuwa siyang may kaibigan siyang bampira?” Alam kong nagbibiro lang siya. Pero di ko yun nagustuhan at alam kong na halata niya yun dahil sinamaan ko siya ng tingin. “Ginawa siyang pagkain ng isang bampira at muntikan pa siyang patayin nito, tingin mo magiging maganda padin ang tingin niya sa tulad natin pagkatapos niyang maexperience yun?” Dagdag niya. May point naman siya dun.

“Siya lang yung kaibigan ko na mukhang mawawala pa dahil sa nalaman niyang oag katao ko.” Dapat pala inexpect ko na to dati para hindi ganito gaanong kasakit.

“Ouch! Hindi mo manlang ako kinonsider na kaibigan? Magtatampo ako niyan.” I shake my head showing of my frustration.

“Alam mo, ewan ko sayo!” Inis kong sabi. Hindi na talaga nakakatulong ang pagiging mahangin niya, wala sa lugar at oras ang pagiging mahangin niya. Bwiset! Pero may silbe din naman siya, dahil tinulungan niya kong iligtas ang kaibigan ko.

“Mabuti pa, umalis na tayo dito baka may dumating pang ibang bampira dito.” He said.

Huminga ako ng malalim. “Tama ka.”

=================

Eight

Sinimulan ko na namin ang umuwi, plano pa akong ihatid ni Lucas. Siya ang nagmamaneho ng kotse ko. Baka daw kasi may sumunod saking bampira na kasamahan nung kakapatay lang namin na bampira. Hindi ko akalain na magiging parte ako ng pag patay ng isang bampira. Hindi ito ang unang beses na makakita ako ng pagpatay ng bampira, ilang beses ko ng nakita si Papa na pumatay ng bampira dahil sa pagtangka sa buhay ko. Kaya nung may nakita akong namatay na bampira di na ko nangilabot.

Pero di naman yun ang concern ko kundi si Majah, ngayon alam na niya ang tungkol sa pagkatao ko natatakot akong baka lumayo na siya samin.

“Bigyan mo lang ng kunting araw si Majah, for sure matatangap din niyang may kaibigan siyang bampira.” Pagpapalakas ng loob ni Lucas.

“Sana nga.”

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito ng hindi inaalis ang tingin sa mata ko. “Ang tapang mo kanina, lalo tuloy kitang nagustuhan.”

“Lucas, di oras ng mga kapilyuhan ngayon.” I scolded.

He laughed. “Gusto ko lang pagandahin mood mo, baby.”

“Salamat.” Nag crossarms nalang ako at nag focus sa kalsada.

Nang makarating kami ng malapit lang sa bahay, kasi nga baka maramdaman siya ni Papa. “Salamat sa pag hatid.”

“Walang anuman.” Hinalikan lang niya ko sa pisnge atsaka tuluyan siyang bumaba ng kotse.

Nang makarating ako sa bahay, dumiretso na ko ng kwarto ko at ibinagsak yung katawan ko sa kama ko. Feeling ko sa lahat ng nangyari ngayong araw, pagod na pagod ako. Ipinikit ko nalang yung mga mata ko para makapag pahinga.

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, na dahilan para magising ako. Pagmulat

ng mga mata ko laking gulat ko ng makita ko si Lucas. Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing wag akong maingay. Kahit di niya kailangan gawin yun di talaga ako magiingay.

Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ko siya ng anong-ginagawa-mo-dito look. He just smirks down at me. He suddenly presses his lips to mine that took me by surprise. Oh shit! We’re on my bed and he’s kissing me. Are you kidding me?

Sinubukan kong pahintuin siya sa pag halik pero hindi siya huminto. Until i find myself kissing him back. He slowly laying me again to my bed, and positioning himself on top of me.

He breaks the kiss and stared down at me smiling widely. Umalis siya sa ibabaw ko at nag lakad papunta sa bintana ko, and bigla siyang nawala.

Napahawak ako sa labi ko at hindi makapaniwalang nakipag halikan ako sakanya sa kama ko. Kinuha ko yung unan ko at tinakip sa mukha ko. Shocks! Anong pumasok sa utak ko at pumayag akong halikan niya?

Tinangal ko yung unan sa mukha ko at pumunta sa bintana ko, sobrang dilim pa sa paligid kaya di ko na siya makita. Dito naman siya pumasok sa bintana ko, I’ll make sure next time na nakasarado na to bago ako matulog para di niya ko pasukin ulit para halikan. Baka maulit na naman kasi yung kanina. Nakakaloka talaga!!

Nang masigurado kong nakasarado yung bintana ko, bumalik na ko sa kama ko. Feeling ko namumula yung pisnge ko dahil sa hiya, urgh! for sure gagamitin niya saking pangtitrip yun bukas. Ipinikit ko nalang ulit yung mga mata ko kahit mahirap susubukan ko ulit na matulog.

Urgh! Humanda siya sakin bukas!!

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko dahil may tumatama ng liwanag sa mata ko. Dali dali akong napaupo sa pagkakahiga at nag simulang nag panick. Shit! Hindi ako nakapag training, malalate pa ko sa school.

Nag madali akong nag asikasong sa pagpasok ko, nang matapos ako bumaba agad ako sa kusina. Nandun sila Mama at Papa.

“Ma, bakit di mo ko ginising? Baka malate ako sa school.” Pagaangal ko.

She laughed. “Anak, kailangan mo din maranasan ang malate, exciting kaya yun.”

I grin at her. Lumapit nalang ako sakanila para ibeso sila. Kumuha lang ako ng tinapay at nagmadali ng pumasok ng school.

Nag madali talaga ako sa pag pasok, pati sa pag mamaneho nag madali ako. Ang bilis kong pinatakbo ang pagmamaneho ng kotse ko.

Nang makarating ako, dumiretso din naman agad ako sa classroom ko at nandun na yung professor namin.

“Late ka, Ms. Tuazon.” My professor said.

“Sorry, sir.” I apologized. Tumingin ako sa direksyon ng upuan ko, nandun na si Majah at si Lucas na nakangisi sakin for sure dahil yun sa nangyari kagabi.

Umupo na ko sa chair ko at di pinansin ang ngisi ni Lucas tumingin nalang ako kay Majah pero hindi niya ko tinitignan at pinapansin.

Hanggang kailan niya kaya yan gagawin?

Nang matapos ang klase. Nagmadaling lumabas ng classroom si Majah, pero hinabol ko siya. Para na din makaiwas kay Lucas.

“Majah, wait.” I called. Huminto siya pero hindi niya ko nilingon. “Can we talk? May ibibigay din ako sayo.” I said. Dahan dahan siyang humarap sakin pero di siya makatingin ng diretso sakin.

“Can we talk in private?” I asked. Tumango lang siya.

=================

Nine

Pumunta kami ni Majah, sa open space sa school para dun mag usap. Tahimik pa din siya at mukhang wala talagang planong mag salita. Hindi ko tuloy alam kung mag kakaayos pa ba kami o iiwas nalang siya habang buhay.

Kung sabagay dahil half vampire ako, matagal pa kong mabubuhay. Ang sabi kasi ni Papa pag half vampire ka at tumungtong sa edad na bente uno, parang magiging mabagal ang pag tanda ng katawan ko. Baka nga daw 50years old na ko, pang twenty two lang ang itsura ko.

“Anong sasabihin mo?” Finally nag salita siya.

“Uh.. tungkol sa nalaman mo tungkol sakin-“

“Wag ka magalala, wala akong planong ikalat yun.” Pagpuputol niya sa sasabihin ko. “Yun lang ba?” Tanong niya.

“May ibibigay ako sayo..” Kinuha ko yung kutsilyong binigay sakin ni Lucas at tinakpan to ng bimpo tsaka inabot sakanya. “Gamitin mo yan sa kung sinong bampirang planong gawin ka ulit na pagkain. Sa puso mo direktang patamaan, dahil kung sa ibang parte mo siya sasaksakin gamit yan, matatagalan lang yun mag hilom pero masasaktan ka padin niya at mabubuhay siya.” Ayoko ng idagdag yung, putulin ang ulo dahil ang creepy nun.

“Diba mas kailangan mo to?” Tanong niya, halata sa boses niya ang concern kaya medyo nag karoon ako ng pag asang magkakaayos pa kami ng best friend ko.

“I can protect myself without that.. I’m still half vampire so, don’t worry.”

“Salamat.” Itinabi niya yung silver knife sa bag niya at tumingin sakin. “Yun lang ba?”

“Uh.. Oo. Sorry, sorry talaga nag lihim ako. Ayoko lang na matakot ka tulad ng nararamdaman mo ngayon.

Hindi kita sasaktan o kahit ni Lucas maniwala ka, sana.”

“Naniniwala ako, di ko pa lang matangap ngayon kung ano kayo at yung ginawa nung kauri niyo sakin. Pasensya na.” Pag kasabi niya nun nag lakad na siya palayo sakin. Tumalikod ako at pinagmasdan siyang maglakad palayo. Tama nga si Lucas, hindi na magiging maganda ang tingin niya sa tulad namin pagkatapos niyang maexperience yun.

“Hindi pa din kayo ayos?” I almost jumped in surprised as i heard Lucas from my back.

I face him, glaring. He’s just looking directly at my lips wearing a smirk on his face. “Tigil tigilan mo nga ang kakasulpot ng biglaan sa likod ko!” Iritang kong sabi.

“Kung tarayan mo naman ako parang wala tayong gina-” Tinakpan ko na bibig niya bago pa niya ituloy yung sasabihin niya.

“Sa susunod wag ka ng papasok ng basta basta sa kwarto ko! Understand?!!” Hindi siya sumagot kasi nga malamang nakatakip yung kamay ko sa bibig niya. Tinangal ko na yun.

“Understand?!!” I asked again.

He smirks. “I can’t promise you that, baby.”

I groan, angrily. “Ilolock ko na yung bintana para wala ka ng pasukan!”

“Kung ganun, kakatok ako!”

“Ha! Gusto mong mapatay ni Papa?”

He smirked, walking more closer to me, obviously not threaten in my words. “Kakayanin mo bang makitang patayin ako ng Papa mo?”

I step back. “Exactly, hindi! Kaya, makinig ka nalang!” I turned around and walked away. Annoying man siyang playboy, tinulungan pa din niya ko sa pag ligtas kay Majah.. and okay sige kaibigan ko na din siya kahit na para sakanya

hindi ako ganun kaya di ko kayang makitang patayin siya ni Papa.

I decided na umuwi nalang since wala naman na kong friends.. i mean, galit yung best friend ko at yung isa may.. uh.. gusto sakin at ayoko muna siyang kasama dahil sa nangyari kagabi medyo nakakailang pa yun. Kaya uuwi nalang ako, wala naman na kong gagawin sa school.

Pasakay na sana ako ng kotse nang may pumigil sakin, tumingin ako sa gumawa nun at sino pa nga ba? Si Lucas lang na naman.

“Urgh! What again?” I groan, angrily.

He pouts. “Hindi mo na nga ko papapasukin sa kwarto mo, uuwi ka pa ng maaga.”

I sighed heavily. “Wala naman kasi akong gagawin dito.”

“Gusto mo bang pumunta sa bahay ko?”

“A’anong gagawin naman natin dun?” Nauutal kong sabi.

“Para lang alam mo kung saan ako nakatira.” Hinawakan niya ko sa kamay at naglakad papunta sa pinto ng passenger ng kotse ko. “Sakay na.” I do as i told.

Nag lakad siya papunta sa driving seat at nang makasakay siya sinimulan na namin ang byahe. Uh.. di ko alam kung bakit ako sumama sa mokong na to, mamaya kung anong gawin sakin nito eh. Sabagay tatakbo nalang ako, para saan pa at may dugong bampira ako? Pero kung iisipin, purong bampira siya ako, half lang. Shit!

Nakarating kami sa sinasabi niyang bahay niya, sabay kaming bumababa ng kotse at di ko maiwasang mapatitig sa bahay niyang malaki and medyo old nadin tulad ng bahay namin.. na mukha ng antigo sa luma pero matibay pa din.

“Sino kasama mo dito?” Tanong ko.

“Wala, ako lang.” Sagot niya. Nag lakad siya papalapit sakin at hinawakan yung kamay ko tsaka kami nag lakad papasok ng bahay niya.

“Masyado tong malaki para sa isang tao lang.”

He chuckled. “Gusto mo ba kong samahan dito? Para di nalang ako mag isa.”

“Tumigil ka nga!”

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at inilibot ang tingin sa bahay niya. “Ilang taon ka ng nakatira dito? Wait..” I look at him. “Ilang taon ka na ba? Yung totoong edad ha!” Tanong ko.

“Medyo matanda na.”

“Ilan nga?”

“Sabihin nalang natin na ito na ang itsura ko noong lumubog ang Titanic.”

“Shocks! Ang tanda mo na pala!” I suddenly laughed. “Kasing tanda mo lang pala si Papa.”

He walks closer to me, grinning. “Gwapo parin naman.” Pag mamalaki niya. He holds my chin, staring down at my lips. “Alam mo ba kung gaano ka kaganda pag tumatawa?”

I instantly blushed. I slapped his hand using the back of my hand. “W’wag ka ngang lumapit!”

He laughed loud. “You’re blushing.”

“Shut up!” Hinawakan niya ko sa bewang ko na dahilan para mailang ako. “A’anong-” Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil hinalikan niya ako sa labi. I find myself, kissing him back.

“Gusto mo bang kumain?” Tanong after ng kiss, namin. I just nodded my head, shyly. Pumayag na naman akong halikan niya, pambihira! Ayaw sumunod ng katawan ko sa utak ko.

He kissed my lips again, softly. “Magluluto ako.”

“Marunong ka?” I asked, surprised.

“Yup!” Pagmamalaki niya habang napaka laki ng ngiti sa labi. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bewang ko at nag simulang maglakad papunta sa kusina niya siguro. Wow! Vampire nag luluto? Baka chef or cook siya noong di pa siya Vampire?

Please vote. ☆

=================

Ten

Pinapanuod ko lang si Lucas sa pag luluto at aaminin ko magaling siyang kumilos sa pag dating sa kusina at ang gwapo niyag tignan. Na amin ko naman ng gwapo talaga siya diba? Kung ganun uulitin ko ulit na gwapo siya. Mas lalo siyang gumagwapo habang nagluluto.

Tumingin siya sakin habang busy siya sa pag luluto kaya nakipagtitigan lang ako sakanya. He slowly showing his smirks. “Wag mo kong tignan ng ganyan, nakalimutan mo na atang nandito ka sa bahay ko.”

I blink rapidly. “Bakit ano bang tingin ang gusto mo?”

Ginamit niya yung bilis niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ko sa chin at inangat ang ulo ko para magtama ang mga mata namin. “Ayos na sakin yung simpleng tingin lang wag kang makikipag titigan dahil marupok ako at mabilis maakit lalo na sayo.”

I slapped his hand using the back of my hand. “Magluto ka nalang, dahil pag nagsalita ka pa ng kamayakan.. uuwi ako.”

He laughed. “Okay, baby.” He winks.

Tulad nga ng sabi ko bumalik nalang siya sa pagluluto niya. Masunurin naman pala siya. “Alam mo wala sa awra mo ang marunong mag luto.” I comment.

“Sabihin nalang natin na may kakilala ako noon na mahilig kumain kaya nag aral akong magluto.” He said not bothering himself to look at me.

“Oh-wow! Ex ba?” I asked.

“Hindi naging kami.”

“She must be really special para magaral si Lucas Lawrence magluto.” Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kunting selos sa kung sino mang babae yun.

“Where is she now?” I asked again.

“I don’t know.” Humarap siya sakin at tumingin sa mga mata ko ng sobrang seryoso. “Let’s not talk about her.”

“Last nalang.. vampire ba siya?”

“Oo.” Tumalikod nalang ulit siya at nag focus sa pagluluto. Dahil ayaw na niyang pag usapan tumahimik nalang ako dahil baka magalit pa siya pag nag tanong ako. Teka kailan pa ko nag alalang magagalit siya sakin? Shocks! Kasalanan to ng mga labi niya.

Natapos siya sa pagluluto at tumulong na ko sa paghahain, nakakahiya naman kasi siya na nga nag luto wala pa kong gagawin. Nang makapag hain kami, nag simula naman na kaming kumain and i must say.. this is really good.

“You liked it?” He asked, smirking.

“I love it.” I said chewing. He grins at me, inilapit niya at ginamit niya yung thumb niya para punasan ang dulo ng labi ko.

“Kung alam ko lang na matakaw ka edi sana dinamihan ko ang pagluluto.” He teases.

“Kasalanan mo dahil sinarapan mong magluto.”

He laughed. “Okay, next time di ko na sasarapan.”

“May next time pa?”

“Oo, syempre naman.” Hinalikan niya ko ng mabilis sa labi kahit na may laman pa yung bibig ko.

“Nakakadami ka na ng halik ah!” Pagaangal ko.

“Ang sarap mo kasing halikan eh.”

“Manyak ka kamo!”

He smirks playfully. “Gusto mong malaman ang meaning talaga ng manyak? Ipapakita ko sayo.”

“Subukan mo lang!” I warned.

He laughed at my reaction. “Mabuti pa, bilisan mo na dyan baka hinahanap ka na sainyo.”

Shocks! Tama siya, siguradong paktay ako nito kay Papa. Nag madali

akong ubusin yung pagkaing niluto, ayokong mag aksaya ng pagkain kaya inubos ko pero ang pinaka dahilan talaga ay masarap ang luto niya.

Nang matapos naman kaming kumain, umuwi din naman agad kami. Hinatid niya ko syempre, pero tulad ng mga nakaraan niyang pag hatid hanggang kanto lang siya para hindi siya maramdaman ni Papa.

“Salamat sa pag hatid, Lucas.”

“Bilang kapalit ng pag hatid ko, buksan mo bintana mo mamaya.”

I roll my eyes. “Shut up, dude.” Hinalikan niya lang ako sa pisnge tsaka siya tuluyang bumaba ng kotse. Kaya lumapit na ko sa driving seat at nag maneho na papalapit sa bahay.

Nang makarating ako, dumiretso ako sa pag pasok and hinanap sila Mama.

“Hello sweetheart, bakit ginabi ka?” Mama asked. Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

“Madaming activity lang sa school.” I lied. “Where’s, Papa?” Nag tanong agad ako para di na masundan tanong ni Mama baka kasi mahalata niyang nagsisingaling ako.

“Naglilibot siya ngayon sa labas, baka kasi may bampirang nakapalibot lang na bampira dyan, mahirap na.”

Bigla kong naalala si Lucas. Naku! Sana naman talaga di siya makita ni Papa.

“Okay, pupunta na po ko ng kwarto.”

“Hindi ka muna kakain?”

“I already do.”

“Where? With who?”

“With.. Maj.” Pagkasabi ko nun, tumakbo na ko papuntang kwarto ko para iwas usap na. Tsaka less pag sisinungaling kasi naman nakaka konsensya na.

Pag dating ko ng kwarto ko una kong tinignan yung bintana ko, chineck ko kung nakasara. Then kinuha ko na yung towel ko para makapag shower na.

Nang matapos naman akong mag shower, nag patuyo lang ako ng buhok tsaka kumuha ng libro at nag basa bilang pangpaantok. Pero di rin naman ako makapag focus sa pagbabasa dahil sa mga nangyayari nitong mga nakaraan na araw..

Galit sakin si Majah.

Nagsisinungaling na ko sa magulang ko.

Si Lucas naman.. well, okay sige na annoying siya and i admit na.. uh.. nagsisimula na kong magustuhan siya.

Haay! Itinabi ko nalang yung libro ko at sinimulan ng matulog.

Nagising ako sa pag tulog dahil sa alarm ko. Wala man pasok ngayon, kailangan ko pa ding gumising dahil may training kami ni Papa.

Nag hilamos at nag toothbrush lang ako then lumabas na ko ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminum ng dugo, pero bago pa ko makarating narinig kong nag uusap si Mama at Papa.

“Sigurado ka ba sa nakita mo?” Boses yun ni Mama.

“Hindi ako pwedeng magkamaling si Damon yun.” Damon? Sino naman yun?

“Hindi niya dapat makita ang anak natin.” Mama said.

“Hindi mangyayari yun.”

Tuluyan na kong nag lakad sa papuntang kitchen at nag pakita sakankla. “Mama, Papa..” i called them. Sabay silang tumingin sakin. “Sino po si Damon?” Pagtataka ko.

Nagkatinginan silang dalawa at tinginan palang alam mong naguusap na. “Isang dating kaibigan, anak.” Papa answered.

“Bakit hindi niya ko dapat makita? Bakit ngayon ko lang nalaman na may Damon po pala kayong kaibigan?”

Lumapit sakin si Mama at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. “Anak, mangako kang pag may nakilala kang bampira na Damon ang pangalan.. layuan mo agad siya.”

“Uh.. bakit po?”

“Dahil kilala siyang umiinum ng dugo ng kalahating bampira, dugo mo. Malakas siya anak, kaya hangga’t maari maging alerto ka.”

Shocks!

“O’opo.”

Please vote. ★

=================

Eleven

One week after..

We’re on our classroom, Lucas is seating on my left side while Majah is seating on my right side.

Hindi parin nag babago si Majah sa pag iwas sakin, ni hindi kahit nga isang word wala siyang binabangit sakin, di rin nakikipag eye contact. Di ko tuloy maiwasang mamiss yung best friend ko.

Si Lucas naman, ganun padin patuloy sa pangungulit sakin. Ako naman ay ganun pa din ang trato sakanya, malamig. Pero bumibigay kapag hinahalikan niya.

Nang matapos ang lahat ng klase namin.. si Majah dirediretso lang sa pag labas niya ng classroom namin, tulad ng mga nakaraan na araw. Ni hindi manlang kami hinihintay.

“Hanggang kailan niya kayo ako iiwasan?” Hindi ko alam kung kanino ko yan sinasabi kung kay Lucas ba o sa sarili ko lang.

“Hayaan mo lang muna siya, ayaw mo nun nakakapag solo pa muna tayo.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Tumigil ka nga!!”

He laughed. “Biro lang, baby.” Tumayo na ko at naglakad na palabas, para sure na di niya ko mahabol tumingin ako sa paligid kung may nakatingin sakin at nung wala ginamit ko yung bilis ko para makalayo na sakanya.

Pumunta ako sa rooftop dahil dun tahimik. Ayaw ko pa din namang umuwi, ayaw ko din naman munang makasama si Lucas. Basta badtrip lang ako sakanya, puro nalang kamanyakan lumalabas sa bibig niya.

Umupo nalang muna ako sa gilid at kumuha ng libro sa bag ko para masimulan na ang pagbabasa.

“Finally, magisa ka nalang!” Isang boses ng lalake ang narinig ko. Inangat ko yung ulo ko at nakita

ko ang pamilyar na lalake. Siya yung bampirang humarang samin ni Lucas noon sa daan.

Tumayo ako at nasa defense mode. “What do you want?” I asked. He just smirks, evilly at me and in just a blink of eye nakalapit na siya sakin at naramdaman ko nalang ang pagsakal niya sakin.

Dahil sa ginagawa niyang to, nagsisimula na kong mahirapan sa pag hinga, kahit anong subok kong tangalin yung pagkakasakal niya mahirap dahil napaka lakas niya.

“Ang dugo mo ang kailangan ko! Alam mo ba kung bakit may malalakas na bampira? Dahil yun sa dugo niyo, ang dugo niyo kasi parang energy drink.”

“A’asa ka pa!” Sinubukan ko pa din mag salita at nag matapang. Pero dahil sa ginawa kong yun mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagsakal sakin, kaya napapikit na ko sa sakit.

Naramdaman ko ang pag hawak niya wrist ko and naramdaman ko ng iniinum na niya yung dugo ko.

Syete naman oh! Mukhang hanggang dito nalang ako, ni hindi pa nga ako pinapatawad ni Majah eh, ni hindi ko pa nasasabing gusto ko si Lucas. Urgh!!

Ayoko! Hindi pa ko mamamatay dito. Minulat ko yung mga mata ko at ngisi ng halimaw ang nakita ko, habang busy sa pag inum ng dugo ko.

At sa di malamang dahilan bigla siyang bumitaw sa pag kakasakal sakin. Napaupo ako sa sahig habang hawak hawak ko lang yung leeg ko at naghahabol ng hininga.

Unti unti siyang tumalikod at nakita ko ang dahilan ng pag bitaw niya sa pag sakal at pag inum ng dugo ko. Yun ay dahil may sumaksak sa likod niya gamit ang silver knife, alam ko yung silver knife na yun, yun ang binigay ko kay Majah.

Hinanap siya ng paningin ko at nakita ko siyang paatras na naglalakad dahil sa takot sa bampira.

Tinignan ko yung sumaksak sakanya, i saw Majah.. what is she doing here?

Inialis lang nung bampira yung nakasaksak sakanyang knife sa likod binitawan to dahan dahang lumapit kay Majah. Pinilit kong tumayo habang naghahabol ng hininga para tulungan ang kaibigan ko.

“Tak..bo!” Sabi ko habang umuubo. Pero bago pa makatakbo si Majah nahabol agad siya nung bampira at sinakal din ito tsaka hinagis.

“Ikaw na muna ang uunahin ko!” Pagbabanta nung bampira kay Majah. He was about to touch Majah pero biglang dumating si Lucas at sinakal ito.

Pilit akong tumayo kahit sobrang nanghihina pa ako dahil sa paginum ng dugo sakin nung halimaw at kinuha yung silver knife at sinaksak mula sa likod yung bampira kung saan nakapwesto yung puso nito.

Binitawan na ni Lucas yung bampira at napahiga ito sa sahig ng wala ng literal na buhay. Napaupo naman ako dahil sa panghihina.

Lumapit sakin si Lucas at halatang nag aalala. “Okay ka lang?” He asked.

“Oo, medyo marami lang siyang nainum na dugo ko.” Tumingin ako sa direksyon ni Majah na nakatingin lang samin. Sinubukan ko ulit na tumayo at this time tinulungan ako ni Lucas. Naglakad kami papalapit kay Majah, tinabihan ko siya sa pag upo. Naamoy kong may dugo siya siguro nasugatan siya sa pag hagis sakanya nung bampira.

“Ayos ka lang?” Tanong ko.

“Di naman to ang unang beses na nasugatan ako kaya ayos lang.” Tumingin siya kay Lucas, yung tingin na iinumin mo ba dugo ko.

“Wag ka magalala di ko type ang

dugo mo.” Lucas said sensing her thought.

“Mabuti naman dahil babatukan kita kung sakali.” Majah said. Tumingin naman siya sakin. “Ikaw, okay ka lang?” She asked.

I nodded my head. “Oo medyo nanghihina lang pero okay lang ako, salamat sayo.”

“That’s what friends are for.” I smile as i heard her said the word friends.

“So, are we good now?” I asked.

“Yah, just make sure.. no more secret!”

I chuckled. “Wala na.” She smiled, then nag yakapin kami. Di ko maiwasang mapaluha sa saya, salamat naman. Ang isa sa kinatatakutan ko nung inaakala kong mamamatay na ko ay ayos na ngayon.

“Ladies, talaga namang masaya ako sa pagkakabati niyo pero.. kailangan nating itapon ang katawan nito.” Lucas said making me and Majah looked at him.

“Paano?” Majah asked wiping her tears.

“Balikan nalang kay natin mamayang gabi? Pag wala ng tao dito sa school. Sa ngayon itago muna natin siya.” I suggest.

Lucas smirked at me then biglang lumapit sakin at lumuhod gamit ang isang tuhod. Hinawakan niya ko sa chin at hinalikan sa labi. “Di ka lang brave baby, smart pa.”

“Lucas.. wag mong pagsamantalahang nanghihina pa ko, pwede?”

He chuckled. “Sorry, i just.. you know, you turned me on.”

I roll my eyes. Mukhang yung isang naisip ko kanina habang inaatake ng bampira ay ipagpapaliban ko muna. Di kasi siya nag mimintis na bwisetin ako eh.

“Kayo na ba?” Majah asked.

“No!”

“Yes!” Sabay kaming nag salita pero mag kaiba kami ng sinagot.

“Anong yes ka dyan!!” Bulyaw ko kay Lucas.

“Ay, no pa pala.” Pagtatama ni Lucas.

Majah laughed. “Until now ganyan pa din kayo?”

“Pakipot si Amber eh.”

“Tumahimik ka nga! Lalo ako nanghihina sayo eh.” Irita kong sabi.

“Uminum ka ng dugo para mabawasan pang hihina mo.” Suggest niya. Really?? Sinabi niyang uminum ako ng dugo, sa harap ni Majah!! Gusto ba niyang matakot na naman samin tong kaibigan ko? Haay!!

Tinginan ko nalang siya ng shut-up look. Ngumiti lang siya.

=================

Twelve

Dumating na ang gabi, oras na ng pagbabalik namin sa school. Pero para di mag taka ang mga magulang ko kung bakit gagabihin ako ang sabi ko may group study kami sa bahay ng isang kaklase. It mean, more lies sa parents ko.

Kasama parin namin ngayon si Majah dahil gusto niya daw tumulong.

“Okay, so what’s the plan?” Lucas asked, he’s at the driving seat, me at the passenger seat while Majah at the back seat.

“Ako ng bahala sa security para siguradong walang makakakita na dala ni Lucas yung katawan. Ikaw naman Maj, dito ka lang.” I instructed.

“What? Ang boring naman nung akin!” Pagaangal niya.

“Hindi naman exciting tong gagawin natin nu! Kukuha tayo ng katawan ng bangkay.”

“Exciting yun para sakin.”

Lucas laughed at her words. “Tama naman siya baby, exciting to.” Haay!

“Sige, tulungan mo nalang ako sa security.”

“Okay, much better.” Bumaba na kami ng kotse at sinunod yung plano. Magkakasabay kaming pumasok ng campus, habang inililibot ang paningin sa paligid dahil baka may security guard na nag papatrol.

“Dito nalang kayo, pupuntahan ko na yung katawan.” Lucas said.

“Okay bilisan mo!” I said.

“May prize ba ko dito?” He asked.

“What?” Kunot noo kong tanong.

“Buksan mo na lagi yung bintana sa kwarto mo, okay? Ako nalang bahalang mag sara.”

“Lucas just stick to our plan!” I scolded him.

“Seriously guys, ngayon pa kayo nag usap ng ganyan? May security guard na papalapit.” Majah scolded us. Nang marinig naming sinabi yun ni Majah,

pareho namin ginamit ang kakayahan naming mabilis na pag kilos. Siya papunta sa katawa, ako sa likod nung security guard at pinatulog ito sa pamamagitan ng pag hambas sa batok nito gamit lang ang braso ko.

Tumakbo papalapit sakin si Majah habang nakatingin sa katawan ng security guard. “Anong ginagawa mo sakanya?”

“Pinatulog ko lang.”

“Wow! Ipaalala mo saking wag kang galitin.”

I laughed softly. “Tulungan mo na nga lang ako dito, baka makita pa siya nung ibang security guard.”

“Sabi sayo eh, kailangan mo ng tulong ko.”

I chuckled. “Oo na, dun ka sa paa ako sa kamay.” Sinimulan na namin siyang buhatin, hanggang sa makahanap kami ng upuan at pinaupo namin to dun na tila natutulog lang. Well, tulog naman talaga siya. Ang pinagkaiba nga lang ay paniguradong masakit ulo nito bukas.

“Tell me, gusto mo na ba si Lucas?” Malisyosang tanong ni Majah pag katapos namin maiupo yung guard.

“Hindi magandang pag usapan yan ngayon.” Pagiiwas ko.

“C’mon tell me, akala ko ba wala ng secrets?”

I roll my eyes. “Fine, Oo gusto ko na si Lucas.”

“Eh bakit nagpapakipot ka pa kung ganun eh obvious na obvious naman na gusto ka din niya?”

“Hindi palang siguro panahon na malaman niya yun.”

“Kailan naman?”

“Hindi ko pa alam!” Nag cross arms siya na ibig sabihin ay di siya convinced. “Hindi ko pa talaga alam.”

“Eh yung tungkol sa bintana mo sa kwarto? Anong ibig sabihin nun?”

“Lagi kasi siyang pumapasok sa kwarto ko at.. uh.. para humalik sakin.”

She smiles, teasingly. “Wow! So, may nangyari na?”

“Wala nu! Kiss palang.” I defense.

She laughed at my reaction.

“Okay, Okay.. eh bakit di mo pag bigyan at buksan nalang yung bintana mo?”

“Baka maramdaman siya ni Papa at patayin. Ayaw ni Papa na may nakakalapit na bampira sakin maliban syempre sakanila ni Mama.”

“Akala ko patay na mga magulang mo?” Pagtataka niya.

“No! Actually, you met them already. Sila yung pinakilala kong Ate ko at yung asawa niya nung pumunta ka ng bahay.” Nakapunta na kasi siya noon sa bahay at nakilala niya sila Mama na ang sabi ko Ate ko lang, naniwala naman siya kasi nga mag kamukha kami ni Mama.

“Oh wow! Kasing edad mo lang silang tignan.”

“Yah, kaya ang hirap sabihin na magulang ko lang sila.”

“I understand.”

Nakarinig kami ng pumito kaya nahinto ang pag chichikahan namin ni Majah na talaga namang nakakamiss. Ang tagal na kasi nung huling chikahan namin.

Nakita na namin si Lucas na bitbut yung katawan kaya tumakbo kami papalapit sakanya.

Sinimulan na naming lumabas ng school, luckily isang security guard lang ang nakasalubong namin. Ayaw ko na din kasi manakit pa, ang hirap pa namang magpigil ng lakas pag tao lang ang sasaktan.

Nilagay ni Lucas yung katawan sa likod ng kotse tsaka naman namin sinimulan ang byahe papunta kung saan namin ililibeng yung katawan.

“Guys, im curious.. ” Majah speaks from the back seat. “Diba takot sa araw ang mga bampira bakit kayo parang walang epekto?”

“Nag research ka ba?” Natatawang tanong ni Lucas.

“May nakakatawa ba dun? Out of curiosity kaya ko ginawa yun.” Maj said.

“Hindi yun totoo, walang epekto sa bampira ang araw. Kaya nga

mahirap malaman kung bampira yung tao eh, maliban nalang kung papakingan mo yung tibok ng puso nito. Yung bampira kasi wala ng tibok yung puso.” I explained.

“Eh sa tulad mong half vampire?”

“Well, tumitibok pa din yung puso ko.”

“Tumitibok para sakin!” Pagsisingit ni Lucas.

“Ha.ha, mag drive ka nalang dyan!” Sarkastiko kong sabi.

“Kung yung mga magulang mo halos kasing tanda mo lang tignan, ikaw tatanda ba?” Majah asked again. Mukhang kumakalap siya ng information tungkol sa mga vampires. Kung sabagay deserves niya yun lalo na’t may nakapaligid sakanyang bampira at kalahating bampira.

“No, ang sabi nila pag tungtong ko ng 100 years old baka pang 25years old lang ang itsura ko.”

“What the hell? So ilang taon ka na ba talaga?”

I chuckled. “Same parin tayo, don’t worry.”

“Eh ikaw Lucas ilang taon ka na?”

“Matanda na siya.” Pinagdiinan ko talaga yung salitang matanda bilang pangaasar. Tumingin lang sakin si Lucas, yung tingin na mamaya-ka-sakin habang nakangisi. Bring it on!

“Totoo bang pag nagmahal ang bampira wagas?” Majah asked again. This time pati ako na curious sa tanong ni Maj, never ko namang natanong yun sa parents ko.

May nagustuhan na noon si Lucas, until now kaya may feelings parin siya dito? Nung napag usapan kasi namin siya umiiwas agad siya at napaka seryoso pa ng mukha.

“Siguro..” Lucas said.

“Bakit siguro lang?” I asked.

“Subukan mo ko para malaman mo kung wagas nga ko magmahal.” Okaaaaaay, hindi yun ang ineexpect kong sagot kaya umiwas nalang ako mg tingin. Feeling ko kasi namumula yung pisnge ko eh.

Narating din namin finally kung saan namin ilibeng yung bampirang napatay namin. Si Lucas na ang gumawa nun, kaya pinagmasdan lang namin siya ni Majah habang nag huhukay at inililibeng na ito tsaka tinakpan muli ng lupa.

Nang matapos si Lucas sa paglilibeng humarap siya samin. “Gusto niyong uminum sa bahay ko?” Tanong niya.

“Kailangan ko ng umuwi, gabi na eh. Baka magaalala sila Mama, may nakita pa naman silang dating kakilalang bampira na dugo ng tulad ko ang gusto.” I said.

“Sino naman?” Lucas asked.

“Damon daw ang pangalan.”

“Baka siya yan!” Tinuro ni Majah yung kakalibeng lang ni Lucas na bampira.

I shrugged. “Ewan ko.” Sana nga! Sana nga yang bampira na yan ang Damon na yun para mawala na yung takot nila Mama at Papa.

“Kasama mo naman si Lucas eh. Tsaka isa pa, gusto ko ding uminum. Sabihin mo nalang na mag iisleep over ka samin pero ang totoo iinum tayo sa bahay ni Lucas. At isa pa, marami pa akong gustong itanong tungkol sa pagkatao niyo.” Majah said.

I sighed, giving up. “Okay sige tatawagan ko sila Mama.”

Please vote. ★

=================

Thirteen

Nang magawa kong mag paalam sa mga magulang ko na mag iisleep over daw ako sa bahay nila Majah, dumiretso naman kami sa bahay nito para kumuha ng damit para gamitin daw namin at ipinaalam na din siya kunyari mag iisleep over naman daw sa bahay ko.

Mga suwail kaming anak. Haha!

Nang makapag paalam na si Majah, dumiretso na kami sa bahay ni Lucas.

Nang makarating naman kami dumiretso si Lucas sa kusina habang kami ni Majah sa sala. Inililibot lang niya yung paningin niya sa paligid.

“Siya lang ba ang tao- i mean, nakatira dito?” Majah asked.

“Oo.” Sagot ko.

Ngumisi siya sakin. “Alam na alam mo talaga ah.”

“Di naman to ang first time na pumunta ako dito nu.”

“Kung sabagay girlfriend ka niya.”

I roll my eyes. “Whatever!” Binalikan na kami ni Lucas may bitbit na isang bote ng brandy at baso na may laman ng ice para saming tatlo.

“Siguro naman nalalasing padin kayo?” Majah asked.

“Oo, di nga lang kasing bilis niyong mga tao.” Lucas said habang naglalagay ng inumin sa kanya kanya naming baso.

“Ikaw?” She asked me.

“Mabilis din, im still half human.” Pagpapaalala ko. Inabot samin ni Lucas yung mga baso namin at nag offer ng cheers.

“For my baby.” He said smirking teasingly at me. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

“Para sa pagkakaayos namin ni Majah.” I said.

“Uh.. para sa.. inyong dalawa!” Majah said making us all laughed. Then ininum na namin yung brandy. Ininum ko yung alak ko ng hindi inaalis ang tingin kay Lucas at ganun din siya sakin.

“Tingin ko dapat mag karoon na ko ng boyfriend.” Majah said making

me looked at her. “Paano naman kasi kung magtitigan kayo akala niyo kayo lang ang tao dito. Urgh! Sana naman di kayo maingay mamaya.”

“Ha?” I asked.

Lucas laughed loud sensing Majah’s words. “What the hell was the meaning of that?” I asked again.

“Nothing, don’t mind what i said.” She said trying to stop her laughed.

“You can’t just say don’t mind it, natawa si Lucas kaya may meaning yun.” Pagpupumilit ko.

She smirks at me. “It means.. sana di kayo maingay habang,” she paused.

“Habang??”

“Nag se’sex.”

“What the fuck! Majah!!!”

She apologized, laughing. “Sorry.”

I cover my face with my hand. This is so embarrassing, bakit ba lumabas yun sa bibig niya. Sa harap pa ni Lucas!!!!!!

Pambihira naman talaga oh! Pwede naman sa ibang araw eh, ngayon pa talagang nasa harap namin tong mokong na to.

“Hey, don’t feel embaraased baby,” Lucas said softly. Hinawakan niya yung kamay ko at unti unti tong binaba. Ang laki ng ngiti niya na halatang naeenjoy tong embarrassment na nararamdaman ko. “Hindi pa natin gagawin yun.”

“Hindi pa?? May balak ka?”

“Oo naman!” Urgh!! Ibang klase!

“Sinama niyo ba ko dito para asarin ha? Kasi effective eh.” Sabay silang tumawa sa sinabi ko. Di ko nalang pinansin ang pag tawa nila at tinunga hangang maubos ko yung brandy sa baso ko. Di ko tuloy maiwasang maubo dahil talaga namang masakit sa lalamunan pag tinunga mo ng tuloy tuloy yung brandy.

“Gusto mong tubig?” Lucas asked.

“Yes, please.” I said clearing my throat. Ginamit niya yung bilis niya para pumunta sa kusina niya.

“Kailangan ko na sigurong masanay na ginagamit ni Lucas

yung bilis niya.” Majah comments looking at Lucas’s direction.

“Masasanay ka din.”

“Maliban sa bilis, ano pang kaya niyo?”

“Mmm.. yung pandinig namin malakas, pag nag focus. Yung mga araw na para akong tulala or wala sa sarili, may pinapakingan ako nun.”

“Kaya naman pala. Wait- doon sa model fake agency na pinuntahan natin, ginamit mo ba yang kakayahan mo kaya mo sila narinig?”

I chuckled. “Oo, nakita ko kasi silang nagbubulungan nun at nakatingin sayo kaya pinakingan ko.”

“Haay! Buti nalang talaga kasama kita nun.”

“Here’s your water.” Lucas says, handling me a glass of water.

Kinuha ko yun ng nakatingin sa mga mata niya. “Thank you.”

“Ladies, baka gusto niyo ng magpahinga?” Lucas asked us.

“Why para makapag take advantage ka na kay Amber?” Majah teases. Haay! Ayaw niya talaga akong tigilan sa pangtitrip na yan! Pambihira naman oh!

Lucas laughed. “Tempting but no, alam naman natin na may nainum na dugo sayo yung bampira kaya dapat siguro mag pahinga ka na.” Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

“Lumalabas na ang pagiging matanda mo, dahil sa pagutos mo samin.” I joke at Lucas making Maj laughed.

He smirked, lightly. “Baby, i was just concern.”

“I know, thank you.” I sincerely said, looking directly at his eyes.

Majah cleared her throat. “Saan ba yung tutulugan namin?” Tanong niya.

“May two rooms na available, isang guest room and kwarto ko. You Majah can stay at the guest room while my baby can stay

at my room,” Teka bakit sa room niya ko? Ano yun tabi kami?

“No worries im going to stay here at the living room.” He added sensing my thought.

“Pwede naman kaming mag sama ni Majah sa kwarto.” I suggested.

“Hayaan mo na si Lucas sa gusto niyang setup, mas gusto niya sa kwarto ka niya eh.” Maj teases. I roll my eyes on her.

Lucas laughed. “No, actually iniisip ko lang na baka di ka pa komportableng makatabi si Amber dahil half vampire siya.” Napatingin ako kay Majah sa sinabi ni Lucas, may point naman siya dun. Siguro nga ayos na kami ngayon pero iba pa din noong wala pa siyang alam tungkol sa pagkatao ko.

“Uh.. honestly you’re right.” Maj says, shyly. “Sorry.” She mouthed at me.

“Ayos lang, i understand.”

“So, hatid ko na kayo sa mga kwarto niyo?” Lucas asked us. Me and Majah just nodded to him.

Una naming pinuntahan ang guest room kung saan si Majah matutulog, inabot niya lang sakin yung damit na ipinahiram niya sakin then sunod na naming pinuntahan ni Lucas ang kwarto niya.

Pero nung nasa pinto na kami, huminto ako at ganun din siya. “Hanggang dito ka nalang, kaya ko naman na sigurong buksan yung pinto, punta ka na sa living room.” Pagtataboy ko sakanya.

He laughed. “Masusunod kamahalan.” He said with a bow. He level his face to mine. “Goodnight, baby.” He said.

“Goodnight.” He gives me a smack kiss then nag lakad na siya papuntang sala. Haaay, nasasanay na ata akong halikan niya, kahit hindi naman kami.

Nag lakad na ko papasok ng kwarto niya at inilibot ang paningin ko dito. Walang ibang design ang kwarto niya maliban sa kama at mga libro.

Wow! Mahilig pala siyang mag basa? Unexpected yun ah.

Nag lakad na ko papunta sa bathroom niya sinimulan ng mag shower.. nang matapos naman ako, nag bihis din naman agad ako.

Dahil wala naman blower dito si Lucas, no choice ako kundi tuwalya lang ang gamit ko para mapatuyo ang buhok ko.

Habang nag pupunas ng buhok, lumapit ako sa mga libro ni Lucas at nag hanap ng pwedeng basahin. Nang makapili ako ng interesting basahin, umupo ako ng kama para simulang basahin to bilang pang paantok na din.

Naienjoy ko na yung pagbabasa ko at nakapag patuyo na din ako ng buhok ng bigla akong makaramdam ng uhaw. Inilapag ko muna sa kama yung libro at lumabas ng kwarto.

Nag simula na akong maglakad papunta sa kusina pero bago pa ko makapunta dun, nakita ko sa sala si Lucas na umiinum pa din until now.

“Bakit gising ka pa?” I asked him.

“Ikaw bakit gising ka pa?” He asked back.

“Ako unang nag tanong.”

He smirked. “Paano ako makakatulog kung may magandang babae ngayon sa kwarto ko? Ikaw?”

I roll my eyes. Umandar na naman ang pagiging pilyo niya. “Kasi nasa kwarto mo ko!” I lied, naenjoy kong magbasa kaya di pa ko tulog. Pagkasabi ko nun nag lakad na ko papuntang kusina niya at kumuha ng tubig.

Aakma na sana ako paalis sa kusina ng bigla sumulpot si Lucas. Nag cross arms ako. “Bakit na naman?” Tanong ko.

“Was it true?”

I raised my right eyebrow, confused. “True.. ang alin?”

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sakin habang nakangisi ng pilyo. “I heard you and Majah, talking about me. You said, you liked me. Was it true?”

Oh shit! Are you kidding me? Paano niya narinig yun? Urgh! Oo nga pala vampire siya, malamang maririnig niya yun basta mag focus lang siya. Shocks! Di ko tuloy maiwasang mahiya at mailang dahil sa nalaman niya.

“Bakit mo pa tinatanong kung narinig mo na din naman pala?”

“Gusto kong marinig ulit yun sayo.” Seryoso niyang sabi. Pumwesto siya sa harap ko at hinawakan niya ako sa chin. “Can you say it, again?”

“I uh..” i cleared my throat. “Ayoko!” I slapped his hand using the back of my hand, then aakama na sana sa paglalakad peri humarang lang na naman siya.

“Please?”

I bite my lower lip, bakit ba niya kasing gustong marinig yun? Nakakahiya kaya sa side ko, duh! Huminga ako ng malalim.

“Gusto kita.” That’s it i finally said it.

He smiles, grabbing my waist using just his one hand. He touches my cheek with his free hand, down to my chin. He presses his lips to mine. I respond to his kiss, putting my hands on his waist.

Keep voting po. ☆

=================

Fourteen

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang unang bumungad sakin si Lucas na nakaupo sa isang silya at nakakatitig sakin.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at di maiwasang mailang, mahiya, magulat na makita siya. Alam kong kwarto niya to, pero pambihira naman natutulog pa ko eh.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko.

“I’m watching my girl, sleeping.” He said smirking, gazing at me like i was the most beautiful art piece in the world.

“Me, your girl? Since when?”

“Since you said, you liked me.”

“Yes i said i liked you, but.. i didn’t said na tayo na.”

“Why keeping it too long, if you already felt the same as i felt for you?”

That makes me think.

Maybe because, he’s a vampire.

Maybe because, my Dad will surely not going to agree.

Maybe because, I’m scared na saktan niya.

Maybe because, gusto ko munang mag pakipot.

But the real main reason is, hindi papayag ang parents ko.

“Why were we talking about this?” I asked.

He stands, slowly walking straight at his bed. “Dahil gusto kong maging tayo na.”

I looked down. “Hindi pa pwede.”

“Bakit nga?”

“Kasi sigurado akong hindi papayag ang parents ko na makipag relasyon ako sa isang bampira. Especially now, nasa paligid lang yung Damon.”

“Pag nakita mo yung Damon na yun, anong gagawin mo?” Seryoso niyang tanong.

“I don’t know, hindi ko naman siya kilala. But my Dad will surely going to kill him, for him he’s really a big threat.”

He seats beside me, kissing my shoulder. I slowly looked at him, making an eye contact with him. He softly touched my lips, using the back of his pointing finger, down to chin. He kissed my lips.

Shit! We’re on his bed and now he’s kissing me.

I feel his tongue asking a permission to respond, i respond hesitantly.

He slowly laying us on his bed, pressing his body to mine. As he position himself on top of me, i hold his both cheeks, kissing him passionately.

Suddenly, we heard my cellphone ring. Shemay! We stop the kissed, staring at each others lips, still feeling wanting to kiss more. Pero kailangan kong sagutin yung cellphone.

Nasa ilalim yung ng unan ko kaya kinuha ko, pero yung posisyon namin ganun padin. I looked at the screen, i blinked nervously as i saw it was Dad who’s calling.

I look at Lucas’s eyes. “It’s my Dad.” I said nervously.

“Answer it.” He orders.

I do as i told. “Hello, Dad?”

“Anong oras ka uuwi? Nakalimutan mo bang may training tayo?” He sounded, mad. And dahil binangit niya yung training paniguradong pahihirapan niya ko mamaya.

“Sorry po, i over slept. Uuwi na po ako.” I lied again.

“Susunduin kita, nasaan ka ba? Sa bahay nung kaibigan mong si Majah?”

“No!” I snapped. Shit!! “Wag mo na po akong sunduin, pauwi na din naman po ako. Isa pa baka mag taka si Majah kung bakit ako sinusundo nung asawa ng Ate ko.” I bite my lower lip, hoping na pumayag siya.

“You’re right, umuwi ka na! Ngayon. Na!” Paniguradong hindi yun utos kundi warning.

“Opo.” He ended the call. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko talaga susunduin na niya ko, sigurado akong

lagot ako sakanya pag nalaman niyang di naman talaga ako nag stay sa house ni Maj.

I cover my face with my hands, groaning. Sa training paniguradong babawi si Papa sa galit niya.

Inalis ni Lucas yung mga kamay ko sa mukha ko, i saw him smiling down at me. “Ayos lang yan, hindi ka naman niya papatayin eh.”

“Hindi mo kilala magalit si Papa, malambing yun pero kung magalit.. grabe!”

“Well, atleast hindi siya galit sayo katulad kung gaano siya kagalit dun sa Damon.”

I chuckled. “Tama ka.”

He kissed my lips again, smack lang. “Itutuloy ba natin ang naudlot nating kiss o uuwi ka na?” Pilyo niyang tanong.

“Uuwi na!” I pushed him on his shoulders. “Umalis ka na sa ibabaw ko, enjoy ka na masyado!”

He grins, chuckling a little. “I still want to enjoy you on my bed.”

“No! Kailangan ko ng umuwi, so please.. alis na dyan!” He just pout. “Lucas!! Alis na! Gigisingin ko pa si Majah.”

“Call me baby, then aalis na ko.”

“What?” I asked laughing. Para talaga siyang ewan!

“Ayaw mo? Sige mag iistay lang tayo dito.” Bigla niyang isinuksok yung mukha niya sa leeg ko.

“Okaaaay, sige na! Baby, please alis na dyan.” May pagkamalambing ang tono ng boses ko para umalis na talaga siya.

May pahabol muna siyang halik sa leeg ko bago siya tuluyang umalis sa ibabaw ko. Then nag offer siyang tulungan akong tumayo.

He’s grinning like an idiot, making me rolled my eyes on him. Bumangon na ko ng kama sa tulong niya.

Lumabas na kami ng kwarto para puntahan si Majah habang nakaangkla yung braso niya sa balikat ko. Kumatok ako sa guest room, walang respond ni Maj. Pinihit ko yung

doorknob at di naman to nakalock.

“Ako lang papasok, dito ka lang!” Utos ko kay Lucas. Hinalikan niya lang ako sa pisnge tsaka tumango sakin bilang pag sangayon.

Pumasok na ko ng guest room at sinarado naman agad yung pinto. I saw Maj, still sleeping deeply.

“Maj wake up, kailangan na nating umuwi.” Pag gigising ko sakanya. Hindi siya nag respond. Umupo ako ng kama at inalog siya sa balikat para gisingin. “Majah!”

Nag iba lang siya ng position at nag takip ng unan sa ulo. “Mamaya na!”

“Hindi pwede, mapapatay na ko ni Papa sa galit pag di pa ko umuwi.”

“That’s normal.” She answered, sleepy.

“Normal ba na batuhin ka ng kutsilyo?” Tanong ko.

Tinangal niya yung unan sa ulo niya at tumingin sakin. “Hindi nga normal yun.”

I chuckled. “Tumayo ka na dyan!”

She stretch her body, yawning. “Okay.”

“Mag shower ka na, bilisan mo!”

“Yes, Mom.” She jokes.

Lumabas na ko ng guest room, pero no signed of Lucas. Baka nasa sala or pwedeng nasa kwarto niya. Shocks! Magshashower pa naman ako, wala naman sana siya dun baka mamaya kung ano ano namang isipin nun gawin. Mahirap na!

Nag lakad ako papuntang kwarto ni Lucas and laking luwag sa dibdib, walang sign niya. Makakapag shower na ko.

Pumasok na ko bathroom then nag shower din naman agad na may kasamang pag mamadali, dahil baka mainip si Papa at puntahan na talaga ako kela Majah.

Nang matapos ako, i saw Lucas on his bed laying. Buti nalang at nag bihis na ko sa loob ng bathroom.

Nag punas nalang ako ng basa kong buhok at di siya pinansin para di niya rin ako guluhin. Nang matapos naman ako sa pagpapatuyo ng buhok, binaling ko na ulit yung tingin ko kay Lucas na nakahiga sa kama.

In just a blinked of eye, nasa harap ko na siya. “Ihahatid ko pa kayo?”

“Hindi na, maliwanag ngayon baka makita ka ni Papa.”

“Okay.” He slowly bends down his face to kissed me pero di natuloy dahil biglang kumatok si Majah.

“Amber, gora na tayo!” She yelled outside the room.

“Coming!” I yelled back. Lucas holds my hand, smiling. Magkahawak kamay kaming nag lakad palabas ng kwarto ni Lucas and we saw Majah, smiling teasingly at us.

“Naka score ka?” She asked at Lucas. Grabe siya!!!!

Lucas laughed. “Kiss lang eh.”

“Ang hina mo! Umarte na nga ako ng hindi pa ko handang makasama siya sa kwarto, di ka parin naka score?”

My mouth fell. “You just acted?” Gulat kong tanong.

She laughed. “Oo! Haler kung naiilang talaga akong may kasamang bampira edi sana hindi ako sumama dito sa bahay ng bampira!”

Shit! Bakit di ko naisip yun? Pambihira naman oh!!

Sasakit ang ulo ko sa dalawang to!!

Please vote and comment. 😁

=================

Fifteen

Nasa tapat na ko ngayon ng bahay namin, bitbit ang kaba sa dibdib ko dahil sa ideang galit ang tatay ko.

Bumaba ako ng kotse ko at dahan dahang pumasok ng bahay. Sa pag pasok ko, nakita ko si Papa na nakaupo sa couch kaya yung kaba ko lalong lumalakas lalo na’t yung awra niya nakakatakot. Shocks! Nakakatakot talaga si Papa.

Kahit kinakabahan ako nag lakad padin ako papalapit sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

“Good morning, Pa.” I greeted, nervously.

“Mag asikaso ka na para sa training natin.” He coldly said. I do as i told.

Pumunta na ko ng kwarto ko bago pa niya kong pilitin gawin yun. Nag madali akong nag bihis kasi naman, pag galit si Papa ayaw niyang pinag hihintay siya kaya bawat kilos ko ginagamit ko yung kakayahan kong mabilis kumilos.

Nang makapag bihis naman ako dumiretso ako sa kusina para uminum ng dugo, naabutan ko dun si Mama kaya bumeso muna ako sakanya.

“Morning Ma.” I greeted her.

“You look nervous, sweetheart.”

“Galit kasi sakin si Papa.”

“He’s just concern, Sweetheart.”

“Alam ko po yun.” Uminum nalang muna na ko ng dugo bago pa tuluyang magalit sakin si Papa.

Lumabas kami ng bahay kung saan dun lagi ang training namin ni Papa. I saw him waiting, standing, impatiently with a, i dont know kung anong tawag dun. Para siyang baril pero isa siyang bow and arrow ang bala nito.

Woe! Kailan pa niya naisip magpaka achery? Kung kailan man yun, tingin ko hindi ko na kailangan isipin pa yun for sure, masasaktan ako nito.

Pumwesto na ko, huminga ng malalim tsaka humarap sakanya.

“Let’s test your speed and strength, Sweetheart. Kunin mo sakin tong weapon.”

Bigla niya saking binaril yung panang yun ng hindi manlang ako sinabihan na simula na pala yung training, yan tuloy tinamaan ako sa balikat at sa sobrang sakit nito napaluhod pa ko.

“Bakit po hindi niyo muna sinabing simula na pala?” Tanong ko habang pilit na hinihila yung arrow na tumama sa balikat ko.

“Kapag umatake ang kalaban hindi na siya magsasalita at gagawin nalang niya patayin ka.”

I know but still, training lang to!!

Urgh! He’s really mad.

Nang matangal ko yung arrow na nakatarak sa balikat ko, narinig kong bumaril ulit si Papa at bago pa ko masaktan nun ginamit ko yung speed ko at lumapit ng bahagya kay Papa. Pero bumaril lang ulit to and luckily nailagan ko ulit, muntikan na ko dun.

Gamit ang speed ko plano kong pumwesto sa likod ni Papa and nagawa ko yun, hinawakan ko yung isa niyang kamay at inilipit to sa likod niya pero nakatakas lang siya sa pagkakahawak ko and in just a blinked of eye siya na ang nasa likod ko.

Dahan dahan akong humarap at nakita kong nakatutok na sa ulo ko yung baril.

“Honey!!” We heard Mama’s angry voice. Sabay kaming tumingin sakanya ni Papa at halata sa mukha ni Mama ang galit habang naglalakad to papalapit samin

“What are you doing?” Galit na tanong ni Mama kay Papa.

“Tini’train ang anak mo.”

“Tini’train? Bakit hindi yun yung nakikita ko?” Mom faces me. “Sweetheart pumunta ka na sa kwarto mo!”

Mama said to me.

“Don’t spoil your daughter, Bernadette.” Papa said.

“I’m not spoiling her, im just a concern mother!”

“Tingin mo ako hindi? Nagaalala ako sakanya lalo na ngayon, nasa paligid lang si Damon.”

“I understand your concern Honey, pero di kayo mag titrain hanga’t galit ka!”

Haay! Nag away na!

“Ma, Pa.. tama na yung pag aawa niyo, sorry na kasalanan ko to. Wag na kayong mag away, hindi na ulit ako mag iisleep over sa bahay ng kaibigan ko.” I reassured.

“We’re not fighting Sweetheart. Yung pag sleep over mo sa kaibigan mo ayos lang yun, dapat mong maexperience ang mga ganun bagay at mamuhay padin na parang normal. Wag kang magalala samin ng Papa mo, i was just reminding him na hindi ka labasan ng sama ng loob, anak ka niya.” She holds my both cheeks. “Sige na, pumasok ka na ng kwarto mo, anak.”

Tumingin muna ako kay Papa kung sangayon ba siya sa gusto ni Mama na pumasok na ko ng kwarto. Tumango siya sakin bilang pag sangayon.

Just like what Mama wants, pumasok na ko ng bahay at dumiretso na sa kwarto ko.

Tinignan ko sa salamin yung itsura nung pagkakapana ni Papa sakin sa balikat. Maliban sa nasira yung damit ko, wala namang naiwang bakas yung panang yun.

Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama ko pagkatapos kong icheck yung balikat ko.

Haay! Ayaw kong nag aaway ang parents ko kasi mas sanay akong naglalambingan sila pero.. salamat nalang din talaga sa tulong ni Mama kaya nabawasan ako ng sakit sa katawan, kapalit nga lang nun ang pagaaway nila.

Sino ba kasi yung Damon na yun? Simula kasi ng makita siya ni Papa yung pagiging over protective niya nag level up ng bongang bonga.

Hmmm.. base sa kwento nabangit ni Papa, dati niya tong kaibigan. Di kaya may picture silang dalawa together? Kung meron man, nakatago ba yun o tinapon nalang?

Bumangon ako ng kama ko at dali daling lumabas ng kwarto, tumakbo ako papunta sa maliit na library ni Papa dito sa bahay. Nasabi ko na bang namana ko sakanya ang hilig sa pagbabasa? Ngayon alam niyo na.

Kaya siya may library dahil mahilig siyang mag basa.

Ewan ko kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko, siguro dahil nagbabaka sakali akong may naitago o naipit sa isa sa mga libro dito si Papa na litrato. Kahit na anong litrato na mag tuturo o mag papakilala sakin kung sino talaga yung Damon na yun dahil naiintriga na ko.

Sa pagpapatuloy ko sa paghahanap ang dami ko ng librong nabuklat pero wala pa din akong nakita. Siguro nga tinapon na niya yun or pwedeng wala naman talaga silang picture.

Pero may mga libro pa kong hindi nabubuklat, yung mga Encyclopedia niya. Yup, meron siya nun.

Isa isa ko tong binuklat hangang sa may isang bagay na nahulog sa sahig dahil sa buklat ko nitong encyclopedia. Isa tong litrato na base sa itsura nito sobrang tagal na nito dahil black and white lang ito at dahil din sa itsura at ayos ng buhok, pananamit ng dalawang taong nasa litrto. At ang dalawang taong nakita ko ay si Papa at si.. Lucas.

Shit! Anong ibig sabihin nito? Si Lucas ay si Damon?

Wait, No! Imposible yun, kung siya si Damon bakit hindi niya ko sinasaktan? Bakit wala ding binabangit si Lucas na kilala niya si Papa?

Urgh! Lucas, sino ka ba talaga?

Keep voting. ☆

=================

Sixteen

School days again..

Finally, mababaliw na ko sa sobrang pag iisip tungkol sa idea at posibilidad na si Lucas ay yung Damon na gustong paiwasan sakin nila Mama at Papa.

Sobrang gusto ko na si Lucas kaya pag nalaman kong si Damon at siya ay iisa lang baka di ko kayanin.

Gustuhin ko mang isipin na baka mag kakilala lang talaga sila ni Papa kaya sila may picture, hindi rin naman maalis ang isip ko ang pag dududa lalo na’t walang sinasabi si Lucas tungkol dito kahit na nabangit ko na sakanya ang tungkol kay Damon.

Shit!!

Pababa palang ako ng kotse ko dahil finally nakarating na ko ng school nang biglang sumulpot si Lucas sa harap ko. Napasandal ako sa kotse ko dahil sa gulat, biglang kumabog yung dibdib ko sa kaba at galit, inis ewan di ko rin maexplain tong nararamdaman ko.

“Woe, are you okay baby? I’m sorry, i didn’t mean to scared you.” He said concerned, confused at the same time.

He was about to touch me pero pinigilan ko agad. “No! Don’t touch me!”

“Why?”

“I already knew, who you are.. Damon!” I emphasize his name, nandun yung inis, galit at takot sa tono ng boses ko.

He steps back, shockingly. “You found out?”

“Yah! I saw your old photo with Papa!”

“Baby, im not going to hurt you. You know that!”

“Dati alam ko, pero ngayon.. hindi na!” I pushed him on him chest kaya napahakbang siya ng dalawang beses. Kaya nabigyan na ko ng pagkakataong masara yung kotse ko at nag madaling mag lakad palayo sakanya.

So, it’s true! Lucas and Damon are same person.

Damn it! He lies. Anong plano niya? Papaibigin muna niya ko bago kainin?

Bakit di niya sinabing siya si Damon? Bakit siya nag pakilalang Lucas? Ngayon ko lang din naisip, bakit siya bumalik ng school? Masyado na siyang matanda para bumalik sa pagaaral at paano niya nga pala nalaman na half vampire ako?

Shit! Ang dami ko ng tanong at di ko alam kung masasagot pa ba yun.

Nakarating ako sa classroom at di ko alam kung tama bang nandito pa ko dahil nasa palagid lang ang bampirang ayaw ng mga magulang ko na maincounter ko.

Wala pa sa upuan niya si Majah kaya lalo akong nainis dahil gusto ko man siyang warningan about Lucas or Damon, kung sino man siya. Urgh! Ngayon di ko na alam kung anong itatawag ko sakanya!

Narinig kong nag ring yung cellphone ko mula sa bag kaya kinuha ko yun at tinignan kung sino ang tumatawag at si Majah ang nakita ko..

“Hello?” I answered.

“Amber kailangan ko ng tulong.” Sabi niya na nagpakaba sakin. Tumayo ako bitbit ang bag ko at nag simulang mag lakad palabas ng classroom. Shit!

“Anong nangyari?” Pagaalala ko.

“May nabundol akong half vampire at sugatan siya, ginamitan daw siya ng silver bullet at hinahabol daw siya ng mga bampira, hindi ko alam ang gagawin ko. Tinawagan ko si Lucas ang sabi ko pupunta ako ngayon sa bahay niya para dun magtago. Ang sabi niya pauwi na din daw siya, pumunta ka, okay?”

“No! Wait, Maj-” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang namatay yung linya sakabila. Fuck!! Hindi ko manlang siya nawarningan tungkol kay Lucas.

Nag madali akong pumunta ng kotse ko,

bawal kong gamitin yung kakayahan kong mabilis na pagkilos dito sa school dahil ang daming tao kaya wala akong nagawa kundi tumakbo na parang normal.

Nang makarating ako ng kotse nag madali akong sumakay at nag maneho papunta sa bahay ni Lucas. Bahala na kung anong mangyayari. Kung ano mang plano ni Damon/Lucas hindi ko hahayaang saktan niya yung kaibigan ko at yung kasama nitong half vampire.

Baka kung sino man ang sugatan na half vampire na yun na hinahabol ng kung sinong bampira eh maunahan pa sila ni Damon na inumin ang dugo niya.

Nang sa wakas makarating ako ng bahay ni Damon or Lucas, shemay talaga di ko alam ang itatawag sakanya.

Wala man akong dalang armas dali dali akong pumasok ng bahay at nag lakad papunta sa Sala kung saan nakita ko silang lahat na nakaupo lang habang ginagamot ni Majah ang sugat nung lalakeng sugatan sa tagiliran nito.

Sabay sabay silang tumingin sakin ng makita ako. Blangko lang ang reaksyon ni Lucas/Damon habang tila nakahinga naman ng maluwag si Majah ng makita ako.

“Majah nasaan ang silver knife na binigay ko sayo?” Seryoso kong tanong.

“Uh.. nasa bag ko, bakit?” Ginamit ko yung bilis ko at kinuha sa bag ni Majah yun knife at itinutok ko kay Lucas/Damon.

“Umalis na tayo dito, dun tayo sa bahay.” Sabi ko kay Majah at dun sa kasama niya habang ang sama ng tingin ko sa lalakeng kung hindi lang sana nag sinungaling eh minahal ko na.

Mas safe sa bahay kung nasaan ang mga bampirang totoong mapagkakatiwalaan. Ang mga magulang ko.

“Hey teka ano bang nangyayari? Magkaaway ba kayo?” Pagtataka ni Majah.

“Maj sumunod ka nalang, pwede!” I yelled.

“Amber-“

“Manahimik ka!” Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Damon/Lucas. Alam kong hindi niya nagustuhan ang bulyaw ko sakanya dahil nakita yun sa reaksyon ng mukha niya. “Maj, labas na!” Utos ko ulit.

“Walang lalabas.” Damon blankly said. In just a blink of eye, bigla nalang siyang napunta sa likod ko hinawakan niya yung kamay kong may hawak na patalim at inilagay to likod sabay kuha nung patalim na hawak ko.

“Pwedeng kumalma ka muna, baby?” Kalmado niyang sabi mula sa likod ko at hawak hawak pa din niya dun yung kamay ko.

“Wag mo kong tatawaging baby!” Pagmamatapang ko.

“Bakit ba hindi mo na hayaang mag paliwanag ako?”

“Para saan pa? Sinugaling ka!”

“Nasasaktan na ko sa mga sinasabi mo, baby.”

“Nasasaktan na ko sa hawak mo!” Bigla siyang bumitaw sa pagkakapilit ng kamay ko sa likod ko. Humarap ako sakanya at sinuntok siya pero mukhang di naman siya nasaktan sa ginawa ko.

“Wag na wag mo na kong hahawakan, naintindihan mo!” I angrily said.

“Ano bang nangyayari dito, ipaliwanag niyo nga muna!” Maj said confused.

“Siya si Damon!” I explained pointing Damon.

“Whaat???” Gulat niyang tanong tsaka tumingin kay Damon ng magkahalong takot at gulat. Hinila niya palayo yung lalakeng half vampire.

“Wala akong planong saktan kahit ni isa sainyo!!” Damon yelled impatiently. “Shit!! Amber for once makinig ka pwede!! Kung gusto kitang saktan matagal ko ng ginawa yun! Kung yun talaga ang plano ko edi sana noon ko pa ginawa, noong nasa kwarto kita at natutulog ng mahimbing. Kung di ka parin naniniwala..” Hinawakan niya yung nga kamay ko at pilit na pinahawak saking yung silver knife at tsaka itinutok to sa puso niya. “..patayin mo na ko.”

Please vote. 😁

=================

Seventeen

Nakatitig lang kami sa mata ng isat isa habang nakatutok ang silver knife sa puso niya. Kitang kita sa mga mata niya na seryoso siya sa sinabi niyang patayin ko na siya.

Alam ko sa sarili kong hindi ko kayang gawin yun kahit na nag sinungaling pa siya, kahit na sino pa siya. Nakakainis dahil napangungunahan ako ng nararamdaman ko para sakanya.

Binitawan ko ang yung silver knife at tanging ingay lang ng pagbagsak nito ang umalingawngaw sa loob ng bahay niya.

Biglang napaluhod yung lalakeng half vampire dahil siguro sa sugat nito, kaya lahat ng focus namin ay napunta sakanya.

“Pasensya, nahihirapan na kong tumayo.” Sabi nito habang nakahawak sa sugat niya.

“Hindi ba bibilis ang pag hilom niyan?” Majah asked him, concerned.

“Silver bullet ang gamit nila kaya hindi, kung gaano kasakit para sa tao ang mabaril ganun din kasakit ito.”

“Makakatulong ang dugo para sa mas mabilis na paghilom.” Damon said. Pagkasabi niya nun ginamit niya ang bilis para pumunta sa pinagtataguan niya ng dugo.

Lumapit ako kay Majah para tulungang paupuin ulit sa sofa yung lalake. “Magiistay pa din ba tayo dito?” Tanong sakin ni Majah.

“Ganun na nga muna siguro.” Tumingin ako sa kapwa kong half vampire. “Anong pangalan mo?”

“Mario.”

“Nasaan ang mga magulang mo? Wala ka bang kasama?” Tanong ko ulit.

“Matagal ng patay ang mga magulang ko, 16 years old palang ako ng mamatay sila dahil sa pagtatangol sakin. Simula nun namuhay na ko magisa.”

Biglang dumating si Lucas/Damon na may bitbit na dugo at inabot to

kay Mario.

Kinuha naman niya to at ininum, umiwas lang ng tingin si Majah dahil siguro hindi pa siya sanay na nakakakita ng umiinum ng dugo.

“Pasensya na.” Pag hingi ni Mario ng tawad kay Majah.

“Uh.. hindi ayos lang.” She forces a smiles.

“Sino ba ang may gawa sayo niyan?” Tanong ko kay Mario habang nakatingin sa sugat niya at ngayon ko lang napansin na maganda pala ang katawan niya.

“Grupo nila Manuel, sila din yung grupong pumatay sa mga magulang ko.” Sagot nito.

“Delikado ka kung ganun.” Lucas said, sabay sabay kaming napatingin sakanya at nag taka.

“Kilala mo sila?” Tanong ni Majah.

“Kasali ako dati sa grupo nila, sakanila ko unang natikman ang dugo ng half vampire at sabihin nalang natin na tinuruan nila akong maging hayok sa dugo ng half vampire.” Kung ganun grupo pala nung Manuel na yun ang may dahilan kung bakit nagustuhan ni Damon ang dugo ng half vampires?

“Bakit ka umalis? Kasali ba dun si Papa?” Tanong ko.

“Hindi sumali si Albert dun ako lang, masyado siyang mabait para sa isang bampira. Umalis ako sa grupo nila dahil..” He paused. “..may nagustuhan akong tao at nakita ko ang sarili kong siya ang makakasama na bumuo ng pamilya kaya naisip kong kumalas.”

Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso nang marinig kong sinabi niya yun. Nabangit na niyang may nagustuhan na siya, siya rin kaya yung babaeng yun?

“Madami ba sila sa grupo?” Tanong ni Majah.

“Sa pagkakaalam ko kunti lang sila, pero malalakas sila dahil umiinum sila ng dugo ng half vampire. Maski ako mahihirapang kalabanin sila.”

Lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Malalakas na bampira

pala ang makakatapat namin, siguradong pag nalaman nila kung ano ako baka kung saan na ko pulutin nito.

“Pasensya na dinala ko sainyo yung problema.” Pag hingi ng tawad ni Mario.

“Wag mong sabihin yan, alam mo hindi mo kasalanan kung may mga baliw na bampira.” Pagpapagaan ng loob ni Majah. Kunti nalang iisipin kong type niya tong si Mario.

Naramdaman ko ang paghawak ni Lucas/Damon sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya. “Pwede ba tayong mag usap?” Tanong niya.

Tumango nalang ako sakanya bilang pag sangayon. Hinila niya ko paakyat ng second floor niya hangang sa makarating kami ng kwarto niya sa pagpapatuloy niyang pag hila sakin.

He was about to speak pero pinigilan ko agad. “Wait, ano munang itatawag ko sayo. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung alin sa pangalan mo ang dapat kong itawag sayo!” Prangka kong sabi.

He smirked. “Tawagin mo kong baby.”

“Seryoso ako!”

“Kung saan ka komportable, ayos lang sakin maging Damon man yan o Lucas pareho namang astig ang pangalan na yun.” Parehong astig? Kaya ba niya ipinangalan sa sarili niya ang Lucas dahil lang sa astig?

“Simula ngayon mas gusto kong tawagin ka sa Damon, dahil ayoko na ng lihim! Understand?” Tumango lang siya. “Sige sabihin mo na yung gusto mong sabihin.”

“Sorry baby, im really sorry dahil nag sinungaling ako.” Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge. “Naniniwala ka namang hindi kita sasaktan diba?” Tanong niya.

“Hindi ko alam kung anong papaniwalaan, lalo na’t natatakot ang mga magulang ko na maencounter kita, natatakot silang saktan mo ko.”

“Hindi ko sila masisi, mag kaibigan kami ni Albert at kilala niya ko. Pero dati yun baby, hindi na ko yung Damon na nakilala niya. Hindi kita magagawang saktan baby, mahal kita.” He kissed my forehead.

“Kailan mo nalaman na anak ako ng kaibigan mo?”

“Nang lumipat ako dito limang taon ng nakakalipas, nakita ko si Albert na may pinatay na bampira dahil plano kang saktan, kasama ka niya nun dun kita unang nakita. Naisip kong tulungan ng palihim si Albert na ipagtangol ka sa mga bampirang may plano sayo. Limang taon na kitang palihim na sinusundan hangang sa iba na yung nararamdaman ko para sayo at hindi nalang basta anak ng kaibigan ko. Naisip kong magpakilala sayo bilang Lucas bumalik ako ng school kahit na hindi naman ako mahilig magaaral nun dahil gusto lang magpakilala sayo, gusto kong maramdaman mo din yung nararamdaman ko para sayo, wala na kong pakialam kahit galit pa sakin yung Papa mo.”

“Baby, ang pagkakamali ko lang naman ay nag sinungaling ako na ako si Damon. Pero yung nararamdaman ko sayo hindi to pagkakamali at alam kong hindi papayag ang Papa mo, kasi siguradong hindi siya papayag na tawagin ko siyang Papa.”

Tinangal ko yung mga kamay niya sa pisnge ko at hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya. Parang ang awkward ngang tawagin niyang Papa ang Papa ko lalo na’t magkaibigan sila.

He smiles. “Am i forgiven?” He asked.

“No you’re not.”

His smiles fades. I smirked secretly, as i saw on his face na hindi na niya alam ang sasabihin para mapatawad ko.

“Gusto mo parin ba ko, hindi ba nagbago yung nararamdaman mo?” He seriously asked.

“I do still like you Damon.”

Niyakap niya ko na hindi ko naman na masyadong kinagulat. “Thank you baby.”

“May itinatago ka pa ba sakin?” Tanong ko.

“Wala na baby.” He reassured.

Keep voting babies.

=================

Eighteen

Bumalik na kami sa sala kung nasaan yung dalawa na tahimik lang na nakaupo. Mukhang medyo maganda na ang pakiramdam ni Mario mula sa pagkakatama ng baril sa tagiliran niya.

“Ano ng plano?” Tanong samin ni Majah. Sa totoo lang wala akong idea, masyado akong nag padalos dalos kanina sa pag sasabing dadalhin namin siya sa bahay dahil sa galit ko kay Damon.

Ngayon ko lang naisip pag bigla kong dinala si Majah at itong si Mario dun baka malaman na nila na may hidden activity ako maliban sa pag pasok sa school at inlove ako sa dating kaibigan ni Papa na si Damon.

Haay! Parang lalong naging komplikado lahat.

“Alam kong kakakilala niyo lang sakin bilang si Damon pero mas safe kung dito muna siya.” Damon suggested.

“Wala kang gagawin ka sakanya?” Paniniguro ni Majah.

“Wala akong planong gawin sa boyfriend mo, takot ko lang sa baby ko.” Sabi niya sabay tingin sakin at ngumiti ng pasweet.

“Boyfriend? Tumigil ka nga dyan!” Pagtatangi ni Majah kahit na halata naman sa pagbablush niya na type niya si Mario.

“Amber.. ano na? Anong plano?” Maj asked me. Siguro naisip niyang wala siyang makukuhang sagot kay Damon kaya sakin na siya nag tanong. Tumingin ako sa mga mata ni Damon, yung tingin na paniniguradong wala siyang gagawing masama kay Mario. Pero dahil nakipagtitigan siya sakin mukhang seryoso naman siyang wala talaga siyang gagawin.

“Mas safe nga muna sigurong nandito siya.” Sagot ko sa tanong niya.

“Salamat dahil gusto niyo kong tulungan kahit alam niyong ikakapahamak niyo yun.” Sabi ni Mario.

“Mas maganda kung marunong

kayong ipagtangol ang mga sarili niyo, mag training tayo tulad ng ginagawa ng Papa ni Amber sakanya.” Damon suggested.

“Training? Mukhang exciting yun.” Maj said.

“Maniwala ka hindi exciting yun.” Sabi ko naman.

“Kaya ko naman ipagtangol sarili ko, hindi ko nga lang sila kaya dahil madami sila lalo na’t may baril sila na silver pa ang bala.” Mario said.

“Paniguradong nakuha nila yun sa mga hunter.” Damon said. Hunter? Narinig ko na tungkol sa mga hunter dati pero wala pa kong naeencouter na tulad nila.

Ang sabi lang noon ni Papa, full blooded ka man o hindi papatayin ka nila.

“Masyado palang malawak ang mundo niyong mga bampira. May hunters pa, ano sunod wolf?” Majah comments.

“I don’t think na may ganun walang nabangit sakin sila Papa.” I said.

“May mga sabi sabing merong Wolves pero walang kumukumpirma nun.” Damon said.

“Shocks!” Maj said.

“Sa ngayon mas magandang isipin muna natin ang mawala sa bayan na to sila Manuel para makahinga na tayong lahat.” Suggest ulit ni Damon. Kaya siguro siya lagi ang may suggest siya kasi ang pinaka may experience saming lahat.

“So, mag titraining nga tayo?” Excited na sabi ni Majah.

“Oo mas lalong kailangan mo ng training Majah, dahil saming tatlo ikaw lang tao at mahina.” Prangkang sabi ni Damon.

“Alam ko, ayaw ko ding maging pabigat kaya looking forward talaga ako sa training.” Maj said.

“Okay kailan niyo sisimulan?” I asked.

“Kasali ka, baby.” Damon said making me looked at him.

“Bakit ako kasama? Tinitrain na ko ni Papa, tama na yun.”

He chuckled. “Masyadong mabait

sa training niyo ang Papa mo kung hindi mo na kasi itatanong pinapanuod ko kayo. Kung ako ang trainer mo, hindi ako magiging mabait sayo.”

“Mabait pa siya nun? Eh paano ka pala mag training kung ganun?”

“Gusto mong ipakita ko? Bigyan na din natin ng idea si Majah kung gaano kahirap mag train.”

“Sige, game ako dyan. Tutal galit pa rin naman ako sayo dahil sa pag sisinungaling mo, dun ko nalang ilalabas.”

He just smirked, obvious naman na hindi siya takot sa sinabi ko. “Bring it on, Baby!”

“Anong training ang gagawin natin?” Tanong ko.

“Physical.”

“Perfect!” I said smirking.

He chuckled, amusingly. “Kukuha lang ako ng weapons.” Pagkasabi niya nun bigla nalang siyang nawala sa harap namin.

“Hindi naman siguro niya ko babalian nu?” Majah asked nervously.

“Don’t worry, siguro nga strikto siya pero wala kang kakayahan na mabilis na paghilom kaya di niya gagawin yun.” I reassured her.

Ilang sandali lang din naman bumalik na si Damon na may bitbit na isang malaking bag at mukhang mabigat yun. Weapons ba ang laman nun?

Inilapag niya yun sa sahig at binuksan at laking bigla ko na puro weapons nga ang laman. Kung ano anong armas yun, knife, ibang ibang klaseng silver knife, yung baril na parang bow na din na ginamit ni Papa noon sakin, kung ano ano pa.

“Paano ka nagkaroon ng ganyan karaming armas?” Gulat kong tanong.

“Mula to sa mga Hunters na gusto akong patayin, naunahan ko sila kaya kinuha ko yung armas nila.” Ibig sabihin nun naunahan niyang patayin ang mga hunters. Shocks! Bakit ba nagugulat pa ko, normal naman na may madami na siyang napatay.

“Dahil training lang to ito ang gagamitin ko.” Pinakita niya yung arnis. Seryoso ba siya dyan? Akala ko ba strikto siyang mag train? Bat arnis lang?

“Ayokong maamoy ng mga bampira ang dugo mo kaya wala akong planong sugatan ka, baby.” He said sensing my thought. I see.

“Heto naman sayo..” Pahagis niyang inabot yung kutsilyo sakin. “..normal knife lang yan. Handa ka na?”

Tumango lang ako sakanya bilang pag sangayon.

Nag simula na siyang maglakad papunta sa likod ng bahay at sumunod nalang ako, siguro nandun yung training ground niya.

Sumunod din samin sila Mario at Majah para manuod sa plano kong pag gulpi kay Damon. Sa pag labas namin ng bahay, mas malawak pa tong bakuran niya sa likod kesa sa harap pwedeng pang training ground nga.

Pumwesto na kaming dalawa, hinigpitan ko ang hawak ko sa knife dahil seseryosohin ko tong training na to dahil tulad nga ng sabi ko ilalabas ko yung galit ko sakanya dito dahil sa pag sisinungaling niya.

“Ready?” I asked him. Hindi siya sumagot at naramdaman ko nalang na may tumama sa binte ko na talaga namang masakit kaya napaluhod ako.

“Ready!” Sabi niya habang nakapatong yung arnis sa balikat niya, nasa gilid ko na siya ngayon at nakatingin lang siya sakin.

Shit! Seseryosohin nga din pala talaga niya to.

Keep voting, babies.

=================

Nineteen

“Biwset ka! Hindi pa ko handa!” Inis kong sabi.

“Baby, bigla biglang sumusulpot ang kalaban ng walang pasabi dapat matalas ang pakiramdam mo.”

Mukhang tama siya ng sinabi na mas strikto siya kay Papa sa training. Para siyang version ni Papa sa training kapag galit sakin.

Tama siya, mabait pa nga si Papa sa training namin.

Tumayo ulit ako dahil wala na yung sakit na binigay niya sakin kanina sa binte. “Akala ko ba hindi mo ko sasaktan?” I asked.

He just smirked, this time ako naman ang sumugod sakanya at plinano siyang saksakin sa tagiliran niya pero, nahawakan niya yung wrist ko at pinilit yung kamay ko papunta sa likod ko. “Baby ang tinutukoy kong pananakit ay

emotional, mas masakit yun kesa sa physical diba?” Patulak niya kong binitawan na halos ikatumba ko.

“At isa pa nasa training tayo baby, expect mo ng masasaktan ka.”

Humarap ulit ako sakanya at tumayo ng diretso, pero bigla nalang siyang nawala sa paningin ko at naramdaman ko ulit siya sa likod ko, hinawi ko yung kamay ko na may hawak na kutsilyo para tamaan siya pero nakailag padin siya kaya hinampas niya ko ng arnis sa tagiliran ko kaya napaatras ako sa sakit.

“Awww!!” Pagaangal ko.

“Sabi ko naman sayo, di ako magiging mabait.”

“Tingin ko nagiging mabait ka pa nga dahil ni hindi mo manlang nababali yang arnis sa paghampas sakin.” Sabi ko habang nakahawak sa tagiliran ko. Ang sakit talaga! Walang hiya!

He chuckled. “Tama ka.” Sumugod ulit ako sakanya pero tulad kanina nakaiwas siya at sa kabilang tagiliran ko naman niya hinampas yung arnis napaluhod ako sa sakit pero dahil sa pagluhod ko naisip ko

itarak yung kutsilyo sa binte niya dahil hindi naman to nakadepensa.

Yes! Nakatama din!

Bigla siyang nawala sa harap ko, hinanap siya ng paningin ko nasa likod ko siya at nakatingin sa binte niya.

“Ha! Tinamaan kita!” Pagmamalaki ko.

Tinangal niya yung kutsilyo sa binte niya at binato pabalik sakin yung kutsilyo at muntikan na kong tamaan. “Papatayin mo ba ko?!” Bulyaw ko.

“Baby, hindi ka mamamatay sa kutsilyo lang.”

“Siraulo!”

“Ouch!” Humawak siya sa puso niya at umarte na nasaktan sabay ngisi.

Dinampot ko yung kutsilyo at lumapit sakanya para sugurin siya dahil ineexpect ko naman na mawawala siya huminto ako sa pagtakbo, tsaka tumalikod kung saan ko siya inaasahang pupunta, nang saktong makita ko siya sa likod ko na ikinagulat niya, nagkaroon na ko ng pagkakataong maitinarak ko agad sa tagiliran niya yung kutsilyo.

“Huli ka, baby!” Sarkastiko kong sabi na may halong pagpupunyagi. Akala niya ah!

Tinangal ko yung knife sa tagiliran niya kaya umatras siya habang nakatingin sa sugat niya. “Mukhang masyado kitang minaliit, baby.” He said smirking, amusingly.

“Yah!”

“Okay, seryoso na.” Woe- what? Hindi pa siya seryoso nun? Hinagis niya patapon yung arnis at hinubad yung T-shirt niya na ikinailang ko.

Topless siyang makikipag training sakin? Hey! Unfair yun! Paano ako makakapag focus kung topless siya!

“Mag damit ka nga!” Utos ko.

Hindi siya nakinig at bigla nalang siyang napunta sa harap ko, hinawakan niya yung kamay kong may bitbit na patalim at itinaas ito, tsaka ako niya hinawakan ang mukha

ko gamit ang kamay niya at inilapat niya yung labi niya sa labi ko na ipinagtaka ko, training ba to o pananantsing na?

Then siya rin naman ang bumitaw sa pag halik at napaluhod habang nakahawak sa parte ng nasaksak ko.

“A’ayos ka lang?” Pagaalala ko.

“Oo.” He lied, halata naman sa boses niya na nasasaktan siya. Shit!

Lumuhod na din ako at tinangal yung kamay niyang nakahawak sa sugat niya at hindi parin ito naghihilom.

“Bakit di pa naghihilom yan?” Tumingin ako sa nasaksak kong binte niya kanina at until now hindi pa rin to gumagaling na dapat kanina pa magaling.

Tinignan ko yung kutsilyong hawak ko ng mabuti at ngayon ko lang napansin na silver knife pala to.

“Silver knife yung binigay mo sakin?” Gulat kong tanong na may halong galit.

“Naisip ko kasing pag normal knife lang ang ibigay ko sayo baka pag bigyan kita sa training, pero ayaw ko naman nun kaya silver ang binigay ko sayo para di ako magpatama.”

“Nababaliw ka na ba?!! Paano kung napatay kita?!!” Bulyaw ko. Nag sisimula na kong mag panick, ang lalim pa naman ng pagkakatarak ko ng kutsilyo sakanya, kanina. Langya talaga! Kahit kailan talaga siya, sobraaaaang.. urgh!!

“Edi wala ka ng gwapong boyfriend.” Natatawa niyang sabi pero nahinto din yun dahil nakaramdam siya ng sakit.

“May nakakatawa pa?” Inis kong sabi.

Hiwakan niya ko sa magkabilang pisnge. “Sorry na, wag ka ng magalit.”

“Anong nangyari? Akala ko ba normal knife lang gamit niyo?” Pagaalala ni Maj pagkalapit niya samin. Walang sumagot sakanya sa halip nag titigan lang kami ni Damon.

Napa bitiw siya sa pagkakahawak

sa pisnge ko at napahawak sa sugat niya na halatang nasasaktan. Shit! Paano na? Kahit naman bigyan siya ng dugo siguradong matagal pa ding paghihilom ang sugat niya.

Isa lang ang naiisip ko. Bahala na!

Inooffer ko sakanya yung wrist ko. “Mas mabilis yang gagaling kapag dugo ng half vampire ang iinumin mo diba? Uminum ka ng dugo ko.”

“What?” He asked, surprised.

“You heard me.” I seriously said.

“Sigurado ka ba dyan?” Halata parin sakanya ang gulat.

Naintindihan ko kung bakit kanina lang tinututukan ko siya ng silver knife dahil nalaman kong siya si Damon na gustong iwasan ng mga magulang ko dahil delikado siya sakin at kilala siyang kumakain ng dugo ng bampira.

“Bakit hindi?”

“Dahil ngayon mo lang nalaman kung sino talaga ko kaya bakit mo hahayaang ipainum sakin yang dugo mo?”

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at hinalikan siya sa labi niya ng matagal. “Dahil mahal kita, nasagot ko na ba yung tanong mo?”

Tumitig siya sakin na tila di makapaniwalang sinabi kong mahal ko siya. Bakit ba nagugulat pa siya? Eh alam naman niyang gusto ko siya.

Unti unti siyang ngumiti. “Mahal din kita baby.”

I offered my wrist again. “Gawin mo na.”

“Sigurado ka ba talaga dyan?”

“I trust you.” I said looking straight at his eyes. Naniniwala akong nag bago na siya mula sa pagkakakilala sakanya nila Papa, naniniwala at nagtitiwala ako sa Damon na nakilala ko ngayon kesa sa Damon na nakilala nila noon.

Hinawakan niya yung kamay ko at dahan dahan niyang inilalapit ito sa labi niya pero nandun padin ang pagdadalawang isip niya. Tumingin siya sandali sa mga mata ko para siguro alamin kung itutuloy ba niya o hindi. Tumango ako bilang pagsangayon.

Naging pula ang mga mata niya at ang mga pangil ngayon ng bampira ay nagpakita na tsaka niya sinimulan ang pag inum ng dugo ko na talaga namang sobrang sakit.

“Talaga bang mabilis na hihilom ang sugat niya dyan?” Tanong ni Majah.

“Oo sa pagkakaalam ko.”

“Bakit hindi natin ipagawa kay Mario yan?”

I looked up at her. “Iinum siya ng dugo ng kapwa niya half vampire? Diba parang cannibalism na yun?”

“Oh! Sabi ko nga eh.”

Binaling ko nalang ulit ang tingin kay Damon habang busy siya sa pag inum ng dugo ko nakikita ko ang unti unting oag hilom ng sugat niya sa binte, ganun talaga ka effective ng dugo ko kaya di nakakapah taka kung bakit gustong gusto kaming kursunadahan ng mga bampira.

Huminto si Damon sa paginum ng dugo ko at tumingin sakin, ngayon normal na ang mga mata niya. “Feeling better?” I asked habang nakahawak sa wrist kong ininuman niya ng dugo.

He smiled. “Much better.” Tumingin ako sa sugat niya sa tagiliran, hindi pa to ganun kagaling tulad nung nasa tuhod niya.

“Pero may sugat ka padin.”

“Ayos lang yan, hindi to kasing sakit tulad kanina.”

“Salamat kung ganun, ngayon naman..” Binatukan ko siya sa likod ng ulo niya. “..sa susunod na ulitin mo yan di na kita papainumin ng dugo ko, understand?!” I scolded him.

He chuckled amused. “Yes baby.” Hinawakan niya ko sa magkabilang pisnge at hinalikan sa labi, kung gaano katagal yung halik na binigay ko sakanya kanina ganun ang halik na binigay niya ngayon.

“I love you baby.” He said after his kiss.

I smiled. “I love you too.”

Keep voting babies. 😁

=================

Twenty

Warning: Bawal kiligin kundi may kiss kayo kay Damon. 😄

Sabay kaming tumayo ni Damon mula sa pagkakaluhod naming dalawa pero kung siya nakatayo ng maayos ako naman halos matumba dahil bigla akong nakaramdam ng hilo buti nalang nasalo ako ni Damon. Shit! Mukhang napadami ng inum ang mokong.

“Ayos ka lang?” Pagaalala niya.

“Amber anong nangyari?” Pagaalala din ni Majah.

“Ayos lang ako.” I lied.

“Napadami ba ko ng inum? Pasensya hindi ko gustong..” He paused breathing in. “..matagal na kasi nung huling uminum ako ng direkta sa katawan ng tao o kung ano mang nilalang yan kaya hindi ko natansya, im sorry baby.” He sincerely apologized.

“Ayos lang.” I reassured.

“Kaya mong maglakad?” Tanong niya.

“Yah.” Honestly di ko talaga sure kung oo pero sinubukan ko pa ding mag lakad at medyo nahirapan ako sa hilo.

Naramdaman ko nalang bigla na binuhat ako ni Damon. “Ito na ang huling beses na papainumin mo ko ng dugo mo.” Seryoso niyang sabi na tila na gu’guilty.

“Ayos lang naman ako eh.”

He chuckled. “Mana ka talaga sa Tatay mo.”

“Madami akong gustong itanong tungkol sainyo ni Papa.”

Hinalikan niya ko sa noo at ngumiti. “Tsaka na natin pag usapan yan pag maayos na pakiramdam mo.”

Sinimulan na niya ang paglalakad papunta sa loob ng bahay niya, habang nakasunod lang samin si Majah at sumunod nalang din papasok samin si Mario.

Dumiretso si Damon sa paglalakad paakyat kung

nasaan ang mga kwarto na pinagtaka ko. “Teka, bakit tayo umaakyat?”

“Kailangan mong mag pahinga at bumawi ng lakas baby kaya advice kong matulog ka muna, kapag di parin gumanda pakiramdam mo pag gising mo papainumin nalang kita ng dugo.”

“Talaga? Hindi ka gagawa ng kahit na anong kapilyuhan?” Paniniguro ko, knowing him.. wala ng lumalabas sa bibig niya kundi puro kapilyuhan at paglilihim.

“Tempting baby but, no.”

Nakarating kami ng kwarto niya.. ulit at inihiga niya ko ng dahan dahan. Umupo siya sa kama nung maihiga niya ko at hinawakan ang kamay ko. “Mag pahinga ka na baby, ako ng bahala sa lovers sa baba.”

I giggled. “Wag mong ipaparinig kay Mario na type siya ni Majah baka umiwas.”

He grinned. “Nakikinig siya ngayon panigurado at tingin ko mukhang magkakasundo sila ni Majah.”

“Tingin ko din yan.”

Hinalikan niya lang ako sa forehead ko, sunod ay nose at both cheeks ko. “Rest now, baby.” I just nodded smiling. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto. Nang masara niya yung pinto ipinikit ko nalang yung mga mata ko at nag pahinga tulad ng sabi niya.

Gustuhin ko mang matulog di ko maiwasang mag focus at makinig sa paligid.

“Hindi ka ba natatakot dahil hindi normal na mga tao ang kasama mo?” Boses yun ni Mario na sa tingin ko ay tinatanong niya yun kay Majah.

“Nung una natakot ako ang tagal kong iniwasan si Amber at Lucas- i mean si Damon nung malaman ko kung ano talaga sila pero mas nangibabaw sakin yung pinagsamahan namin nung best friend ko kesa ang

takot.” Sagot ni Majah. Napangiti ako sa narinig ko, parang ako lang kay Damon. Siguro nga may nakakatakot siyang past pero mas nangibabaw yung pinagsamahan namin noong di ko pa alam na siya talaga si Damon at syempre dahil mahal ko siya.

“Pero alam mo naman delikadong kasama ang mga katulad namin diba?” Mario asked again.

“Oo, araw araw kong naiisip yun.”

“Tapos na kayong mag ligawan?” That’s Damon’s voice. Nang istorbo pa yung mokong.

“Tumigil ka nga, akala ko pa naman matatagalan ka pa dun sa kwarto niyo dahil mananantsing ka pa kay Amber.” Grabe!!

“Gusto niya pero ayoko.” Pilyo niyang sabi.

“Ang kapal ng mukha!” I murmured.

I heard Damon laughed. “Magpahinga ka na dyan baby o gusto mong pasukin ulit kita dyan para di ka na tuluyang pag pahingahin?” He warned, laughing. So, alam pala niyang nakikinig ako at pinapakingan din niya ko.

“Ano?” Dinig kong pagtataka ni Majah.

“Nakikinig kasi yung prinsesa ko dun sa kwarto imbes na mag pahinga.” Damon said.

“Oh!! Taray dinaig niyo pa cellphone sa communication niyo ah.” I giggled as i heard Maj said that.

“Baby naririnig pa din kita!” Damon warned.

“Oo na!” I said then tinangal ang focus sa pakikinig na sakanila baka kasi bigla niyang seryosohin yung banta niya at pasukin nga ako dito.

Naramdaman kong may humaplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at si Damon ang nakita ko.

“Hi.” He greeted softly.

“Hi.” I greeted back.

“Kamusta pakiramdam mo?” Tanong niya.

Unti unti akong umupo mula sa pagkakahiga at pinakiramdanan ang katawan ko. “Nanghihina pa din, pero mas okay na kesa kanina.”

“Im really sorry. He apologized.

“Ayos lang, choice ko naman yun.”

“Ikukuha kita ng dugo para inumin mo.” Pagkasabi niya nun hindi pa man ako nakakatango para sumangayon nakaalis na siya at ginamit niya yung bilis niya para lumabas.

Hmm.. ilang oras kaya akong nakatulog?

Ilang sandali lang biglang sumulpot si Damon na may bitbit na baso at pakete ng dugo. Umupo siya sa tabi ko at binuksan yung pakete tsaka to nilagay sa baso.

Inabot niya sakin yung baso. “Here! Ubusin mo.” Kinuha ko yun at sinimulang inumin, tulad ng sabi niya inubos ko yung laman ng baso.

Dahil sa pag inum ko ng dugo feeling ko biglang bumalik yung lakas ko. Wow! Ibang klase talaga ang nagagawa ng blood, sa bampira.

“Feeling better?” He asked.

“Yah.” Inabot ko pabalik sakanya yung baso. “Anong oras na?” Tanong ko.

“Actually kaya kita ginising dahil gabi na.”

“Shit!!” I stand panicking. Siguradong sermon na naman ang aabutin ko nito kay Papa. Urgh! Hindi pa nga kami masyadong ayos dahil sa pag sleep over ko nun sa akala nilang kela Maj, heto na naman ako at gabi ng umuwi.

“Nasaan si Majah?” Tanong ko.

“Nasa sala hinihintay ka.”

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko na tila nasesense ang pag papanick ko. “Calm down baby, normal lang na masermunan

ka. Gawain yun ng magulang eh.”

“Kung magsalita ka parang may alam ka na sa pagiging magulang.”

“Subukan natin kung gusto mo.” Dinibdiban ko siya na talaga namang nasaktan siya. Dapat lang dahil gusto ko talagang masaktan sita dun dahil kapilyuhan na naman ang lumabas sa bibig niya.

“Tumahimik ka nga! Puntahan na natin si Majah.” Dahil hawak naman na niya yung kamay ko hinila ko na siya palabas ng kwarto para puntahan na yung kaibigan ko.

Pag dating namin ng sala nakita nasa same lang na couch si Maj at Mario at si Maj naka sando lang at kita ang mga pasa nito sa braso.

“Anong nangyari sayo?” Pagaalala ko na may halong pagtataka.

“Damon trained me while you were sleeping, eto ang sakit ng katawan ko.” She explained.

Tumingin ako kay Damon at di ako makapaniwalang talagang hindi siya naging mabait pati kahit sa normal na tao lang. “What?” He asked innocently.

“Alam mo naman sigurong tao lang si Maj diba?” Pagpapaalala ko.

“Oo, pero let’s be practical baby kung talagang kalaban ang kaharap niya hindi lang ganyan ang abutin niya.”

“Tama naman si Damon, kaya wag mo na siyang sermunan. Sinabihan ko rin siyang wag maging mabait.” Maj said. Kahit di naman ata ipaalala sakanya yun talagang hindi siya magiging mabait sa training.

“Pero ayos ka lang ba?” Tanong ko.

“Oo, nakakalakad pa naman.” She smiles to reassured me.

“Okay, tara na uwi na tayo bago pa makalimutan ni Papa na anak niya ko.”

She giggled.

“Buti nalang yung Papa ko wala lagi sa bahay.”

“Maswerte ka nga.”

“Mabuti pa ihahatid na namin kayo.” Damon offered.

“Wag na..” Pagtatangi ko. “..ngayong alam kong ikaw si Damon, hindi magandang nasa paligid ka lang ng bahay baka maramdaman ka ni Papa at may chance na baka kaya ka nakita ni Papa ay dahil noong hinatid mo ko, pero syempre hindi niya alam na talagang hinatid mo ko dahil kung ganun nga baka wala na kami dito ngayon.”

“Pero nasa paligid lang si Manuel, baka mapahamak ka.”

“Hindi naman niya alam na half vampire ako, wala kang dapat ipagalala.”

“Ayokong paring sumugal, ihahatid kita kahit hangang sa maassured ko lang na wala ngang susunod sayong bampira.”

I sighed. “Sige na nga.” Binaling ko ang tingin ko kay Majah. “Tara na?”

Tumango lang siya at tumayo tsaka nag suot ng jacket para siguro matakpan yung pasa niya, base sa jacket na suot niya hindi sakanya yun.

“Mag iingat ka.” Mario said to Majah.

“I will salamat sa pagpapahiram ng jacket.” Tumingin ulit sakin si Majah ng tara-na look.

Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Damon sa kamay ko at kinuha ko lang yung bag ko na nasa upuan lang din tsaka kami nag simulang mag lakad palabas ng bahay pero bago yun syempre nag paalam muna kami kay Mario.

Dumiretso kami ni Damon sa kotse ko habang si Majah sa kotse niya. Ako ang umupo sa driving seat para di na kailangang magpalit ng upuan mamaya pag nakarating kami ng bahay.

Sinimulan na namin

ang byahe at hinayaan kong mauna sa byahe si Majah dahil plano kong sundan siya hangang makauwi dahil gusto ko ding maassured na ligtas makakauwi ang kaibigan ko.

“Baby..” tawag niya sakin habang nag mamaneho ako.

“What?” I asked not taking my eyes on the road.

“Alam kong hindi romantic kung tatanungin kita nito ngayon pero ang totoo hindi naman ako romantic..”

“Ano ba yun?” Tanong ko this time tumingin na ko sakanya, ang dami pa kasi niyang pasakalye eh.

“Mahal mo naman ako at ganun din naman ako sayo. So, payag ka na bang maging tayo?”

I chuckled. “Tama ka hindi ka nga romantic, tama ba namang tanungin ako niyan habang nag mamaneho ako.” Sabi ko habang nakatingin sa kalsada.

“Pero kahit di ka romantic ayos lang, kaya OO payag na kong maging tayo.” Tumingin ako sandali sakanya at ngumiti ng very sweet.

“YES!! WUHUU!” He yelled joyfully making me laughed. Bigla niya kong hinawakan sa magkabilang pisnge at hinalikan ako sa labi. Gustuhin ko mang bumitaw sa halik niya dahil di ko makita yung way at nag mamaneho ako ayaw naman niyang bitawan yung pisnge ko at di rin naman ako makapag salita dahil nakalapat yung labi niya sa labi ko.

Kaya ang ginawa ko ay hinampas nalang siya sa dibdib niya kaya bumitae siya finally!

Binalong ko ulit ang tingin ko sa kalsada at nasa kabilang lane na kami at may kasalubungan kaming sasakyan kinabig ko agad yung manebela para makaiwas at luckily pareho naman kami nung kotseng yun safe.

Damn it!

“Sirulo ka talaga, muntikan na tuloy tayong maaksidente!” I scolded him.

Tumawa lang siya at tila naenjoy pa yung inis ko. “Baby, hindi naman tayo mamamatay kung maaksidente tayo.”

“Hindi nga tayo mamamatay, makakapatay naman tayo ng inosente!”

“Sorry na, natuwa lang eh.” Napailing nalang ako dahil sa kabaliwan niya pero unti unti rin naman ako napangiti. Ibang klase talaga siya.

Keep voting babies. ☆

=================

Twenty One

Nakarating ako ng bahay at yung kaba ko sobrang lakas. Kahit masaya ako sa ideang boyfriend ko na si Damon hindi parin naman mawawala tong kaba ko dahil sa galit ni Papa.

Sinubukan ko munang makinig ng mabuti kung naguusap ba sila sa loob para mabalanse ko naman yung mood nila.

“Siya na yun, calm yourself okay?” Boses yun ni Mama.

“I can’t promise you that, honey.” Boses naman yun ni Papa. Haay! Maghanda ka ng masermunan Amber. I told to myself.

Nag simula na kong maglakad papasok at naghanda na sa galit kong tatay, pag ganitong galit siya gusto kong bumalik nalang sa matres ng nanay ko.

Nakita ko ang mga magulang ko na nasa sala, si Papa nakaupo lang habang si Mama nakatayo at nakahawak sa balikat ni Papa para siguro pakalmahin si Papa.

Naglakad ako papalapit sakanila at hinalikan sila sa pisnge nila. “Bakit ngayon ka lang?” Papa asked, blankly.

“Uh.. may ginawa lang pong project.” Seriously? Amber, anong palusot yan? Anong project yun?

“Bakit hindi ka manlang tumawag dito? Nagaalala kami ng Mama mo sayo, alam mong delikado ngayon sa labas lalo na’t nasa paligid lang si Damon.”

“Sorry po.” I sincerely apologized. Tama si Papa na delikado na nga sa labas pero hindi dahil kay Damon kundi dahil kay Manuel.

Naglakad papalapit sakin si Mama at hinawakan ako sa magkabilang pisnge. “Ayos lang Sweetheart, mag pahinga ka na mukhang pagod ka na.”

“Opo.” Okay, hindi ito ang ineexpect haharapin kong sermon nila. Mas malalang sermon pa yung pumasok sa isip ko pero salamat nalang din at nandito si Mama kaya medyo kalmado si Papa. “Goodnight po.”

Nag simula na kong maglakad paakayat ng kwarto ko at sa pagpasok ko ibinagsak ko sa kama yung katawan ko tsaka ipinikit ang mga mata ko. Siguro nga bumalik na yung lakas ko dahil sa paginum ko ng gamot kanina pero ewan ko ba parang bigla akong napagod.

Siguro dahil nakakakonsenya na din na nabibigyan ko na ng sama ng loob sakin si Papa at lagi na kong nagsisinungaling sakanila.

Haay! Dapat siguro sabihin na namin ni Damon ang tungkol samin sakanila para matigil na tong pagsisinungaling ko at para nadin malaman nilang nagbago na si Damon, na hindi na siya yung kilala nilang kumakain ng dugo ng katulad ko.

Nagising ako mula sa pagkakatulog at ang una agad ma pumasok sa isip ko ay si Damon.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto na naging dahilan din naman para mawala sandali sa isip ko si boyfriend.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at nagsalita. “Pasok po.”

Nagbukas ang pinto at si Papa ang pumasok. “Mag bihis ka na, mag titrain pa tayo.” Pagkasabi niya nun lumabas na siya ng kwarto ko. Haay! Sa totoo lang namimiss ko na yung malambing kong tatay.

Bumangon nalang ako ng kama at inayos ito. Nag hilamos muna ako para magising ng tuluyan dahil another pagpapahirap na naman tong training na gagawin ni Papa. Kahapon si Damon, ngayon si Papa. Haay! Kailan ba matatapos tong training na’to?

Nag bihis lang muna ako dahil, itong suot ko ngayon ay yung suot ko pa kahapon. Ni hindi manlang ako nakapag palit dahil nakatulog agad ako.

Sa paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa kusina

para uminum dugo pangpa buhay. Naabutan ko sa kusina si Mama na nagluluto.

“Morning po.” I greeted her.

“Good morning, Sweetheart.” She greeted back.

“Ma, pwede po ba akong magtanong.”

She faces me. “Oo naman, ano yun.”

“Ano po bang pinagawayan ni Papa at nung sinasabi niyong si Damon? Kasi simula nung makita siya ni Papa parang nag iba siya.”

“Nasabi na namin diba? Kilala si Damon na ginagawang pagkain ang dugo ng mga katulad mo. Concern ang Papa mo sayo, kaya siguro lagi nalang siyang seryoso lalo na’t nakita pa niya si Damon.”

“Hindi niyo ba naisip na baka nagbago na siya? At kung talagang yun ang plano niyang gawin sakin sigurado akong matagal na niyang ginawa yun.”

“Hindi siya magbabago Sweetheart, nakilala ko din si Damon at akala ko magbabago siya pero hindi. Pinagbantaan niya kami ng Papa mo na sasaktan ka niya, at nakatingin siya sa mga mata namin nun na nagsasabing seryoso siya.”

Shocks! Kailangan ko din talagang makausap si Damon about dito.

“Baka naman po nabigla lang siya nun.” I sounded like defending Damon. Yun talaga ang ginagawa ko, kasi malayo siya sa Damon na kwinukwento nila sa Damon na kilala ko ngayon.

“Don’t speak like you know him.” We heard Papa’s voice. I face him. ” Hindi basta bastang nabibigla lang si Damon sa mga sinasabi niya, lahat ng sinasabi niya, ginagawa niya.”

“Sorry po.” I looked down.

“Uminum ka na dugo!” Utos niya tsaka naglakad paalis ng kusina. Sinunod ko nalang siya at uminum na ng dugo baka kasi mamaya niyan magalit na naman siya sakin. Ako na ata ngayon ang napagbabalingan

niya ng galit niya kay Damon, dahil habang tumatagal lalo siyang nagiging istrikto.

Nang makainum ako ng dugo, lumabas na ko ng bahay kung saan naghihintay si Papa. Tulad nung huling ensayo namin ang gagawin namin ngayon kaya medyo gamay ko na.

Sa pag sisimula namin, medyo nasasabayan ko na si Papa yun dahil alam ko na rin naman ang mga kilos niya. Sa tagal ba naman naming nag eensayo, ewan ko nalang kung di ko pa makabisado galaw niya.

Pero kahit naman ganun, nagagawa pa din niya kong masugatan.

Nang matapos ang ensayo namin.. naka five sugat ako, pero luckily mabilis gumaling.

Ngayon, pagasikaso naman sa school ang gagawin ko. Mas magandang pumasok sa school dahil makakaiwas sa init ng ulo ni Papa.

Dumiretso ako ng kwarto after ng ensayo namin ni Papa nag pahinga muna ako sandali bago tuluyang mag shower. Humiga muna ako ng kama ko dahil talaga namang nakakapagod ang training na’to.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas kaya napatingin ako sa direksyon ng pinto. Nag bukas ito at si Mama ang nakita ko.

“Can i talk to you Sweetheart?” Mama asked.

Umupo ako mula sa pagkakahiga. “Opo.”

Naglakad siya papalapit sakin at umupo ng kama tsaka hinawakan ang kamay ko. “May problema po ba?” Tanong ko.

“Wala naman, namimiss lang kita dahil sa late ka ng umuuwi hindi na tayo nakakapag bonding, kaya gusto ko sanang yayain mong idate ang Mama mo.”

I giggled. “Oo naman po.”

“Okay, after school?”

“After school? This day?”

“Yup, pupuntahan kita sa school mamaya.” Shit! Paano yung training namin dun sa bahay ni Damon? “May activity

ka pa ba after school?”

“Uh.. wala po. Sige po mamaya na tayo mag date.” Ngumiti siya ng malaki kaya napangiti din ako. I really love seeing my Mom smile.

“Okay, pupuntahan kita ng school mamaya at hindi natin isasama ang masungit mong Tatay.” She winks.

I chuckled. “Sige po.”

She slapped my legs softly. “Mag shower ka na baka malate ka sa school.”

“Opo.” Tumayo na ko ng kama ko at kumuha ng towel tsaka pumasok ng bathroom at iniwan na ang Nanay kong nakaupo sa kama ko.

Hmm.. masyado na ata akong nagpapamiss kay Mama kaya bigla siyang nagyayang mag date kami, kung sabagay simula ng makilala ko si Damon lagi na kong gabing umuuwi at di na kami nagkakapag kwentuhan ni Mama ng bongga na lagi naming ginagawa dati.

Nang matapos akong mag shower hindi ko na naabutan si Mama sa kwarto ko kaya nagmadali na kong mag bihis bago pa magkatotoo yung sabi ni Mama na malate ako.

Natapos ako sa mag bihis nag madali na kong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Papa sa sala na nagbabasa lumapit muna ako sakanya at humalik sa pisnge. “Papasok na po ako, pakisabi nalang po kay Mama umalis na ko.” Pagpapaalam ko.

“Sige mag iingat ka.” Seryoso niyang sabi.

“Opo.” Ginamit ko nalang din yung bilis ko sa paglabas ng bahay at dumiretso sa kotse ko.

Nang makasakay ako ng kotse, sinimulan ko na agad ang byahe papunta ng school ng may kasamang pagmamadali kaya mabilis kong pinatakbo yung kotse ko.

Sa pag dating ko ng parking sa school, bumaba agad ako ng kotse. Isasara ko palang yung pinto naramdaman ko agad na may gwapong nilalang sa likod. Sino pa ba kundi si Damon.

“Lagi mo ba kong inaabangan dito sa parking?” Tanong ko sabay harap sakanya.

He suddenly touches my both cheeks and kisses my lips. Isinadal niya kami sa kotse ko at mas nilaliman niya yung halik. I slapped him on his chest kaya natigil siya. “What?” Painusente niyang tanong.

“Para kang baliw! Di ka ba makapagpigil? Nasa school tayo!” I scolded him.

“I don’t care, i just want to kiss my girlfriend, passionately.”

I slapped him again on his chest at this time malakas na kaya talaga namang nasaktan siya. Grabe talaga siya!

“I do care Damon and inuutusan ka nitong girlfriend mo na mag behave!”

He chuckled amusingly. “Okay, masusunod ka na po.” Inakbayan niya ko at nagsimula siyang maglakad kaya mapalakad na din ako.

“Ayos ka lang ba?” Tanong niya.

“Bakit mo natanong?”

“Para kasong yung awra masyadong tensyon.”

“Ang tensyon kasi ngayon masyado sa bahay dahil kay Papa buti nalang nandun si Mama para mag palight ng lahat.”

“Bakit?”

“Dahil sayo.”

“Dahil sakin?” Pagtataka niya.

“Papa still thinks na threat ka sa buhay ko.”

“Hindi ko siya masisisi, masyado akong maraming nagawa at nasabi na di niya nagustuhan.” Siguro yung sinabi niya noon na sasaktan niya ko yung tinutukoy niyang nasabi niya noon.

“Ngayon kita tatanungin tungkol sainyo ni Papa, kaya humanda ka na.”

“Okay, one question, one kiss.”

“What?” Pambihira! May kapalit pa yung tanong ko?

“Sorry, rule yun pag hindi ka pumayag.. no answer.”

I rolled my eyes. “Oo na!”

Keep voting babies. ☆

=================

Twenty Two

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Damon papuntang classroom at pagkarating namin dun, nakaupo na si Majah sa silya niya habang nakayuko sa table nito.

“Maj, ayos ka lang?” Tanong ko pagkaupo namin ni Damon.

Dahan dahan niyang iniangat yung ulo niya at tumingin samin. “Ayos lang, medyo masakit lang yung katawan dahil sa training kahapon.”

“Suko ka na ba?” Damon asked.

“No dude! Hindi lang naman to about sa pagtulong kela Amber at Mario sa mga hayok na halimaw, para din yun sa proteksyon ko.”

“Tama ka, pero tingin ko alisin mo muna yang sakit ng katawan mo bago ka mag ensayo ulit.” I said.

“To that i agreed.” Yumuko ulit siya sa table niya.

“Kamusta pala si Mario sa bahay mo?” Tanong ko kay Damon.

Tinuro niya yung labi niya at tila humihingi ng kiss. “Para saan na naman yan?” Pagtataka ko.

“Nakalimutan mo na? One question, one kiss.”

“Hindi pa naman to tungkol sainyo ni Papa nu!”

He chuckled. “Oo nga nu?” I rolled my eyes. Mokong na to, gagamitan pa ko ng paraan. “Ayos lang siya dun, mas mabuting mag stay muna siya dun dahil mainit pa ang mata ng ibang.. bampira sakanya.” Binulong lang niya yung salitang bampira, baka nga naman may makarinig sakanya ng walang alam tungkol samin at pagtawanan siya.

Biglang dumating yung prof. namin kaya natigil kami sa pagkukwentuhan. Siniko ko na din si Maj ng mahina sa braso niya para ipa alam na nandyan na yung prof. namin.

Nang dumating yung breaktime..

Sabay sabay kaming lumabas na tatlo ng classroom, ngayon may chance na kong makapag tanong kay Damon about sa pinagsamahan nila ni Papa hindi naman kasi ako pwede mamayang uwian dahil ididate ko si Mama kaya ngayon ko siya tatanungin. Di ko nga lang alam kung saan mag sisimulang mag tanong.

Nakarating kami ng canteen, pumili muna kami ng kakainin tsaka kami umupo sa table. Magkatabi kaming umupo ni Damon habang ang walang energy kong kaibigan na si Maj ay nasa tapat lang namin at nag sisimula ng kumain.

“Simulan na natin ang tanong.” I said to Damon.

“Hindi ba pwedeng mamaya nalang sa bahay?”

“No! Hindi ako pwede ngayon dahil ididate ko si Mama mamaya after school.”

“Ididate?” Maj asked chuckling.

“Oo, paglalambing niya yun kanina.”

“Kung ganun, sige magtanong ka na para makakiss na ‘ko.” Laking ngisi niyang sabi. Haay! Ibang klase talaga!

“Okay.. uh..” Anong tatanungin ko? “Kailan kayo naging bampira ni Papa?” Hindi ko pa to natanong kay Papa, ang totoo ayaw din niya ikwento.

Tinuro muna niya yung labi niya na ibig sabihin kiss muna bago sagot. So, i kissed him para sumagot siya. Siya na ata ang pinaka matalinong bampirang nakilala ko pagdating sa kalokohan.

“Nagkaroon kami ng isa pang kaibigan, si Lucio siya ang bampira pero di namin alam yun. Matino siyang bampira, sabihin nalang natin na.. para siyang Tatay mo ngayon. Kaya noong nanganib yung buhay namin ng Tatay mo at naghihingalo na pinainum niya kami ng dugo niya hanggang sa malagutan kami ng hininga at sa pag gising ulit namin mga bampira na kami tulad niya.”

“Nasaan na yung Lucio?” Wala namang nababangit

sakin si Papa noon na kaibigan na Lucio, kung sabagay si Damon nga di niya nabangit.

Tinuro niya ulit yung labi niya. Oo nga pala kiss muna bago sagot. Hinalikan ko ulit siya sa labi niya.

“Patay na siya, mga dalawampong taon pagkatapos naming maging bampira. Pinatay siya ng mga hunters.” So, noon palang may hunters na?

“Totoo bang sinabi mo sa mga magulang ko na sasaktan mo ko kaya ayaw nilang maencounter kita?” Tanong ko ulit.

“Sinabi pala nila yun sayo.” He bitterly said. “Oo, totoo yun sinabi ko nga yun.” He added.

“Bakit mo yun sinabi?”

“Siguro dahil dala ng ingit dahil kayo magiging isang perfect family na, habang ako iniwan ng kauna unahang babaeng minahal ko.” Seryoso niyang sabi. So, tungkol pala ulit to sa babaeng una niyang minahal. Tungkol sa babaeng naging dahilan para bumitaw siya sa grupo ni Manuel, at sa babaeng gusto niyang ipagluto noon. Ngayon, naiintriga na ko kung sino yun.

“Masyado akong bitter sa nangyari at naisip kong kung di ako sasaya dapat wala ding sumayang iba kaya nagawa kong pag bantaan yung magulang mo.” Dagdag niya.

“Pero dahil sa ginawa mong yun, isa ka ng malaking threat para sakanila.”

“Alam ko, palpak talaga ako mag isip dati kaya nga napasok ako sa grupo ni Manuel.”

“Bakit kasi di niyo pa ipaalam yang relasyon niyo sakanila at patunayang nag bago na si Damon.” Majah suggested. I don’t think magandang idea yun, laging ang tensyon sa bahay pag nababangit palang ang pangalan niya kaya imposibleng mapaliwanangan si Papa ngayon pero kailan naman kaya siya pwedeng mapaliwanagan? Gusto

ko pa naman na sabihin na sakanila ang tungkol samin ni Damon dahil ayaw ko ng magsinugaling at maglihim sakanila.

“Maganda sanang idea yang sinabi mo kaya lang hindi maniniwala si Albert lalo na’t alam kong mainit pa ang ulo niya sakin, masyado siyang mapagtanim ng galit luckily di mo namana yun.” Damon said.

“Tigas ng ulo lang ata ang namana ko kay Papa.”

“Tama ka.” Pagsangayon niya. Naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa kamay ko.

“May dalawa kang tanong na hindi ka humalik sakin.”

I chuckled. “Akala ko pa naman nawala na yun sa isip mo.”

“Basta pag dating sa kiss di yun mawawala sa isip ko.” Halata naman eh. Hinawakan ko nalang siya sa magkabilang pisnge at ibinigay ang dalawang halik na utang ko.

“Haay! Ibang klase talaga kayo, nasa canteen tayo mandiri nga kayo!” Pagaangal ni Maj.

“Wag ka na maingit, papahalikan nalang kita kay Mario, gusto mo ba?” Damon teases her making me laughed. Oo nga pala, halata kahapon na type niya si Mario.

“Shut up, dude!” Maj said.

“Beb, halata namang type mo si Mar kaya ayos lang.”

“Beb, wag mo ng gatungan jowa mo! Ituloy niyo na nga lang paguusap niyo.”

“Tapos na kaming mag usap.” Damon said.

“Kung ganun ako naman ang magtatanong, so pag uminum ka ng dugo ng bampira at namatay ka magiging bampira ka na?” Curious niyang tanong.

“Ganun na nga.” Sabay naming sabi ni Damon.

“Pero pag nawala na sa sistema mo yung nainum mong dugo ng bampira at namatay ka, balewala na yun at mamamatay ka na talaga.” I said.

“Bakit gusto mo din bang maging tulad namin?” Damon asked Maj. Whaat?

“Hindi nu! Curious lang.” Mabuti naman kung ganun. Ayaw ko siyang mas lalong mapasok sa buhay namin, tama na yung ganito.

Nag patuloy nalang ako sa pagkain tutal tapos naman na ko sa tanong ko sakanya, ang totoo gusto ko pang magtanong pero hindi yun about sakanila ni Papa kundi about dun sa babaeng minahal niya noon. Kaya lang hindi ko naman matanong, di ko din alam kung bakit. Siguro dahil baka magselos din ako.

Naramdaman ko ang pag halik ni Damon sa pisnge ko kaya nabaling ang tingin ko sakanya.

“Para saan yun?” Tanong ko.

“Wala gusto ko lang maglambing sa girlfriend ko.”

I chuckled. “Nasaan na yung playboy Lucas na nakilala ko?” I joke.

“Wala na siya si malambing Damon na ang nandito, baby.” Hinawakan niya yung kamay ko ulit at hinalikan ito. “Bakit mo pa siya hinahanap? Baka magselos na ko niyan.”

I giggled. “Para kang sira!” Pagselosan daw ba ang sarili? Haha.

Keep voting babies. ☆

=================

Twenty Three

Dumating ang oras ng uwian namin at nakareceived na ko ng text mula kay Mama na nasa waiting area na daw ngayon.

Sinabihan ko na si Damon na wag na wag magpapakita kay Mama, mahirap na baka pati siya magalit nadin sakin tulad ni Papa. I mean, di naman galit si Papa sakin pero lagi ng mainit ang ulo niya.

Nag pasama ako kay Maj na puntahan ang Nanay ko sa waiting area at pag dating namin dun i saw my kaface mother na nakaupo na pinagtitinginan ng ibang boys. Ganda! Haha.

“Ma- Ate!” I was about to call her Mama buti nalang napigilan ko agad. Alam kong alam na ni Majah ang tungkol samin pero hindi pa yun alam ni Mama.

“Why so pretty?” I asked as she faces us.

“Saan ka pa ba magmamana?” Pagmamalaki niya kaya di ko maiwasang matawa. Tumingin siya kay Majah at ngumiti ng very nice. “Hi Majah, kumusta na?”

“Uh.. ayos naman po, kayo po?”

“Ayos naman kahit na yung asawa ko medyo dinaig pa yung babae dahil sa katarayan.”

I laughed. “Pag narinig ka ni Albert siguradong magagalit yun.”

“Takot niya lang sakin.” Tama kahit gaano kataray si Papa, takot pa din siya kay Mama.

Tumingin siya ulit kay Majah. “Gusto mo bang sumama samin? Ididate ako ni Amber.”

“Gustuhin ko man po yan kaya lang masakit yung katawan ko, next time nalang po.”

“Okay.”

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Mama. “Punta na tayo ng parking? Para maka byahe na tayo at masimulan na ang date.” Tumango lang sakin si Mama at halatang excited din like me.

Sinimulan na namin ang

maglakad papuntang parking with Majah padin syempre. Habang naglalakad inililibot ko ang paningin at sinusiguradong hindi makikita ni Mama si Damon dahil mahirap na baka pag nalaman niya ang tungkol samin ay baka pati siya magalit na sa’kin.

“Kayo ba girls may idinidate?” Mama suddenly asked kaya nabaling agad ang tingin ko sakanya.

“Wala po ako.” Mabilis na sagot ni Majah.

“Uh.. ako din wala!” Mabilis ko din sabi para di mahalatang nagsisinungaling ako.

“Why do i feel na meron?” Intrigang tanong ni Mama na may kasama pang mapangasar na ngisi.

“Paano mo naman po nasabi?” Tanong ko.

“Kanina ka pa kasi tila may hinahanap.” Maj was about to laughed pero pinigilan na niya agad. Ay grabe siya! Ilalaglag pa ata ako.

“Wala po nu!”

Mom laughed. “Ang defensive mo Sweetheart, ayos lang naman kung may dinidate ka na.” Napatingin ako sakanya ng gulat na gulat. Talaga? Pwede? Well, siguro sakanya pwede pero kay Papa i don’t think na pwede na. Tsaka pag nalaman nilang si Damon yung dinidate ko baka bawiin agad ni Mama yung sinabi niyang ayos lang na makipagdate ako.

“Ate, sa ngayon ikaw lang ang gusto kong idate.”

Mom giggled. “Sige, sabi mo eh.” Hindi siya convince, halata naman eh. Haay! Si Mama talaga, palibhasa na stock sa katawan ng 23years old kaya puro date din ang nasa isip. Haha!

Nakarating kaming tatlo sa parking, si Maj dumiretso na sa kotse niya habang kami ni Mama sa kotse ko naman.

“Saan natin, gagastusin pera ni Papa?” Tanong ko kay Mama habang iniistart yung makina

ng kotse.

“Sa Mall, dun naman natin lagi inuubos pera ng Papa mo diba?”

I giggled. “Yah.”

Sinimulan na namin ni Mama ang byahe papunta sa Mall, for sure mag sha’shopping kami. Ganyan niya ko iniispoiled eh, pero mas gusto ko ng novel book kesa clothes. Si Mama lang naman ang hilig na bilhan ako ng mga damit eh, nung bata nga ko ginagawa niya kong manika na kung ano ano sinusuot sakin. Haha.

Finally nakarating kami ng Mall, pinark ko lang yung kotse tsaka kami sabay na bumaba ni Mama sa kotse.

Sinimulan na namin ang mag lakad papasok ng Mall, magka holding hands kami ni Mama na akala mo mag jowa kami, as in yung holding hands namin parang mag jowa talaga.

Una naming pinuntahan ni Mama ay ang clothing shop, sinimulan na niyang tumingin ng mga gusto niyang bilhin ako tumitingin na din baka sakaling may magustuhan din naman ako.

Nang makapili kami ni Mama ng pwedeng bilhin, sunod naming pinuntahan ay sa clothing shop ulit but this time pang boys na.. ipapamili niya daw kasi si Papa. Mmm.. nakakaramdam din tuloy ako ng kagustuhang bigyan ng gift yung boyfriend ko kaya lang baka mag taka si Mama pag bumili ako, kaya wag nalang muna.

Sa pagtapos naman naming mamili ng clothes for Papa next naming ginawa ay pumunta ng book shop! Yehey! Haha.

This time ako naman ang naging busy sa pamimili ng pwedeng basahin, habang si Mama nakabuntot lang sa’kin. Mahilig din naman siyang mag basa, mas mahilig lang talaga kami ni Papa.

Nang makapili naman ako ng book, nag bayad lang kami at sunod na pupuntahan namin ay sa kainan. Hihi!

We decided na sa fast-food chain nalang kumain dahil yun ang una naming nakitang kainan. “Ma, ako na ang mag oorder maupo ka na.” Offer ko. Kinuha lang niya sakin yung mga bitbit kong paper bag na naglalaman nung pinamili namin tsaka nag hanap ng pwede naming upuan. Ako pumila lang para mag order.

Hmm.. so far, okay ang date. Lakas maka ganda ng mood, sana sinama namin si Papa para gumanda din naman na kunti mood niya. Haha.

Nag order ako ng two pairs of spaghetti, Burger, big size of fries then two coke drinks. Nang makuha ko yun hinanap ko na kung saan pumwesto si Mama.

Nakita ko siya sa malapit sa glass wall, habang may lalakeng nakatayo sa gilid niya na tila nag papacute sakanya. Pambihira!

Pinakingan kong mabuti kung paano dumidiskarte yung lalake habang nag lalakad papalapit sakanila.

“Just give me your number then aalis na ko.” Dinig kong sabi nung lalake.

“I already told you, im married.”

“Kung ganun nasaan siya? Bakit niya hinahayaan ang magandang babae mag isa.”

Dude, kung kasama namin asawa niyan baka wala ka ng buhay ngayon.

“Dahil nag di’date kami ngayon ng kapatid ko.”

“Ate!” I called making them looked at me. Tinitigan ako nung lalake kaya tinaasan ko siya ng kilay, in a very maldita way. Ang lakas kasi maka manyak ng tingin niya eh. “Alis na!” Pagtataboy ko dun sa lalake.

“Ang taray niyo naman.”

“Masyado lang kami maganda para sayo.” Mama said making me laughed. “Umalis ka na, kasi na nanapak ako ng lalake.” Mama warned.

“Maniwala ka, madami na siyang nasapak na lalake.” Pagbabanta ko rin. Wala nang nagawa yung lalake nag papacute kay Mama at nag lakad nalang palayo.

Umupo na ‘ko sa same table kung nasaan si Mama at sabay kaming tumawa pagkalayo nung lalake.

“Wag na wag kang makikipag date sa mga ganung lalake, understand?” Mama said.

“Anong lalake ba ang gusto mong idate ko?”

“Katulad ng Papa mo, gwapo, maginoo on his own way, romantic and ang pinaka mahalaga, mamahalin ka hanggang pangalawang buhay.” Naku! Ang layo niya pala kay Damon kung ganun. Yung ugok na kasi yun, hindi romantic, hindi maginoo.. pervert kasi siya on his own way din. Oo, gwapo siya at siguro mamahalin niya ko hanggang pangalawang buhay.

“Mukhang mahirap humanap ng tulad niya Ma, pwera nalang kung bampira din ang idi’date ko.”

“Sweetheart, kung mag di’date ka ng vampire make sure na hindi ka niya kakainin.”

I giggled. “Don’t worry Ma.” Sinimulan na namin ni Mama ang pagkain dahil maliban sa nakaka gutom mag shopping, nakaka gutom din makipag kwentuhan.

“Oh shit!” Biglang pagpapanick ni Mama na pinagtaka ko. “Sweetheart, umuwi na tayo.”

“B’bakit po?” Pagtataka ko.

“Nakita ko si Damon, tumayo ka na dyan!” What the.. ano bang pumasok ng ugok na yun at nandito siya? Hinanap ng paningin ko si Damon pero this time di ko na siya makita.

“Amber, bilisan mo na!” Pa’galit nang sabi ni Mama dahil sa pagpapanick na may halong takot na din. Shocks! Ganyan ang epekto ni Damon sakanya?

“Ma, sigurado ka bang si Damon ang nakita mo? Kung siya nga yun, baka naman hindi niya tayo sasaktan.”

“Sigurado ako, wala siya dito kung hindi niya talaga planong saktan ka.” Nandito siya para bantayan ako! Siguro. Naman eh, bakit ba kasi siya nandito?

“Tumayo ka na dyan Sweetheart, bago pa ko magalit!” Mama added, angrily.

“O’opo.”

Keep voting vampies. 😁

=================

Twenty Four

Sa pag mamadali ni Mama, nakarating kami ng bahay. Gusto ko siyang pakalmahan at iassured na walang gagawin samin si Damon pero parang bigla sumara yung utak niya lalo na nang makita si Damon.

Siguro nga noon hindi pa man ako lumalabas sa sinapupunan ni Mama napag bantaan na ni Damon ang buhay ko pero noon pa yun at hindi na ngayon, mahal na niya ko at mahal namin isat isa. Haay! Sana madali lang ipaliwanag sakanila yun or baka.. hindi ko naman kailangan ipaliwanag dapat ipakita ko.. ipakita ni Damon na hindi na siya yung Damon na nakilala nila noon.

“Kumusta date niyo?” Tanong ni Papa habang naglalakad kami papasok ng bahay.

“Hindi maganda, nakita ko si Damon.” Mama said.

“What?!” Gulat na tanong ni Papa. “Sabi ko na nga ba eh, kaya hindi maganda kutob ko sa plano niyong date na yan eh, lalo’t nasa paligid lang si Damon.”

Umupo si Mama sa couch at inilagay ang mga kamay sa forehead nito. “Honey, tingin ko tama ka.. lumipat na tayo ng bahay.” Mama said.

“Whaat?!!” This time ako naman ang nagulat. Teka, kailan pa nila napag usapan yun?

“Yun lang ang paraan para mailayo ka namin sa kapahamakan Sweetheart, ako lang ang tumututol sa suggestion ng Papa mo na yun dahil nandito yung kaibigan mo at mas sanay ka sa lugar na’to. Pero ngayon ako mismo ang nakita kay Damon, tama nga lang na naisip niya yun.”

“Exactly Ma, nandito yung best friend ko kaya hindi ako papayag. Tsaka diba pag

takas tong gagawin iniisip niyo? Kung talagang sasaktan ako ni Damon, kung talagang sasaktan niya nga talaga ako kahit pa nasaan tayo mahahanap at mahahanap niya tayo. Di po solusyon ang pagtakas, bakit di niyo nalang siya harapin? Malay n’yo naman po nag bago na siya.”

“Gusto kong paniwalaang mag babago siya Sweetheart, pero di ko kaya.”

“Bakit po? Bakit di n’yo subukan?”

“Bakit parang ipinagtatangol mo si Damon?’ Papa asked me.

“H’hindi ko po siya pinagtatangol, ayaw ko lang pong umalis.” I lied.

“Ngayong sumangayon na ang Mama mo sa pag lipat, aalis na tayo dito.” Papa seriously said. Wala na! Desidido na sila, kitang kita yun sa mga mata nila.

“I’m sorry Sweetheart.” Mama apologized.

“No! I’m sorry too Ma, pero hindi ako aalis dito dahil lang sa takot n’yong baka saktan ako ni Damon. Hindi niya gagawin yun!”

“Bakit parang siguradong sigurado ka?” Papa asked.

“Dahil-” Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil narinig kong nag ring yung cellphone ko. Shit! Plano ko na sanang sabihin yung about samin ni Damon, mapupurnada pa ata.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba yung tawag o itutuloy tong pagsasalita ko.

“Sagutin mo muna yung cellphone mo, Sweetheart.” Mama said.

Sinunod ko nalang muna yung sinabi ni Mama kinuha ko yung cellphone sa bag ko at tinignan kung sino yung tumatawag. It’s Majah..

“Hello, Maj?”

“Amber..” She’s crying. “Tulungan mo ‘ko.”

Shit! “Maj, anong nangyari? Nasaan ka?” Pagaalala ko.

“Nasa bahay. Tulungan mo ‘ko kinuha nila sila Mama.” Kinuha? Sinong kukuha sa magulang niya? Anong nangyayari?

“Sinong sila?” Pagpapanick ko.

“M’Manuel.” Nauutal niyang sagot. Shit! Si Manuel? Yung lalakeng huma’hunting kay Mario? Paano nila nalaman kung saan nakatira si Majah?

“Dyan ka lang pupuntahan kita, tinawagan mo na sila Damon?”

“Hindi pa, ikaw ang una kong tinawagan.”

“Sige, ganito tawagan mo din sila at papuntahin dyan. Papunta na ‘ko.” Pinatay ko yung tawag at dali daling kinuha yung bag ko tsaka nag madaling maglakad papuntang pinto pero biglang humarang si Papa na galit na galit ang mukha. Paniguradong nakinig sila ng usapan namin ni Majah.

“Anong tungkol kay Manuel at Damon?” Tanong niya.

“Pa, mamaya ko na po sasabihin kailangan na ‘ko ng kaibigan ko.”

“Hindi ka aalis!”

“Pero-“

“Hindi ka aalis Amber, lalo na’t narinig ko yung pangalan ni Damon at Manuel. May hindi ka sinasabi samin ng Mama mo tapos iniisip mong

hahayaan ka lang naming umalis?”

“Kailangan ko pong umalis kailangan ako ni Majah, kung gusto niyo sumama nalang po kayo para makampante kayo at para mapatunayan kong nag bago na nga si Damon.”

“All this time, kilala mo pala si Damon? Anong pumasok sa isip mo at hindi mo sinabi samin yun?”

“Dahil huli na po nung malaman kong siya si Damon. Masyadong mahaba kung ipapaliwanag ko ngayon please po, kung di kayo sasama umalis nalang po kayo sa daan ko.”

Aakma na sana ulit ako sa paglalakad pero hinawakan ako ni Papa sa braso para pigilan. “Sasamahan ka namin at tutulungan natin yung kaibigan mo, pero pagkatapos nito lalayo na tayo. Naintindihan mo?” Tumango nalang ako para matapos na, hahaba pa kasi kung sasagot pa ko.

Binitiwan niya ‘ko sa braso. “Mag uusap pa tayo after nito.” Dagdag niya. Haay! Siguradong mahaaaabang pag uusap yun na may kasamang sermon.

Sinimulan na namin ang mag lakad palabas at dumiretso sa kotse ko. Silang dalawa ni Mama sa front seat habang ako nasa back seat tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa bahay ni Majah. Hindi ko maiwasang mag alala ng sobra sa kaibigan ko, hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil baka kung hindi dahil sa’kin wala siya sa ganitong sitwasyon.

“Bakit hindi mo sinabi na alam na pala ni Majah ang tungkol satin?” Mahinahong tanong ni Mama habang nasa byahe kami.

“Dahil baka magalit kayo

pag nalaman niyong nalaman na ni Maj ang tungkol satin.” Sagot ko.

“Mas nagagalit kami dahil sa pagsisinungaling mo samin.” Papa said angrily.

“Honey, calm down.” Pagpapa kalma ni Mama, pero tingin ko hindi eepekto yun lalo na’t alam na nilang kilala ko si Damon. Paniguradong mas magagalit pa sila pag nalaman nilang boyfriend ko na si Damon.

Hindi nalang ako nag salita para maging peaceful na ‘tong byahe namin.

Hanggang sa finally marating namin ang bahay nila Majah. Ako ang unang bumaba ng kotse at nag madaling kumatok sa pinto.

“Maj, ako ‘to!” I yelled.

Ilang sandali lang naman nag bukas na din yung pinto at si Damon ang nakita ko.

“Nasaan-” Hindi ko naituloy yung sinabi ko dahil biglang sumulpot si Papa at kwinelyuhan si Damon.

“Nag pakita ka pang hayop ka!” Buong galit na sabi ni Papa.

“Ganyan ka na ba ngayon bumati sa kaibigan?” Kalmado pa ding sabi ni Damon kahit halos patayin na siya sa tingin ni Papa. Aakma sana si Papa para suntukin si Damon pero pinigilan ko agad.

“Pa, please tama na.. hindi tayo nandito para sa galit mo kay Damon!”

“Honey, listen to your daughter.” Mama said. Buti naman at kalmado padin si Mama, mahirap umawat kung pati siya mainit ang ulo.

Patulak na binitawan ni Papa si Damon at pinagbantaan ulit. “Wag kang lalapit sa anak ko!”

Napa buntong hininga nalang ako sa mga nangyayari, kanina ang ganda pa ng araw namin dahil sa date namin ni Mama sinong mag aakalang mauuwi ang lahat sa ganito?

Nanguna na ‘kong pumasok ng bahay ni Majah para mapuntahan na siya. Concern man ako sa nangyayari sa pagitang ng magulang ko at boyfriend ko, concern din naman ako ngayon sa kaibigan ko na nasa panganib ang buhay ng magulang.

Nakarating ako ng sala at dun nakita ko si Majah at Mario, naglakad ako papalapit kay Majah na medyo tulala pa sa nangyari.

“Maj.. hey looked at me.” I calmly said. Hindi siya nag salita at umiyak lang.

“Amber, basain mo yun.” Mario said habang nakaturo sa direksyon mula sa likod ko. Lumingon ako para basahin kung ano man yung tinuro ni Mario.

Laking bigla ko na makita ang sulat sa pader gamit ang dugo..

Alam kong nasa puder niyo ni Damon ang paborito kong pagkain na si Mario kapag ibinalik mo siya sakin ibabalik ko ang magulang mo. May isang araw lang kayo para gawin yun.

Manuel.

Keep voting vampies. 😁

=================

Twenty Five

“A’anong gagawin ko?” Tanong ni Majah habang umiiyak kaya naibaling ko ulit ang tingin ko sakanya.

Ano nga ba? Hindi ko alam ang isasagot sakanya.

“Ililigtas natin siya pangako ko yan, sa ngayon kailangan nating umisip ng paraan kung paano.” I said trying to be calm, kahit na sa loob loob ko nagpapanick na ‘ko. Hindi niya dapat makita yun dahil baka lalo siyang panghinaan.

“Ako naman ang kailangan eh, kaya ibigay niyo nalang ako sakanila tutal kasalanan ko naman ang lahat nang ‘to.” Mario said.

“Hindi mo kasalanan, choice ‘kong tulungan ka. Hindi ko lang naisip na idadamay nila yung magulang ko dito.” Maj said.

“Tama si Majah, di mo kasalanan dude nagkataon lang na may sapak sa ulo si Manuel.” Damon said kaya napatingin ako sakanya habang nagalalakad ito papalapit samin, naibaling ko din ang tingin ko sa magulang ko na nakatitig lang sa direksyon namin at nakikinig sa sitwasyon.

“Pero ako ang kailangan nila kaya ibigay niyo nalang ako para matapos na ‘to.” Mario said.

“Pero paano tayo makakasiguradong ligtas pa yung magulang ko kapag ibinigay ka nga namin sakanila?” Maj said.

Tumingin ulit ako kay Damon. “Nakasama mo sila dati, paano ba sila mag isip?” Tanong ko sakanya.

Mag he’hesitate siyang sumagot kita yun sa mukha niya. Dahil nag he’hesitate siya baka hindi maganda ang sabihin niya. “Hindi lang basta nakasama ni Damon si Manuel, mentor siya ni Damon.” Pag sisingit ni Papa sa usapan.

What? Wait, hindi niya nabangit yun.

“Matagal na ‘kong kumalas sakanila alam mo niyo yan!” Damon said to Papa.

“Hindi ka bumalik?”

“Hindi!” Nagtitigan silang dalawa, yung titigang

sila lang nakakaalam. Haay! Dagdag problema ‘to, paano kami makakabuo ng plano kung nagtatalo silang dalawa?

“Tumigil na kayong dalawa!” Mama scolded them. “Imbes makatulong kayo, lalo kayong nakakabigat sa mga bata. Kayo ang matatanda dito, kayo ang mga expert kaya kumilos kayo bilang expert! Dinaig pa kayo ng mga bata eh.” Mama added.

Finally! May pumigil din.

Binaling nalang ni Damon ang tingin sa’kin. “Sigurado akong papatayin din nila yung magulang ni Majah, laman tyan din ang dugo nila para sakanila.” Sagot niy niya sa kanina kong tanong. Oh fuck!

“No!” Maj cried again.

“Paano kung kaming dalawa ni Mario ang ibigay sakanila, bubuhayin ba nila sila Tita?” Despirada kong tanong. Wala na ‘kong maisip eh kaya bahala na!

“Nababaliw ka na ba? Isasakripisyo mo sarili mo? Maganda ngang hindi nila alam ang tungkol sayo eh, tapos magsasakripisyo ka pa? Hindi ako makapaniwalang hindi ako matutuwang mana ka nga sa Tatay mo!” Damon said angrily.

“Yun lang naisip-“

“No!” Sabay na sabi ng magulang ko at ni Damon.

“Amber di mo kailangang isakripisyo ang sarili mo, tingin mo matatahimik ako kung ligtas nga yung mga magulang ko pero yung best friend ko wala na?” Panenermon din ng umiiyak na si Majah.

“Baby kung kailangan sugurin sila Manuel yun ang gagawin natin, walang isasakripisyo naintindihan mo!” Damon seriously said.

“I’m sorry.” I apologized.

“Anong tinawag mo sa anak ko?” Papa asked. Shit! Tinawag pala ako ni Damon na baby. Urgh!

Damon sighed, frustratingly. “Wag ngayon, Albert.”

Ginamit ni Papa yung bilis niya at kwinelyuhan si Damon na may habang nakatingin ng

masama. “Anong. Tinawag. Mo. Sa. Anak ko.”

“Baby.” Sagot ni Damon.

“Bakit baby ang tawag mo sa anak ko?”

Mas hinigpitan ni Papa ang pagkakahawak sa kwelyo ni Damon kaya kumilos na ‘ko. Pilit kong tinangal yung mga kamay ni Papa sa kwelyo ni Damon tsaka pumagitna sakanila. “Dahil po yun sa boyfriend ko si Damon.” Ako na ang sumagot.

Napaatras si Papa ng hakbang nang marinig ang rebelasyon namin habang nakatitig lang sa’kin na halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

This time si Mama naman ang biglang sumulpot at sinampal si Damon ng sobrang lakas!

“Walang hiya ka! Bakit pati anak ko?” Galit na galit na tanong ni Mama.

“Bernadette-“

“Lumayo ka sakanya!” Pagpuputol ni Mama sa pagsasalita ni Damon. Hinawakan ako ni Mama sa braso at hinila papalapit sakanya. “Hindi ‘to request Damon, banta to. Sa oras na lumapit ka pa sakanya, hindi ko na hihintaying si Albert pa ang pumatay sayo ako na mismo ang gagawa nun!” Mama warned him.

“Bernadette, ilayo mo na dito si Amber. Ako na ang tutulong sakanila maibalik yung magulang ni Majah, susunod nalang ako.” Papa said.

“Woe what?!!” I asked. Hinawakan ako ni Mama sa kamay para sana hilain palabas pero nag pumiglas ako.

“No! Hindi ako aalis dito dahil sa isyu niyo kay Damon.”

“Amber please, para din ‘to sayo ayaw ka lang namin masaktan dahil sakanya.” Mama said.

“Hindi niya ‘ko sasaktan Ma, mahal niya ko, mahal namin ang isat isa. Bakit di niyo nalang po bigyan ng chance na mapatunayan ni Damon na nagbago na siya?”

Nakarinig kami ng pag ring ng cellphone na bumasag sandali ng namumuong tensyon

sa paligid. Cellphone yun ni Majah na kaya napatingin kami sa direksyon niya, sinagot niya ‘to.

“Hello?” Nag focus ako para malaman kung sino yung kausap niya.

“Mukhang nagkakagulo kayo dyan, maganda yan mas lalong nagiging exciting ang nga nangyayari.” Boses yun ng isang lalake.

“Sino ba ‘to?”

“Manuel at your service. Di ko akalaing may isa pa palang masarap na pagkain dyan, anak pa pala ni Albert, hmmm.. gusto ko rin siya, isabay mo na rin siya kay Mario.”

Shit! Paano niya nalaman? Di kay may palihim na nagmamatyag at nakikinig samin dito na tauhan niya?

Biglang inagaw ni Damon yung cellphone kay Majah. “Papatayin kita kapag may ginawa ka Amber!” He warned.

“Amber? Yun ba ang pangalan niya? Napaka gandang pangalan paniguradong maganda rin siyang bata dahil nahumaling ka na naman. Hindi ka pa rin ba nadadala sa pagibig na yan? Sa anak pa ni Albert? Nakakatawa ka talaga.”

“Manahimik ka, enjoyin mo na ang buhay bampira mo dahil di na magtatagal yan kasi papatayin na kita!”

Tumawa lang sa kabilang linya si Manuel na halatang di manlang natakot sa banta ni Damon. “Nakalimutan mo na bang hawak ko buhay ng magulang nung kaibigan mo? Kaya wala kang karapatang pagbantaan ako!”

This time ako naman ang umagaw sa cellphone at ako naman ang kumausap sa walang hiyang si Manuel. “Si Amber to, kami ni Mario ang kailangan mo? Sige, pupuntahan ka namin pero mangako kang wala kang gagawin sa magulang ni Majah.”

Pumito siya na tila namangha pa sa sinabi ko. “Dahil nagustuhan ko kung paano mo ko kinausap sige, hindi ko sila sasaktan.”

“Maasahan ko ba yan?”

“Marunong

akong tumupad sa pangako.” Pinatayan ko na siya ng tawag nang maassured kong wala nga siyang gagawin sa magulang ni Majah.

Haay! Ngayon hindi nalang talaga buhay ni Mario ang nasa kapahamakan, pati na rin ako.

“May bisita pa kayo.” We heard Papa said kaya nabaling ang tingin namin sakanila. May kasama siyang isang lalake at tinututukan siya ng silver knife ni Papa sa leeg. “Narinig kong akam ni Manuel ang pinaguusapan natin kaya lumabas agad ako para alamin kung may nakikinig sa usapan natin at siya ang nakita ko.” Hindi ko na namalayan ang paglabas niya dahil sa focus ko sa pakikinig kanina sa usapan ni Damon at Manuel.

“So ikaw pala yung nagsabi kay Manuel ng tungkol kay Amber..” Sabi ni Damon habang naglalakad papalapit dun sa tauhan ni Manuel. Hindi lang siya nag salita at ngumisi lang kay Damon.

“Baby pwede mo bang ibigay sa’kin yung silver knife sa bag ni Majah.” I do as i told tsaka ko ‘to pahagis na binigay sakanya.

Nang lumapat sa kamay yun ni Damon, bigla siyang lumapit sa tauhan ni Manuel at sinaksak ito sa tagiliran niya kaya napaluhod ito. Kwinelyuhan naman agad siya ni Damon para pilitin itong tumayo. Tinangal ni Damon ang pagkakatarak ng silver knife sa tagiliran nung tauhan ni Manuel at aakma na sanang isaksak ni Damon direkta sa puso nung bampira yung kutsilyo pero pinigilan siya ni Papa.

“Tama na yan, siya ang magsasabi satin ng mga plano ni Manuel kung di siya magsasalita tsaka kita hahayaang patayin siya.”

Tumingin sa direksyon namin si Papa. “Dun tayong lahat sa bahay, mas safe dun at may mga armas. Dun natin planuhin ang lahat sa pagliligtas sa magulang ni Majah.” Lahat ibig sabihin kasama si Damon?

“Kasama ba ‘ko sa pagpunta dun?” Damon asked.

“Aminin man natin o hindi, kailangan namin ng tulong mo para iligtas si Amber kay Manuel. Pero kapag napatay na natin siya at mailigtas ang magulang ni Majah, ilalayo ko sayo yung anak ko.”

Hu! Grabe! Di ako sanay sa ganitong kabigat na scene. Hahaha! Keep voting vampies. 😁

=================

Twenty Seven

Nakarating kaming lahat ng bahay, pero sinigurado muna naming walang nakasunod samin dito. Sana nga lang walang nakasunod samin dahil kung meron man alam na nila kung saan makikita ang dalawang half vampire.

Dumiretso kami nila Mama, Majah and Mario sa sala habang ang dating mag best friend na si Papa at Damon ay nagkasundong gugulpihin muna yung bampirang dala namin dito para malaman ang plano ni Manuel.

Yung tensyon nandun pa din, siguro talagang di na mawawala yun lalo na ngayon.

“Gusto mo bang dun muna tayo sa kwarto ko?” Tanong ko kay Majah, nakaupo lang kaming dalawa sa couch habang sila Mama at Mario nakatayo lang at nakatingin samin. Si Mario halatang nagaalala, ganun din naman si Mama pero tingin ko mas concern siya dahil sa pagkakaroon ko ng relasyon kay Damon. Nakakapanibagong ganyan siya, ni halos hindi niya ‘ko kinakausap.

“Hindi ayos lang, hihintayin ko yung plano bago ako pumunta dun.”

“Pareho tayong gustong malaman ang plano pero kailangan mong mag pahinga.”

“Tama si Amber, sa ating lahat ikaw ang mas kailangan ng pahinga.” Mario said.

“Hindi rin naman ako makakapag pahinga lalo na’t hawak nila ang buhay ng mga magulang ko.” Maj said.

“Magiging ayos din ang lahat, maililigtas natin sila.” Pagpapalakas ko ng loob. Alam kong di sapat na sabihin lang yun, dahil maski naman ako hindi alam kung magiging ayos nga ba ang lahat pero alam kong kailangan marinig yun ni Maj baka sakaling makakalma ng nararamdaman niya.

Haay!

Bakit ba kasi ang tagal nila Papa at Damon na paaminin yung bampirang yun? Gusto ko ng malaman yung plano, sana naman meron talagang plano.

Nakakainip na!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at aakma sanang puntahan sila Papa pero bigla naman silang nagpakita ni Damon.

“Ano ng nangyari?” Direkta kong tanong kay Damon.

“Pinatay ko na yung bampira, wala namang planong mag salita eh.” What the..

“Limang minuto palang natin siyang pinagsasalita pinatay mo na agad.” Inis na sabi ni Papa.

“Tauhan siya ni Manuel kaya kahit ang anong torture mo dun hindi siya magsasalita.”

“Ano ng plano?” Mario asked.

“Ang plano susugurin natin sila, pag nailigtas na natin ang mga magulang ni Majah aalis tayo, bonus point nalang kung mapatay natin si Manuel.” Damon said.

“Anong klaseng plano yun?” Papa asked.

“May mas maganda ka bang naisip?”

“Yung naisip kong plano sinira mo na! Pinatay mo yung nag iisang bampirang pwedeng magsabi satin ng plano ni Manuel.” Papa said, frustratingly.

“Si Manuel ang pinaguusapan dito, tingin mo talaga malalaman mo yung plano niya? Iisipin mo palang, naisip na niya. Nakalimutan mo na bang naging mentor ko siya? Mas magandang sugurin nalang sila ng biglaan yun lang ang naiisip kong plano para mailigtas ang magulang ni Majah.”

“Tingin mo ba kaya nilang lumaban? Tatlo lang tayong purong bampira dito.”

“Baka makatulong kung iinum kayo ng dugo namin.” I suggested.

“No!” Sabay sabay na sabi ni Papa, Damon

and Mama. Wow! Mukhang ang di paginum lang ng dugo ko ang pagkakasunduan nila.

“Bakit hindi kung makakatulong naman satin? Lalakas kayo, tapos maililigtas na natin ang magulang ni Maj.” I said.

“Hindi ko iinumin ang dugo ng anak ko!” Papa said.

“Ganun din ako!” Mama said.

“Dugo ko nalang ang inumin niyo.” Pagsisingit ni Mario. “Ako ang nag dala ng problema sainyo kaya ako ang inuman niyo ng dugo.” He added.

“Hindi! Walang iinumin na dugo ng kahit na sinong half vampire dito.” Pagsisingit ni Mama. “May mga armas tayo, kaya natin sila.”

“Sangayon ako kay Bernadette, para saan pa at nag t’training kayo kung di niyo gagamitin?” Damon said. Ang tanong sapat na ba yung training na yun? Totoong laban na yun at hindi basta training lang at alam naman ng lahat na magkaiba ang training sa tunay na laban.

“Gawin niyo ‘kong bampira.” Maj said kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya. “Makakatulong ako kung bampira ako, dahil kung tao lang ako makakadagdag pabigat lang ako dun.”

“Hindi!” Hindi ko pagsangayon. “Alam mo naman kung gaano kahirap yung buhay ng tulad namin diba? Kaya di mo gugustuhing maging bampira.”

Tumayo siya at humarap sa’kin kita sa mga mata niya na despirada na siya. “Gusto kong mailigtas yung mga magulang ko Amber, makakatulong lang ako sainyo kapag katulad niyo ‘ko.”

“May iba pang paraan, hindi pagiging bampira mo ang solusyon.”

“Yun lang ang paraang naiisip ko para di ako maging pabigat.”

“Ganito nalang, gagawin natin ang unang proseso ng pagiging bampira.. iinumin mo dugo namin at pag may nangyaring hindi maganda at

mamatay ka sa laban natin kela Manuel maaaring dun ka lang magiging bampira, gawin nalang natin ang lahat para di ka mamatay bukas para maiwasan na ding maging bampira ka hanggang mawala sa sistema mo yung dugong ininum mo samin.” Damon suggested.

“Payag ako!” Walang pagdadalawang isip na sabi ni Majah. Haay! Wala na, sarado na utak niya hindi ko na mapipigilan yung naiisip niyang solusyon para di siya maging pabigat sa laban bukas.

Pero kung iisipin mong mabuti ang kailangan lang naman hindi siya mamatay bukas para di maging ganap ang pagiging bampira niya. Dapat ko siyang bantayan bukas!

“Kailan tayo susugod?” Tanong niya ulit.

“Bukas ng madaling araw, hindi kasi morning person si Manuel. Para makapag pahinga padin kayo.” Sagot ni Damon.

“Sige, painumin niyo na ‘ko ng dugo hindi naman siguro mawawala sa sistema ko yan hanggang bukas diba?” Maj said.

“Sigurado ka talaga dito hija?” Mama asked Maj.

“Opo.” Tumingin sa’kin si Mama at mukhang nasesense niya di ko talaga pag sangayon sa planong ‘to ni Maj pero syempre wala naman akong magagawa dun, nakapag desisyon na siya.

“Sige, dugo ko na inumin mo.” Hiniwa ni Mama yung wrist niya kaya may lumabas na dugo dito at inabot niya ‘to kay Maj. “Hindi mo kailangang damihan kung di mo kaya.” Dagdag ni Mama.

Hinawakan ni Maj ang braso ni Mama at hesitantly na uminum ng dugo ni’to. Umiwas na agad ako ng tingin mula nang nag simulang uminum ng dugo si Maj at naglakad nalang ako papuntang dining. Di ko kayang makitang

umiinum ng dugo ang best friend ko.

Di ko rin na naman maiwasang sisihin sarili ko dahil sa mga nangyayari kung siguro di niya nalaman ang tungkol samin baka wala siya sa ganitong sitwasyon. Namumuhay parin sana siya ng normal tulad ng iba.

“Baby..” I heard Damon’s voice. I face him halata sakanya ang pagaalala. Ginamit niya yung bilis niya para makalapit sa’kin at hawakan ako sa magkabilang pisnge. “Heey, are you okay?”

I shake my head. “Hindi, hindi ako sangayon sa naisip ni Majah.”

“Gusto niya lang tumulong at kung sasama siya sa laban natin kela Manuel maaari siyang mamatay dun. Mas okay ng bampira siya kesa ang mawala ng tuluyan diba?”

Kung iisiping mabuti, tama siya. Pero di ko parin hahayaan na maging bampira siya, hindi ko hahayaang mapahamak siya bukas.

“Sana matapos na ‘to.” I helplessly said.

Niyakap niya ‘ko na parang nag pakalma sa’kin. Ito lang ata ang kulang sa tensyon na nangyayari, kulang lang sa yakap niya. “Matatapos din ‘to pangako at pag natapos ‘to magsasama na tayo.”

I chuckled weakly. “Alam mong nakapaka imposibleng mangyari nyan, dahil sa mga magulang ko.”

“Hindi nila ‘ko mapipigilang makasama ka, baby. Kailangan muna nila akong patayin para mapalayo sayo.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge.

“Mag pahinga ka na para may lakas ka bukas.” Tumango lang ako bilang sagot. Paniguradong hindi lang pahinga ang kailangan ko, kailangan ko ding uminum ng dugo pero bukas na yun.

Hinalikan niya lang ako sa forehead tsaka niya ‘ko hinawakan sa kamay at sinimulan naming maglakad papuntang sala ng magkahawak kamay.

Sa pag dating namin sa sala, i saw Maj na nakahawak lang sa labi niya habang nakaupo sa couch. Nabaling naman nila Mama at Papa ang tingin samin at direktang tumingin sa kamay naming magkahawak ni Damon kaya bumitaw agad ako bago pa magkagulo na naman.

Mama sighed heavily. “Amber mag pahinga na muna kayo Majah sa kwarto mo, maaga tayo bukas.”

“Opo.” Sagot ko. Tumingin ako sandali kay Damon bilang pagpapaalam sana lang nagets niya.

Lumapit ako kay Majah at inoffer ko yung kamay ko sakanya para sa pagtayo niya. “Dun muna tayo sa kwarto.”

“Sige.” Hinawakan niya yung kamay ko tsaka siya tumayo. Inangkla ko yung kamay ko sa braso niya tsaka ko sinimulan maglakad paakayat ng kwarto ko kaya napalakad na din siya.

Pagdating namin ng kwarto ko umupo agad siya sa kama ko at napabuntong hininga.

“Galit ka ba?” Tanong niya.

I shake my head. “Hindi lang ako sangayon sa naisip mo.”

“Alam ko.”

Tinabihan ko siya sa pagupo ng kama. “Anong lasa ng dugo?” Pagbabago ko ng topic.

“Nakakasuka, paano niyo nagagawang umubos ng isang pakete ng dugo?”

I chuckled. “Masarap ang dugo para samin, parang kape sa Starbucks.”

“Halata nga eh.” Huminga siya ng malalim at tumingin sa’kin. “Yung totoo, ano sa tingin mong mangyayari bukas?”

“Tingin ko.. maililigtas natin ang mga magulang mo at mananatili ka paring tao, mapapatay din si Manuel tapos matatahimik na tayong lahat.” Sana nga yun ang mangyari. Oh wait di pala kami matatahimik ni Damon dahil hindi boto ang magulang ko sakanya.

She chuckled, weakly. “Sana nga yan ang mangyari bukas.”

“Malay mo naman.”

Keep voting vampies. 😁

=================

Twenty Eight

Oras na ng plano..

Lahat kami nag hahanda na para sugurin ang grupo ni Manuel. Hindi namin alam kung ilan kalaban namin, basta ang alam lang namin siguradong malalakas sila dahil sa pag inum nila ng dugo ng mga katulad ko.

Ang plano ay kaming girls ang kukuha sa mga magulang ni Majah habang ang boys ang papatay sa mga bampira.

Kumuha kami ng kanya kanya naming armas na gustong gamitin at dahil mas sanay ako sa silver knife kaya yun ang kinuha ko.

Tumingin ako sandali kay Mama na seryoso lang ang mukha. “Ma..” I called her. Tumingin siya sa direksyon ko ng blangko. Yah! She’s still mad at me.

Naglakad ako papalapit sa kanya. “Uh.. sorry po, sorry kasi tinago ko yung tungkol sa’min ni Damon. Ayoko pong galit kayo sa’kin kapag may nangyari masama-“

“Walang mangyayaring masama.” Pagpuputol niya sa’kin. “At Oo, galit ako sa ideang nag lihim ka yun ay dahil ayaw kitang masaktan kay Damon.”

“Alam ko pong mahirap paniwalaan pero hindi po niya ‘ko sasaktan.”

“Tama ka, mahirap ngang paniwalaan yun.” I looked down, speechless. Di ko na alam ang sasabihin ko, masyado na kasi silang sarado sa ideang nag bago na si Damon. She touches my both cheeks forcing me to looked at her eyes. “Please, mangako kang magiingat ka ngayon sweetheart hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa’yo.” Pagaalala niya.

“Pangako po.”

Niyakap niya ‘ko at sinuklian ko naman agad yung yakap na yun. “I love you, Ma.” I whispered. Gusto ko ng mag sabi ng i love you dahil baka ito na huli kong pagkakataon at ayoko

ng palampasin pa yun.

Bumitaw si Mama sa pagyayakapan namin. “Ayokong mag sabi ka ng mga ganung salita na parang namamaalam ka, walang mangyayaring masama sa’ting lahat.”

“Sana nga po.”

“Walang mangyayari, pinapangako ko yun.” Pagsisingit ni Papa. Gusto ko kapag nangangako siya dahil tinutupad talaga niya kaya lang iba ang sitwasyon ngayon kaya sana nga walang mangyaring masama sa kahit isa sa’min.

Lumapit ako Papa at niyakap din siya. “I love you Pa, and im really sorry for everything.”

Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko. “Mahal din kita, sweetheart and I’ll do everything to keep you safe.”

“Salamat po.”

“Pwede ko ba siyang makausap?” I heard Damon asked. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Papa at tumingin sa direksyon niya. Di ko akalaing mag lalakas ng loob siyang mag paalam kasi alam naman naming pareho na suntok sa buwan na payagan siya nila Papa at Mama.

“Sabihin mo na yung gusto mong sabihin sa kanya sa harap namin.” Papa said, strictly.

“Pwede ba, kailangan din ng anak mo ng privacy.” Damon said.

“Pag bigyan mo na honey, ngayon nalang din naman yan dahil pag natapos ‘to ilalayo na natin si Amber sa kanya.” Mama coldly said. Haay! Kailan ba matatapos ‘tong pataasan nila ng pride?

Papa gives way for Damon para makalapit sa’kin. Hindi naman nag aksaya ng oras si Damon makalapit, natatakot siguro na magbago ang isip ni Mama. Hinawakan ako sa kamay ni Damon at inalayo nang kunti sakanila.

“Hindi ko alam kung bakit nilayo mo pa ‘ko eh alam naman nating pareho na nakikinig sila sa’tin.” Sabi ko pagtigil namin sa pag lalakad.

“Gusto lang kitang masolo baby, baka kasi

huli ko na ‘to.”

I slapped him on his chest. “Wag ka ngang mag salita nang ganyan!”

“Bakit ikaw lang ba dapat ang mag salita na tila namamaalam?” Seryoso niyang tanong at sa tono niya ayaw niya nung ginawa ko.

“Nakikinig ka sa usapan namin ni Mama?”

“May tenga ako eh.” Sabi ko nga eh! He touches my both hands and stared at my eyes. “Hindi ko hahayaang may mangyari sa’yo, pangako.”

I chuckled weakly. “Dalawa na kayo ni Papa na nangako sa’kin.”

“Maganda kung ganun dahil pag nangako kami tinutupad namin, nakuha niya sa’kin yun eh.” He bends down and kisses my cheek.

“I love you Amber.” He whispered.

“I love you too, Damon.” Bigla ko siyang niyakap kahit na alam kong labag ‘to kela Mama. Hindi ko lang mapigilan na gawin ‘to dahil kahit alam kong nangako sila na magiging ayos ang lahat, hindi naman namin alam ang mangyayari mamaya. Tama siya sa sinabi niya kanina, baka ito na yung huli kaya gusto ko nang sulutin. “Mahal na mahal kita Damon, laging mong tandaan yan. Kung ano mang mangyari ngayon, gusto kong malaman mong mahal na mahal kita.”

“Aalis na tayo!” We heard Papa shouts. Bumitaw kami sa pagyayakapan ni Damon at tumingin sa pick up car na gagamitin namin. Nang makita ni Papa na nabaling na yung atensyon namin sa kanya sumakay na siya ng driving seat.

May kinuha si Damon sa bulsa niya na isang papel at inabot ‘to sa’kin. “Pa-” Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil inilagay niya yung hintuturo niya sa labi ko para pigilan akong mag salita.

“Shhh.” He mouthed.

Nag simula siyang maglakad ng kalmado papunta sa saksakyan habang nasa bulsa ang mga kamay niya. Binuklat ko muna yung papel na inabot niya sa’kin at nakita kong may sulat ito. Binasa ko naman agad ‘to..

Pag natapos ‘to, sana pumayag kang sumama sa’kin sa pag layo. Mag tanan tayo, baby.

Woe- what?!! Seryoso ba siya dito? Hindi naman niya isususlat kung hindi. Kaya ba sinulat lang niya dahil alam niyang baka nakikinig sila Papa at pag narinig nila ‘tong plano niya paniguradong malaking gulo.

Dinig ko ang biglaang pag busina ni Papa kaya dali dali kong tinago yung sulat na binigay ni Damon at ginamit yung bilis ko para makalapit sa kotse.

Tumingin ako kay Damon na nakasakay ngayon sa track kasama si Mario. Nakatitig lang din siya ng seryoso sa mga mata ko. Yung tinginan namin parang nag uusap at alam kong tungkol ‘to sa sulat niya.

Binuksan ko na yung pinto sa back seat at sumakay kung saan katabi ko si Maj.

Pag sakay ko ng sasakyan nag simula naman agad kami sa byahe papunta kay kung nasaan si Manuel. Tinuro ni Mario kung saan sila makikita dahil nga tumakas na siya dun.

Ginugulo pa din ako until now dahil sa sulat ni Damon. Hindi ko alam kung sasama ba ‘ko o hindi. Siguradong mas lalong magagalit sila Mama kay Damon kapag sumama ako sa kanya. Pero pag di naman ako sumama, tulad nang sabi ni Mama kanina ilalayo nila ‘ko kay Damon at seryoso sila dun.

Huminga ako ng malalim tsaka umiling para maalis ‘to sa isip ko. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung paano maililigtas ang magulang ni Maj. at si Maj mismo dahil hindi dapat siya bawian ng buhay

ngayon dahil ayokong maging bampira siya.

Tumingin ako kay Maj na halatang kinakabahan. “Ayos ka lang?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi, natatakot ako.”

“Normal lang yan, ganyan din yung nararamdaman ko pero kung pangungunahan tayo ng takot baka negatibo lang ang mangyari.”

“Alam ko, sana lang may natutunan ako sa isang araw na training namin ni Damon para kahit papaano maipagtatangol ko sarili ko.”

“Malay mo naman maka suntok ka ng isa.” I tried to lighten the mood.

She chuckled, weakly. “Sana nga.”

Inihinto ni Papa ang sasakyan medyo malayo kung saan nandun sila Manuel. Kasi daw baka maging takaw atensyon kami kung dadalhin pa namin dun yung sasakyan kaya ang plano ay maglalakad lang kami papunta sa tinutuluyan ng grupo ni Manuel.

Sabay sabay kaming bumaba ng sasakyan. Dahil nasa liblib ang tinuluyan ni Manuel, ang tangi lang na maririnig sa paligid ay ingay ng crickets.

“Gawin na natin ‘to.” Mahinang sabi ni Papa sa’ming lahat habang nasa balikat niya yung ginamit niyang baril na parang bow noong nag train kami. “Damon sa likod ka nila, ako sa harap pag gigitnaan natin sila habang nag lalakad tayo papalapit sa bahay ni Manuel.” Papa instructed.

“Sige.” Walang pag dadalawang isip na sagot ni Damon. Tumingin siya sa’kin pero umiwas naman agad ako ng tingin. Ayoko kasing isipin yung sulat niya, kailangan kong mag focus sa gagawin naming ‘to.

Sinimulan na namin ang pag lalakad sa hudyat ni Papa, sinusundan lang namin siya at tahimik na nag lalakad hanggang sa makita namin ang napaka laking bahay ni Manuel. Nag tago muna kami sa mga halaman

para magmasid. May dalawang tao- i mean bampira pala na nagbabantay sa labas na parang gwardya.

“Handa na kayo?” Mahinang tanong ni Papa.

“Gawin mo na, nangangati na yung ko na ubusin sila.” Damon said.

Itinutok ni Papa yung bow sa nasa left side na bampira at binaril ito na ikinabagsak niya. Sunod naman niyang binaril yung isang bampira and sa isang kurap lang nakita ko si Mama at Damon na sinugod yung dalawang bampirang binaril ni Papa at tinarakan ang mga ito ng silver knife sa puso.

Wow! Two down agad. Paano nila nagawa yun eh wala namang napag usapan na ganun ang gagawin? Dala na din siguro ng experience nila.

Nag simula si Papa na mag lakad papalapit sakanila kaya sumunod nalang kaming tatlo sakanila.

“Grabe, walang pagbabago yung tandem natin.” Malaking ngiting sabi ni Damon kay Papa.

“Hindi pa oras para mag diwang. Dun ka sa kabila mag hanap ng pwedeng pasukan..” Pinoint niya yung right side. “..dito naman ako sa kabila.”

“Wow! Ang cold mo!” Hindi na pinansin ni Papa yung sinabi ni Damon tsaka ginamit ang bilis, ganun din naman ang ginawa ni Damon pero mabilis din naman silang naka balik.

“Walang bukas na bintana o pasukan manlang, tulad ng ini’expect.” Damon said.

“Kung ganun sa pinto tayo papasok.” Papa said.

“Honey, siguro naman may idea kang baka trap ‘to diba?” Pag aalala ni Mama.

“Oo naman.”

“Hindi ba delikadong nag uusap tayo, baka may nakikinig.” Pag sisingit ko sa pag uusap nila.

“Kaya nga baka trap ‘to, pero wala tayong mapapala kung mag iistay lang tayo dito sa labas.” Papa said. Nag simula na si Papa mag lakad papalapit sa pinto kaya sumunod nalang kami. Silang dalawa ni Damon ang nangunguna.

Si Damon ang nag pihit ng doorknob habang nakatutok yung bow ni Papa sa pinto para siguro abangan kung may biglang susugod sa kanya sa pag bukas ng pinto.

Pag bukas nito, walang kahit na sinong bampirang sumugod kaya nag senyas si Papa na pumasok na kami.

Sa pagpasok namin, wala manlang kaming nakitang kahit na anong gamit.

“Maligayang pag dating sa aking bahay..” Biglang pag papakita ng isang lalake, itsura palang niya alam mong may saltik na. Siguro siya si Manuel. “..mas maaga kayo sa oras na binigay ko. Maganda yan, ayoko din kasi masyadong nag hihintay.”

Biglang binaril ni Papa si Manuel nung bow niya pero nasalo lang ni Manuel ng walang kahirap hirap yung arrow. “Talaga bang gagamitan mo ‘ko nyan? Minamaliit mo ata ako Albert.”

May mga biglang nag si labasan na bampira, yung iba may hawak na patalim yung iba baril na paniguradong silver bullet ang gamit dahil yun ang ginamit nila kay Mario. Sinimulan kaming pinalibutan ng mga tauhan ni Manuel na at halos wala manlang kaming magawa.

Shit!

Keep voting babies. ☆

=================

Twenty Nine

“Mag ingat kayo sa baril, silver bullet gamit nila.” Pagpapaalala ni Damon kay Mama at Papa, hindi na sa’min dahil alam na namin ang tungkol sa pag gamit nila ng baril dahil ginamit nila yun kay Mario.

May inilabas din si Manuel na baril. “Tama si Damon, ang tatalino na kasi ng hunters ngayon pero malas nga lang nila nauunahan ko pa din sila.” Nag simula siyang mag lakad papalapit sa’min. “Ano ulit yung sinabi mo kahapon?” May pag babantang tanong ni Manuel kay Damon.

“Yung aling? Yun bang Papatayin kita? Wag mag aalala mangyayari yun hintayin mo lang.” Pagmamatapang pa rin ni Damon kahit na pinalilibutan na nila kami. Itinutok niya yung baril niya kay Damon at binaril ito sa binte na dahilan para mapaluhod si Damon. Shit! Mukhang lahat kami papatayin niya.

“Tama na yan! Ako lang naman ang kailangan niyo diba? Pakawalan n’yo na sila kasama yung mga magulang ni Majah.” Mario said.

“Mali ka, hindi lang ikaw ang kailangan namin pati yung anak ni Albert at ang napaka gandang si Bernadette. Ano nga ulit pangalan niya? Ah.. tama, Amber.” Tumingin siya sa direksyon namin ni Maj.

“Pwede ba kayong pumwesto sa harap mga magagandang binibi.” Utos ni Manuel sa’min ni Maj. Nagkatinginan kami ni Maj dahil sinabi niya, kahit pilit niyang tinatago at hindi ipakita sa kalaban nakikita ko pa din na natatakot siya. Bitbit ang armas namin sinunod nalang namin ang sinabi niya dahil na rin sa tinutukan ng mga tauhan niya ng baril ang mga kasama namin.

“Pwede n’yo rin bang ilapag sa sahig ang mga dala n’yong silver.” Pa nice niya kunyaring favor. Ginawa nalang namin, gusto niya.

“Salamat sa pag sunod. Ngayon, sino sainyo si Amber?” What? Hindi

niya alam na ako si Amber? “..pinatay n’yo kasi yung tauhan ko kaya hindi ko tuloy alam kung sino sainyo si Amber.”

“Ako!” Maj said kaya di ko maiwasang mapatingin sa kanya ng gulat na gulat.

“Ano ba yang sinabi mo?” Tanong ko. Hindi siya sumagot at tumitig lang sa kay Manuel para siguro ma-convince pa niyang siya ako. “Wag kang maniwala sa kanya ako si Amber.” I said.

“Wag mo siyang pakingan, ayaw niya lang na isakripyo ko ang sarili ko para sa mga magulang niya. Ako ang totoong si Amber.” Pagpupumilit ni Maj. What the hell? Ano bang pumasok sa isip niya at naisip niyang mag pangap na ako? Nag papakamatay ba siya? Wait! Hindi kaya ginagawa niya ‘to para patayin siya ni Manuel? Para maging ganap ang pagiging bampira niya?

“Tumigil ka na Maj!” I yelled, scolding.

“Ikaw ang tumigil! Hayaan mo na ‘ko. Nasaan yung mga magulang niya, nangako kang walang gagawing masama sakanila diba?”

“Naguguluhan na ‘ko, sino ba sakanilang dalawa si Amber?” Tanong ni Manuel sa mga kasama namin at halata na boses niya ang inis, pero kahit ganun wala pading sumagot sa mga kasama namin. Haay! Ginagatungan pa nila kabaliwan ni Maj.

“Sige ganito nalang, since walang nag sasalita ako nalang ang aalam.” Paano niya gagawin yun?

Tumingin siya sa isa niyang tauhan. “Ikuha mo ‘ko ng dalawang normal na kutsilyo. Kung sino ang mabilis na mag hihilom sa pag saksak ko sainyong dalawa siya si Amber.”

Shit!

“Teka! Ako ang totoong Amber, wag mo nang gawin yun!” Pag pipigil ko.

He smirked, evilly. “Malalaman natin mamaya.”

Mabilis na nakabalik yung bampirang inutusan ni Manuel

at inabot dito yung dalawang kutsilyo. Hindi namin namalayan ang mabilis na pag lapit sa’min ni Manuel at naramdaman ko nalang na mag natark na tagiliran ko na kutsilyo.

Tinangal ko agad yung kutsilyo at lumapit kay Majah na napaluhod na dahil sa sakit. Hinugot ko yung kutsilyong nakatarak kay Maj at napasigaw siya sa sobrang sakit. “I’m sorry.” I quickly apologized. Kinuha ko yung silver knife na pinalapag kanina sa’min ni Manuel tsaka ko hinawakan sa balikat niya si Maj para alalayan siya tsaka ko binaling ulit ang tingin kay Manuel.

“Hayop ka! Napakasama mo!” Punong puno ng galit kong sabi. Mabigyan lang ako nang pagkakataon, papatayin ko siya.

Ngumisi lang siya at halatang wala manlang pakialam sa sinabi ko. Lumuhod siya sa harap namin gamit ang isang tuhod niya at hinawakan ako sa chin.

“Alam mo kung tutuusin mas masama pa nga sa’kin si Damon eh. Alam mo kung bakit? Kasi-“

“Tumahimik ka na!!” Sigaw ni Damon kaya hindi natuloy ni Manuel yung sasabihin niya at naibaling niya dito ang tingin.

“Bakit naman? Ayaw mo bang marinig ni Amber yun? Oh wait! Hindi niya alam nu? Grabe, bakit naman kayo nag sinungaling sakanya? Sigurado akong masasaktan siya.” Tumingin ulit sa’kin si Manuel. “Mukhang di ka mahal ng pamilya mo dahil naglihim sila sa’yo, kawawa ka naman.” What the hell? Ano bang sinasabi ni’to?

“Ano bang ibig mong sabihin?” Tanong ko.

“Baby, wag kang makikinig sa kanya!” Damon yelled. Narinig kong may tila bumagsak at nang tumingin ako sa direksyon ni Damon napagsak niya yung bampirang

tinututukan siya kanina ng baril.

Biglang may umalingawngaw ang putok ng baril at bigla nalang napahawak si Damon sa braso niya dahil dito siya tinamaan tsaka muli itong napaluhod. Ang bumaril sa kanya ay isa sa mga tauhan ni Manuel, syempre sino pa nga ba.

“Tama na, pwede ba! Kunin n’yo na ‘ko, ako lang naman ang kailangan mo diba? Pakawalan mo na sila!” Inis kong sabi kay Manuel.

“Hindi pa pwede, naglalaro pa ‘ko eh,” Nag lalaro? Lahat nang ‘to laro lang sa kanya? Napaka walang hiya talaga. “Tsaka ayaw mo bang malaman kung ano yung sikreto ng mahal mong si Damon?”

“Alam ko na ang lahat ng tungkol sa kanya!”

“Talaga? Lahat? Sigurado ka ba dyan bata?”

“Oo.”

“Kung ganun alam mo nang pinagbantaan niya ang buhay mo noon?” Tanong niya. Yun na ba yun? Hindi na bago yun.

“Oo!”

“Kung ganun alam mo din na ang unang kinabaliwan na babae ni Damon ay ang Mama mo!”

What? Wait- Ano daw? Teka! Tama ba ‘ko nang dinig? Si Mama at Damon? No! Kalokohan! Hindi yun totoo!

“Si’sinungaling!”

He stands, smirking evilly. “Bakit naman ako mag sisinungaling sa’yo? Kaya nga pinag bantaan ni Damon ang buhay mo kahit hindi ka pa lumalabas sa sinapupunan nang Nanay mo ay dahil nasaktan siya nang sobra sa pagpili ni Bernadette sa Tatay mo.”

No!!! Hindi!! Hindi yun totoo!

“Hindi ka pa rin na niniwala? Bakit hindi mo sila tanungin?”

Binitawan ko sandali si Maj tsaka tumayo at humarap sa mga magulang ko pati kay Damon para tanungin

sila. Lahat sila hindi makatingin ng diretso sa’kin kaya mas lalo akong kinabahan at nag duda na baka tama nga yung sinabi ni Manuel. Damn it!

“Totoo ba?” Tanong ko sakanila.

“Baby, wag kang makinig sa kanya.” Damon said.

“Totoo ba?!!” I asked, yelling.

“Totoo yun.” Sagot ni Papa. Napaatras ako ng isang hakbang sa narinig ko tsaka binaling ko ang tingin kay Mama na hindi pa rin makatingin sa’kin. Unti unti kong nararamdaman ang pag badya ng luha ko.

Si Mama ang first love ni Damon?

“So, si Mama ang tinutukoy mong babaeng naging dahilan kung bakit ka umalis sa grupo ni Manuel dahil nakikita mo ang sarili mo sa kanya na bumuo ng pamilya?” Tanong ko kay Damon pero hindi lang siya sumagot kaya mas lalo kong naramdaman yung sakit. Totoo nga.

“Ganun na nga.” Si Manuel ang sumagot mula sa likod ko. Naramdaman ko ang pag akbay sa’kin ni Manuel. “Alam mo ba na ang plano talaga ni Damon ay paghigantihan ang mga magulang mo, sa pamamagitan mo. Ginagamit ka lang niya para masaktan ang mga magulang mo, ilalayo ka niya sakanila tsaka ka papatayin.” Bulong nito sa’kin kaya tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Kaya ba niya ‘ko sinulatan na magtanan na kami dahil sa plano niya? Gustuhin ko mang isipin na baka imbento lang ‘to ni Manuel hindi ko magawa dahil paano siya nagkaroon ng idea na ilalayo ako kung inimbento niya lang yun? Eh wala namang nakakaalam ng kagustuhan ni Damon na mag tanan kami kundi kaming dalawa lang. Imposible ring madinig niya yun dahil hindi pa namin napag uusapan yun.

“Hindi

totoo yun baby, wag kang makinig sa kanya.”

“Yun ang plano mong hayop ka?!!” Galit na tanong ni Papa kay Damon. Lumapit siya dito, hinawakan sa kwelyo para pilit na tumayo.

“Yun talaga ang plano niya Albert, gusto kasi niyang maramdaman n’yong masaktan tulad kung paano n’yo siya sinaktan ni Bernadette. Si Amber nga lang ang gagamitin niya.” Manuel said.

“Tumahimik ka!” Damon shouted. Tumingin siya sa’kin. “Amber maniwala ka, mahal kita at Oo siguro nga minahal ko din noon si Bernadette pero maniwala ka ikaw na yung mahal ko.”

“Tsk. Tsk. Pagkatapos mong mahalin at isipin na bumuo ng pamilya kay Bernadette, ngayon dun ka naman sa anak niya? Ang sama mo naman Damon.” Manuel said.

“Manahimik ka! Papatayin kita! Ipinapangako kong papatayin kita!!” Damon warned at Manuel. Pilit na tinangal ni Damon ang pagkakakwelyo sa kanya ni Papa at aakma sanang mag lakad papalapit sa’min pero tinutukan siya ng baril sa ulo nung tauhan ni Manuel.

“Baby, naniniwala ka namin sa’kin diba?” Tanong niya sa’kin kita sa mga mata niya ang pangangamba sa kanina ko pang pananahimik.

“Hindi!” Sagot ko sa kanya, sabay harap kay Manuel at sinasaksak ito ng silver knife na ikinagulat niya. “Salamat at pinaalam mo ang tungkol sa kagaguhang plano ng boyfriend ko sa pamilya ko at sa’kin pero hindi mababago nun ang kagustuhan kong mamatay ka!”

Hinila ko yung nakatarak na silver knife sa kanya at itinapat ‘to sa puso niya nang plano ko nang itarak ‘to sa puso niya nahawakan niya yung kamay ko para pigilan ‘to.

Nakarinig ako ng mga kalabog ng mga tila bumagsak, nabaling dun sandali ang atensyon ko at nakita kong napag bagsak na nila Papa yung mga bampirang tinututukan sila kanina ng baril.

Bigla kong naramdaman ang pag pilipit ni Manuel sa kamay ko kaya di ko maiwasang mapasigaw sa sakit. Pag baling ko ng tingin sa kanya nakatutok na sa ulo ko yung baril at pinutok niya ‘to.

Sigaw nalang ng mga kasama ko ang huli kong narinig.

Hu! Bigat nito Bes! Haha.

Keep voting babies. ☆

=================

Thirty

I slowly open my eyes and first kong nakita ay ang ceiling. Nakarinig ako ng nag hu’hummed na babae, ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at isang hindi pamilyar na babae ang nakita ko habang nakaharap sa salamin at nag lalagay ng make-up sa mukha nito.

Dahan dahan akong umupo sa pagkakahiga ko na dahilan para maibaling niya yung tingin niya sa’kin at mahinto niya ang pag m’make up. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at dali daling lumapit sa’kin.

“You’re awake.” Gulat na may halong saya niyang sabi. “Oh gosh!!” She hugs me, tightly.

I tapped her back, awkwardly. “Uh… sorry kung itatanong ko ‘to pero, sino ka ba?”

Bumitaw siya sa pagyakap sa’kin at tinignan ako ng gulat na gulat. “Ako ‘to si Majah, best friend mo.”

“Best friend kita? Bakit hindi kita maalala?”

“Amber, hindi magandang biro yan!”

“Sino naman si Amber?”

“Ikaw si Amber!” Ako si Amber? Shit! Teka, ngayon ko lang naisip bakit di ko maalala pangalan ko? “Sandali, may tatawagin lang ako.” That Majah daw said again. Nag simula siyang mag lakad palabas ng kwarto.

Pag labas niya ng kwarto, inilibot ko ang tingin sa paligid. May nakita akong bintana kaya bumangon ako ng kama at nag lakad papunta sa dun. Hinawi ko ang kurtina at di maiwasang mapataas kilay dahil puro at halaman ang nakikita ko. Wala manlang mga bahay o kapit bahay akong nakikita.

Nasaan ba ‘ko?

“Amber..” Tawag sa’kin ng isang babae. Nilingon ko siya at hindi nalang si Majah ang tao may kasama na siyang isa pang babae at dalawang lalake, lahat sila mukhang magkakasingtanda

lang at… i don’t know mukhang nagaalala?

“Hi, Majah said na gising ka na. Naalala mo ba ‘ko?” Tanong sa’kin nung babaeng tumawag sa’kin kanina.

Pinilit kong alalahanin siya but damn! walang pumapasok sa utak ko. “Sorry, hindi. Lahat kayo actually hindi ‘ko maalala.”

Tumulo ang luha nung babae kaya di ko maiwasang ma’guilty dahil hindi ko siya maalala. “Sorry, hindi ko sinasadyang hindi ko kayo kilala.” I apologized.

“No, it’s okay sweetheart. I understand.”

“Anong tinawag mo sa’kin?” Pagtataka ko. Bakit niya ‘ko tinawag na sweetheart? Weird.

“Uh… k’kasi-“

“Sweetheart ang tawag sa’yo ng… Ate mo.” Sagot nung isang lalakeng katabi nung babaeng umiiyak. “Ako si Albert asawa niya.”

Ate? Ate ko siya? Kaya pala siya umiyak nung sinabi kong hindi ko siya maalala.

“Sorry, hindi ko talaga maalala.” Paghingi ko ulit ng tawad dun sa Ate ko daw.

“Ayos lang.” She reassured. Nag lakad siya papalapit sa’kin at hinawakan ako sa mga kamay. “Masaya akong gising ka na, nag alala kami sa’yo.” Bigla niya ‘kong niyakap.

“Ano bang nangyari sa’kin? Bakit hindi ko kayo maalala?” Tanong ko.

“Isa lang ibig sabihin niyan, may amnesia ka siguro epekto yan nung… naaksidente ka sa pagmamaneho.” Albert said. What the hell? Ako may amnesia? Kung sabagay, yun lang naman ang magiging pwedeng dahilan kung bakit hindi ko sila maalala.

Bumitaw ang Ate ko sa pagkakayakap sa’kin at tumingin sa asawa niya sandali tsaka binaling ulit sa’kin ang tingin. “Kung may gusto kang itanong, itanong mo lang sa’kin at sasagutin ko lahat.”

“Anong

pangalan mo? Nasaan yung magulang natin?”

“Bernadette ang pangalan ko at yung mga magulang-”

“Patay na magulang n’yo.” Si Albert ang tumapos sa sasabihin ni Ate.

Tumingin ako kay Ate para ihingi yung confirmation sa sinabi ng asawa niya. She just biting her lower lip and slowly nodded her head.

“I see.” Ulila na pala kami, mukhang affected pa siya sa pagkawala ng magulang namin dahil kita sa kanyang nasasaktan pa siya. Ganyan din kaya ako noong wala pa ‘kong amnesia?

Nakakainis!! Sobrang nakakainis ‘tong sitwasyon ko ngayon, wala akong maalala na kahit na ano. Ni kahit nga yung aksidenteng nangyaring sinabi ni Albert hindi ko maalala eh.

Humawak ako sa ulo ko at sinubukang umalala ng kahit kunting pwedeng maalala, pero kahit isa talaga.. wala. Shit!

“Mabuti pa, iiwan ka muna namin dito sa kwarto mo. Lumabas ka lang kung may kailangan ka.” Albert said habang nag lalakad papalapit sa’min. Hinawakan niya sa kamay si Bernadette atsaka nila sinimulang maglakad palabas ng kwarto.

Tumingin ako sa direksyon nila Majah at dun sa lalakeng hindi ko pa din kilala. “Bago kayo lumabas, anong pangalan mo?” Tanong ko dun sa lalake.

“Ako si Mario, kaibigan mo.”

“I see.” Hindi ko alam pero parang may kulang, hindi ko nga lang alam kung ano ang kulang na yun.

Urgh! Nakakainis ‘tong amnesia na ‘to.

“Amber, ayos lang yan.. makakaalala ka din. Maaalala mo din ang mga kapilyahan natin.” Majah said sensing my thought. I just smile at her.

Sinimulan

na nilang mag lakad palabas at sinarado nila yung pinto. Pagkaalis nilang lahat naglakad ako papalapit ng kama at ibinagsak yung katawan ko dito.

Wala akong ibang maisip kundi itong kundisyon ko at kung gaano ‘to nakakainis. Sa sobrang inis ko ang sarap iuntog ng ulo ko. Magandang idea yun baka sakaling may maalala ako, kaya lang paniguradong bukol abot ko dun.

Haaaay!!

Bumangon nalang ulit ako ng kama at sinimulang mag lakad palabas ng kwarto. Ayokong mag isip masyado, sumasakit ang ulo ko.

Bumaba ako mula sa hagdan at pinag patuloy ang paglalakad hanggang sa dinala ako ng paa ko sa sala kung saan nandun silang lahat na mukhang may seryosong pinag uusapan. Medyo malayo ako sakanila kaya di ko masyadong marinig ang pinaguusapan nila. Nag focus ako sandali para pakingan pa sila and surprisingly narinig ko sila..

“Tama ba ‘tong gagawin natin?” Boses yun ni Ate.

“Para din ‘to sakanya, honey.” Boses yun ni Albert.

Tungkol saan yung pinaguusapan nila?

“Uh… guys..” Tawag ko sakanila kaya nabaling lahat ang tingin nila sa’kin. “Anong pinaguusapan n’yo?” Tanong ko habang nag lalakad papalapit sakanila.

“Wala lang yun. May kailangan ka ba?” Albert said. Okay, ayaw nilang sabihin sa’kin kaya di ko na ipipilit itanong.

“I’m thirsty… really, really thirsty.”

“Thirsty??” Sabay na tanong nung mag asawa, para silang nagulat na ewan. May kagulat gulat ba sa pagkauhaw ko?

“Uh… gusto mo ng tubig?” Majah asked.

“Oo.” Sagot ko habang tumatango at nagtataka sa reaksyon nung mag asawa.

Lumapit sa’kin si Majah at hinawakan ako sa kamay tsaka hinila sa paglalakad hanggang sa makarating kaming kusina. Kumuha siya ng pitsel sa ref. at nag salin ng tubig sa baso tsaka niya ‘to inabot sa’kin.

“Salamat.” I said.

She smiled. “Welcome.”

“Tungkol ba saan yung pinaguusapan niyo kanina?” Tanong ko sakanya habang umiinum ng tubig. Kung si Albert mukhang walang planong sabihin, baka itong si Majah magsasabi. Tutal sabi niya mag best friend kami, baka wala kaming lihiman noon.

“Tungkol lang yun sa pagaalalaga sa’yo dahil nga may amnesia ka.”

“Pagaalaga? Nawalan lang ako ng memorya hindi ako naging bata.”

She chuckled. “Mali ata ako ng word na ginamit, pagaalalay ang ibig kong sabihin.”

“I see…” Kailangan ko nga talaga ng alalay na yun. Madami akong gustong itanong kaya lang wag na muna siguro ngayon.

“Ayos ka lang?” Majah asked.

“Hindi, gusto kong makilala ang sarili ko.” I frankly said.

“You are Amber Tuazon, 21 years old, you loved to read.. you actually can spend your day just to read. You are sucks at dancing so don’t ever try to dance. You’re very protective, caring, sensitive, strong and hard headed.”

I looked at her in shocked. Like seriously? Wow! Kilalang kilala pala talaga niya ‘ko. Feeling ko tuloy kilala ko na agad ang sarili ko dahil sa sinabi niya. Best friend ko nga siya.

“Wow! You know me well.” I sounded surprised.

She shrugged, grinning proudly. I grinned back at her, chucking a little.

Para sa mga maghahanap o mag tatanong kung anong nangyari dun sa pakikipag laban nila kay Manuel, malalaman n’yo po yun sa mga susunod na chapters.

Salamat sa pagbabasa, vampies. Hihi.

=================

Thirty One

Week After…

I’m at the terrace, ineenjoy ang view ng mga puno, sarap ng simoy ng hangin at huni ng mga ibon. Dito ako lagi tumatamabay ang presko kasi dito. It’s been a week since magising ako mula daw sa mahabang pag tulog mga two weeks din daw yun after the accident. Kaya daw sobrang nag aalala sila sa’kin dahil ang tagal bago ako nagising.

Isang linggo na din pero ni hindi manlang ako nakakaalis sa bakuran ng bahay na ‘to. Ayaw nila ‘kong palabasin dahil daw kagigising ko nga lang daw mula sa two weeks na pagka comatose kaya pinag bigyan ko nalang din.

Pero sa totoo lang gusto kong gumala! Naiingit kasi ako kay Maj at Mario na laging umaalis para mamile ng mga kailangan dito sa bahay o kaya mag di-date.

Kaya pala nag mi-make up noon si Majah sa kwarto ko noong nagising ako mula sa comatose ay dapat mag di-date sila. Kwinento niya daw sa’kin yun habang natutulog ako, nag biro pa nga siya na baka na excite akong pag tripan siya dahil makikipag date na siya kay Mario kaya bigla akong gumising.

Nung tinanong ko naman siya kung bakit ko naman siya pag ti’tripan dahil lang mag di-date sila kasi nga wala akong idea sa friendship namin nun kaya din natanong. Ang sagot naman niya ay pakipot daw kasi siya noon kay Mario.

“Sweetheart..” I heard Ate called. Nilingon ko siya. Ewan ko ba pero hindi pa din ako sanay na tawagin niya ‘kong sweetheart. Ang lakas kasi maka bata eh. Hindi lang yung tawag niya sa’kin ang ang lakas maka bata, pati yung pagaalaga at pag aasikaso niya sa’kin. “Parang ang lalim ng iniisip mo ah.” She comments.

“Nag mumuni muni lang.” Pabiro kong sagot. Tumabi siya sa’kin at ipinikit ang mga

mata tsaka tila nilasap ang masarap na hangin habang nakangiti kaya di ko maiwasang mapangiti. Ewan ko pero gusto kong nakikita siyang nakangiti, siguro din dahil same kami ng smile.

“Pwede ba ‘ko magtanong?” I asked.

“Oo naman.”

“Pwede na ba ‘ko gumala? I mean, sigurado ako sa katawan ko na ayos na ‘ko kaya baka pwede naman akong lumabas ng bakuran at makakita ng ibang tao maliban sa’tin.”

“O’oo, pwede naman na. Saan mo ba gustong pumunta? Sasamahan kita.”

“Hindi na baka kasi mas gusto lang ng asawa mo na ikulong ka dito eh, baka mag away pa kayo. Si Majah nalang ang isasama ko.”

She smiled, amusingly. “Ako lang ba nakakapansin o parang di ka boto sa asawa ko?”

“Hindi sa hindi ako boto sa kanya, mag asawa na kayo ano pang magagawa ko? Napaka istrikto niya lang kasi na akala mo anak niya lahat ng nandito.”

Sa totoo lang hindi ko siya feel. I mean, yung pagiging istrikto niya ang di ko gusto sa kanya pero boto naman ako sa kanya para kay Ate kasi mukha namang mahal nila ang isat isa. Hindi ko nga lang siya pinapansin masyado, nag tatanguan lang kami pag nagkikita sa sala after nun wala na.

She laughed. “Ganun lang talaga si Albert, yun nga ang isa sa mga minahal ko sa kanya eh. Ang hot kaya niya tignan kapag nagiging istrikto siya.”

I giggled. “Hindi ka masyadong obvious na in love na in love ka sa kanya. Mag tira ka pa din para sa sarili mo.”

“Binibigyan mo ba ‘ko ng advice?” Natatawa niyang tanong.

“Oo syempre kapatid mo ‘ko. Kapag sinaktan ka niya sabihin mo sa’kin, gugulpihin ko siya para sa’yo.”

Mas lalong lumakas ang tawa

niya. “Wag kang magalala, hinding hindi niya ‘ko sasaktan patay na patay sa’kin yun nu.”

Di ko maiwasang matawa sa sinabi niya. “Kung ganun bakit hindi pa kayo mag baby? Kung patay na patay naman pala kayo sa isat isa. Bigyan mo na ‘ko ng pretty na pamangkin.”

Unti unting nawala ang tawa niya at biglang sumeryoso. May nasabi ba ‘kong masama?

“Darating din kami dun, soon.”

“Okay.” Ayoko nang mag follow up question kasi baka may nasabi akong masama nang di ko alam kaya shut up nalang ako.

Siguro ayaw pa niyang mag ka’baby.

Natahimik na kaming dalawa at sabay na pinag masdan ang view ng mga puno.

“Pwede ba ulit ako mag tanong?” I asked again para mabasag na ulit ang katahimikan sa’min.

“Oo, sige. Ano yun?”

“Hindi ba ‘ko nag aaral?”

“Gusto mong mag aral?”

“Sana, ayoko kasing nadito lang sa bahay.”

“I’ll tell Albert, pero di ko ipa’promise sa’yo na baka pumayag siya.” Bakit laging kailangan ng kunsulta niya?

“Kung tungkol sa financial ang iniisip niya, ako nang bahala dun. Mag wo’working student nalang ako para tustusan ang pag aaral ko.”

“Hindi tungkol sa financial yun sweetheart. Nagalala lang kami para sa kalagayan mo ngayong may amnesia ka.”

“Nakalimot lang naman ako hindi naging bata, tsaka kaya ko na sarili ko.”

She tapped my shoulder. “Sige, kakausapin ko siya.” Pagkasabi niya nun nag simula na siyang mag lakad palayo na tila malungkot… ewan ko kung tama ba ‘ko ng pagkakaintindi sa nakitang reaksyon sa mga mata niya. Pero saan naman siya malukungkot?

Ibinaling ko nalang ulit ang tingin sa labas at di ko maiwasang magtaka

at mabigla nang may makita akong isang hindi pamilyar na lalake at kung tama ako ng hinala, nakakatitig siya sa’kin.

“Amber..” Majah called kaya nabaling ko sandali sa kanya ang tingin ko pero binalik ko din naman agad dun sa lalake na ngayon ay.. nag sisimula nang mag lalakad papunta sa pinto sa baba.

“Ayos ka lang?” Majah asked, narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa’kin.

“Oo.” Sagot ko tsaka nag simulang maglakad pababa. May bisita, himala. Makakakita ako ng ibang tao.

“Amber, saan ka pupunta?” Majah asked. Hindi ko pinansin yung sinabi niya at nagpatuloy lang ako sa pagbaba habang nakasunod lang siya sa’kin.

Pagbaba namin, saktong narinig ko ang katok mula sa labas. Nag patuloy ako sa paglalakad para pag buksan yung kumatok pero bigla akong hinawakan ni Majah sa braso ko para pigilan.

“Teka, anong gagawin mo?” Tanong niya.

“Pag bubuksan yung kumakatok.”

“Hindi! Wala tayong inaasahang bisita, hayaan mo na sila Albert dyan.”

“Bakit pa natin sila hihintayin eh tayo na yung nandito.” Hinila ko yung braso kong hawak niya tsaka sinimulan ulit mag lakad pero napahinto din naman agad ako nang biglang sumulpot si Albert sa harap. What the… paano niya nagawa yun?

“Paano mong-“

“Majah ipasok mo siya sa kwarto niya.” Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

“Opo.” Maj grabbed my arm kaya nakita ko din sila Ate at Mario kailan pa sila nandyan?

Nag pumiglas ako sa pagkakahawak ni Majah sa’kin. “Teka dito lang ako, bakit parang ayaw n’yo ‘kong ipakita dun sa bisita?”

“Hindi siya bisita.” Albert said tsaka nag labas ng kutsilyo. What the fuck?

Anong gagawin niya sa kutsilyong yun?

“Albert, tinatakot mo si Amber.” Ate scolded her husband.

“Para saan pa at itatago natin ‘to sa kanya, malalaman na rin naman niya.”

What the hell are they talking about?

“Tinatakot mo pa din siya!”

“Ang tagal n’yo naman akong pag buksan, sa terrace na tuloy ako dumaan.” Dinig naming boses ng unfamiliar na boses. Tumingin kami sa direskyon kung saan namin narinig yun at yung lalake kanina ang nakita ko na naglalakad pababa ng hagdan.

Paano siya nakapasok? Wait, kasasabi niya lang na sa terrace daw. Paano naman siya dun nakapasok?

“Long time no see, baby.” He said directly at… me?

“Anong tinawag mo sa’kin?” Pagtataka ko.

He showed me his smirk. “Baby.” Pag uulit niya. “Don’t you miss me?” Yabang nito ah! Sayang gwapo pa naman siya.

“I don’t even know who you are, kaya paano kitang mamimiss?” Pagtataray ko. Halata sa mukha niya ang pagkabigla sa sinabi ko.

“You’re kidding, right?”

“No!” Sagot ko.

Plano niya sanang maglakad papalapit sa’kin pero biglang nag sisulputan sa isang kisapmata sila Ate and Albert sa harap ko. Shocks! Paano ba nila nagagawa yun??? Magician ba sila?

“Umalis ka na! Hindi ka na niya kilala.” Pagtataboy ni Albert.

“Kalokohan!”

“Hindi mo ba nakikita sa mga mata niya? Hindi ka na niya kilala, hindi ka niya naalala tulad kung paanong hindi niya kami maalala.” Ate said.

Tumingin ulit sa’kin yung lalake na tila na co’convince na sa sinasabi nila, kita sa mga mata ng lalake ang pagaalala at lungkot.

“Totoo ba yun baby?”

“Uh.. Oo, totoo yun.” Sagot ko.

“Ngayon alam mo na, umalis ka na bago pa kita patayin!” Albert warned.

“Tama! Patayin mo na ‘ko dahil yun lang ang paraan para maialis mo ‘ko dito. Hindi ko hahayaang ilayo n’yo pa sa’kin si Amber ulit. Pero bago mo ‘ko patayin, alamin mo na kung paano ko kayo nahanap.” That i don’t guy said.

“Paano mo nga ba kami nahanap?” Albert asked again.

“Nahanap kayo ng tauhan ni Manuel. Naisip kong bumuntot ng palihim sa kanila dahil alam kong hahanapin niya kayo at nagawa nga nila.”

“Bwiset!!” Albert groans, angrily.

“Kung ganun aalis na tayo dito sa lalong madaling panahon.” Ate said.

“Pwede bang ipaalam n’yo kung anong nangyayari?” Inis kong tanong sa lahat. Nakakabaliw na ‘tong wala akong idea sa mga pinaguusapan nila. “Ate, sino ba siya? Sino Manuel? At bakit tayo aalis dito?” Pambihira! Gusto ko pa naman ang lugar na ‘to.

“I’m Damon, your boyfriend.” That i don’t know guy answer.

I blink at him shockingly. Boyfriend ko siya? That handsome guy ay boyfriend ko?

Humarap sa’kin si Ate. “Ipaliliwanag ko sa’yo lahat, Sweetheart.” Hinawakan ako sa kamay ni Ate at hinila sa paglalakad paakyat ng hagdan. Dinaanan lang namin si Damon na nag c’claim na boyfriend ko daw siya.

Pero bigla niyang hinawakan ang isa kong kamay kaya napahinto ako sa paglalakad, ganun din si Ate. “Ano mang sabihin niya sa’yo sana maniwala kang mahal kita.” Seryoso niyang sabi tsaka hinalikan ang kamay ko then binitawan din naman agad kaya naipagpatuloy ni Ate ang paghila sa’kin paakayat.

Keep voting, vampies. ☆

=================

Thirty Two

Nakarating kami sa kwarto ko at pinaupo niya lang ako sa kama habang siya nakatayo na tila kinakabahan sa mga sasabihin niya sa’kin.

“Pwede mo na bang simulan?” Tanong ko.

“Bago yun, may mga ipapakita muna ako sa’yo.” Ano naman yun?

Bigla na naman niyang ginamit yung magic niya at biglang nawala sa harap ko tapos bigla ding nag pakita. Ngayon, may bitbit na siyang… toothbrush.

“Para manilawa ka, ipapakita ko muna sa’yo.” She said.

Tinangal niya yung brush dun sa toothbrush sa pamamagitan ng pag bali dito gamit lang ang kamay niya. Naglakad siya nang mas malapit pa sa’kin.

She slowly bends down and kisses my forehead. “I love you, Sweetheart.” Pagkasabi niya nun bigla niya kong sinaksak nung putol na toothbrush. Hinugot din naman agad niya ‘to at umatras nang dalawang hakbang.

Napahawak ako sa parteng sinaksak niya. “B’bakit mo ginawa yun? Papatayin mo ba ‘ko?” Gulat kong tanong. Urgh! Ang sakit nun!

“Hindi ko magagawang patayin ang anak ko.”

“Ano?!” Pagtataka ko.

“Sweetheart, hindi pa tuluyang patay ang mga magulang mo. Ako ang Mama mo at si Albert ang Papa mo. Kung nagtataka kung bakit kasing tanda mo lang kaming tignan yun ay dahil lahat tayo ay bampira at para mapatunayan sa’yo yun tignan mo yung parteng sinaksak ko.”

Just like what she said.. tumayo ako para tignan yung parteng sinaksak niya. Itinaas ko yung damit ko at ni wala kahit galos wala manlang akong nakita. Shit! Totoo ba ‘to?

“Gusto mo pa ng patunay?”

Hiniwa niya yung wrist niya at pinakita sakin ‘to. Kitang kita mismo ng mga mata ko kung paanong mabilis lang na nag hilom ang sugat niya tsaka ipinakita ang pangil ng isang bampira at pula nitong mga nakakatakot na mata.

Shokcs! Totoo nga!

So, siya ang Nanay ko at si Albert ang Tatay ko? Kaya ba, Sweetheart ang tawag niya sa’kin? Kaya ba ang istrikto ni Albert sa’kin?

“Bakit hindi n’yo sinabi sa’kin? Ang dami n’yo nang chance na sabihin sa’kin, bakit ngayon lang nang magpakita yung Damon na yun at sinasabing boyfriend ko siya? Plano n’yo nga bang sabihin sa’kin o hindi? Dahil sa sinabi ni Damon na hindi na siya papayag na ilayo n’yo ko sa kanya parang ang dating sa’kin masaya pa kayong may amnesia ako dahil tutol kayo sa’min at nailalayo n’yo ko sa kanya.”

“Dahil may amnesia ka, ayaw naming gulatin ka na ang mga magulang mo ay kasing tanda mo lang tignan. Nagising ka na lahat kami ay di mo kilala, hindi namin kayang sabihin sa’yo kung ano tayo dahil baka matakot ka. Maniwala ka, hindi namin gustong ilihim yun at siguro nga may parteng mas okay samin na hindi mo siya naaalala.”

“Bakit?”

“Dahil ayokong masaktan ka ulit, ayokong makita ka ulit na masaktan sa nakaraan namin ni Damon.”

“Woe- what? May nakaraan kayo ng boyfriend ko?!”

“Gusto ko lang iklaro, hindi naging kami ni Damon, never naging kami ni Damon. Ang Papa mo lang ang minahal ko. Oo, pinakita at pinaramdam niya sa’kin noon ang nararamdaman niya pero hanggang pakikipag kaibigan lang ang

kaya kong ibigay sa kanya. Para sa’kin best friend lang siya ng lalakeng mahal ko.”

Minahal nung boyfriend ko daw ang Nanay ko? What the hell? Mukhang maliban sa bampira ang pamilya ko, magulo din pala. Tsaka paanong nagawa ng Damon na yun na mahalin kaming mag ina? Wow! I wonder kung anong naramdaman nung isang Amber nung malaman niya ‘to kasi sa totoo lang ako… gulat lang ang nararamdaman ko. Kasi wala naman akong maalala tungkol sa boyfriend ko daw na yun kaya anong mararamdaman ko?

Tingin ko nga nagustuhan ko lang siya dahil gwapo siya.

“Sweetheart, please say something.”

“I don’t know what to say, wala naman akong maalala kaya hindi ko alam ang mararamdaman. Yung mga magulang ko mga bampira pala, yung Nanay ko minahal nung boyfriend ko, tapos bampira ako na may magic na kayang mag hilom ng mabilis, siguro pati kumilos ng mabilis, nagiging pula ang mata at may pangil. So, ano ba dapat maramdaman ko dun?”

Nag lakad siya papalapit sa’kin at umupo ng kama tsaka napa buntong hinga. “Hindi ka ba natakot sa nalaman mo?”

“Mas nauna ang gulat kesa sa takot.” Umupo nalang din ako ng kama at tinabihan siya. Pareho lang kaming nakatingin sa kawalan at pareho kaming natahimik. Nakakawindang pa din ‘tong ikinuwento niya. Mga bampira? Kalokohan kung iisipin pero totoo nga pala sila at isa ako sa kanila. Tumingin ako sa nagpakilala sa’king kapatid ko noong magising ako sa mula sa amnesia na ‘to. I wonder kung paano niya na i-handle ang tawagin ko lang siyang Ate at kay Albert naman ay… Albert lang. Siguradong

mahirap yun.

“Kaya ka siguro natawa kanina nung binigyan kita ng advice kasi di ka siguro sanay na binibigyan ka nang advice ng anak mo.”

She chuckled, weakly. “Tama ka.”

“Sorry kung hindi ko maalalang kayo ang mga magulang ko.” I sincerely apologized.

“Hindi mo kasalanan, kasalanan ‘to lahat ni Manuel. Binaril ka niya sa ulo na naging dahilan para magka amnesia ka.”

Teka Akala ko ba dahil sa aksidente? Siguro yun lang sinabi nila para di creepy pakinggan.

“Sino ba si Manuel? Bakit niya ginawa sa’kin yun?”

“Isa siyang bampira na ang gusto ay dugo mo at ni Mario. Ililigtas na’tin yung mga magulang ni Majah nun, pero nakorner niya tayong lahat. Nung nabigyan ka ng pagkakataon na saksakin siya ginawa mo yun, pero ang kapalit ikaw ang napuruhan.”

“Inililigtas natin yung magulang ni Maj? Eh nasaan na sila? Nagawa nyo ba yun?”

“Oo, ligtas sila. Sa ngayon, nasa malayong lugar na sila. Hindi sumama si Majah sa kanila dahil hindi pa ganun kasanay si Majah sa pagiging bampira niya. Natatakot siyang baka masaktan niya yung mga magulang niya at ayaw na din niya ‘tong madamay sa gulo mula sa mga bampira kaya naisip din niya na sumama muna sa’tin.”

“Ibig sabihin, bago palang na naging bampira si Maj?”

“Ganun na nga.” Ang dami ko pa nga talagang hindi alam- i mean, maalala pala.

Bigla siyang tumayo na ipinagtaka ko. “Nag aaway na naman silang dalawa.” She frustratingly said.

“Sino?” Pagtataka ko.

Hindi niya sinagot yung tawag ko at sa isang iglap lang nawala siya dahil ginamit na naman niya yung bilis niya. Dapat siguro sanayin ko nang bigla bigla nalang silang nawawala.

Lumabas nalang ako ng kwarto ko para alamin kung sino yung sinasabi ni Ate- i mean Mama pala na nag aaway daw.

Pag dating ko sa sala si Damon ang Tatay ko ang nakikita kong inaawat nila. Si Majah, ang umaawat kay Damon. Si Mario naman sa Tatay ko. Si Mama naman nasa pagitan lang nila.

“Hindi ko hahayaan ilayo sa’kin si Amber ulit. Sana noong sinubukan nyo ‘kong patayin nung nabigyan kayo nang pagkakataon ginawa nyo na. Dahil ngayon pag patay lang talaga sa’kin ang makakapag hiwalay sa akin mula sa kanya.” Damon said.

“Tama ka! Nabigyan na ‘ko nang pagkakataon na patayin ka pero di ko ginawa dahil inaalala ko si Amber. Inaalala ko kung anong mararamdaman niya kapag tinuluyan kita! Dahil alam ko kahit nasaktan mo siya, malulungkot parin siya kapag nalaman niyang patay ka na. Pero ngayon, nagsisisi na ‘kong hinayaan kitang mabuhay.”

“Talaga bang lagi nalang kayong mag sasabong tuwing magkasama kayo?!” Pasigaw na inis na sabi ni Mama. Huminga si Mama ng malalim tsaka ibinaling sandali ang tingin sa’kin.

“Hayaan nyong si Amber ang mag desisyon kung isasama ka namin o hindi.” Sabi ni Mama kay Damon. Tumingin silang lahat sa direksyon ko na parang nag hihintay ng sagot.

Uh… ano bang sasabihin ko?

“Sweetheart, isasama ba natin sa pagtakas si Damon?” Tanong ni Mama sa’kin.

“Uh… ayoko.” I shake my head.

“What? Pero, baby-“

“Wag mo ‘kong tawaging baby dahil hindi naman kita maalala.” Pagpuputol ko sa pagsasalita ni Damon. “Wag ka ng sumama, ingay lang ang dulot mo.” Masakit sa tenga ang mga sigawan nila. Kung ayaw nilang isama si Damon edi yun nalang para matahimik na.

Pilit na bumitaw si Damon mula sa pagkaka awat sa kanya ni Maj at ginamit ang bilis para makalapit sa’kin. Plano niya sana akong hawakan sa pisnge gamit ang kanang kamay niya pero hinawi ko agad yun na ikinagulat niya.

“Hindi ako yung Amber na girlfriend mo, kaya wag kang hahawak. Wala ka ding aasahan sa’kin dahil i don’t think na gugustuhin din nung dating Amber na pakisamahan ka pa after niyang malaman na minahal mo din ang Nanay niya. Baka nga pasalamatan pa niya ‘ko dahil itinaboy kita.”

“Narinig mo siya, umalis ka na!” Pagtataboy ng Tatay ko kay Damon.

“Hindi! Sinabi ko na, kamatayan lang ang magiging paraan para mailayo nyo ‘ko sa kanya.” Pagmamatigas nito habang nakatitig lang malungkot niyang mga mata sa mga mata ko. “I’m really sorry-“

Itinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya sa pagsasalita. “Di ko kailangan ng sorry mo, para yan sa isang Amber at hindi sa’kin.”

“Naiinis akong ang cold mo sa’kin.”

“Mainis ka lang kung ganun dahil mukhang magiging matagal ‘to.”

Keep voting po. ☆

=================

Thirty Three

Sinimulan na namin ang pag e-empake ng mga gamit namin paalis sa bahay na ‘to. Nang hihinayang pa din ako na lilipat kami kasi maganda talaga dito.

Kung pwede lang sana dito nalang kami kaya lang kailangan daw talaga naming umalis para dun daw hindi kami mahanap nung Manuel na yun.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto na bumasag sa pagiisip ko. Sinarado ko lang yung bag ko tsaka ko pinag buksan yung kumatok. Pag open ko si Majah ang nakita ko.

“Alis na daw tayo, tapos ka na ba?” Tanong niya.

“Oo.” Sagot ko. Kinuha ko lang sa kama yung bag ko tsaka kami sabay ni Majah na naglakad pababa diretso sa labas ng bahay kung saan may naghihintay na pick up car na tingin ko ay sasakyan namin.

Lumapit sa’min si Mario at kinuha yung mga bag namin tsaka ‘to inilagay mula sa track, kung saan dun sila naka pwesto ni Damon. Yup, he’s still with us. Dahil wala namang pumapatay sa kanya kaya makakasama pa din namin siya. Ewan ko ba, hindi naman na siya welcome sa’min pero nag susumiksik pa din siya. Siguro talagang gusto niyang mahingi ang tawad nung isang Amber kaya kahit anong pagtulakan namin ayaw niya paring lumayo. Malas nga lang niya dahil, may amnesia ang Amber niya at ako ngayon ang kaharap niya.

“Sumakay na kayo.” Utos ng Tatay ko. Sumunod kami ni Maj sa utos niya, pero kung si Majah di-deretso sa back seat ako naman sa track kung saan nadun yung boys. Ngumiti pero may halong pagtataka sa reaksyon ni Damon nang dito ako pumwesto.

“Amber dun ka sa loob.” Utos ulit ni Papa.

“Gusto ko lang pong makausap si Damon, habang nasa byahe.”

“Hindi pwede!” He strictly said.

“Honey,

hayaan mo na.” Mama said. Plano sana atang mag complaint ni Papa pero tinignan lang siya ng Nanay ko na tila nag pa bahag ng buntot niya.

After nilang sumangayon, si Majah ay dito narin naki pwesto kaya apat kami dito sa likod ng track.

“Anong gusto mong pag usapan?” Tanong ni Damon nang mag simula na ang Tatay ko sa byahe namin papunta sa… hindi ko pa alam. Kung saan man yun for sure safe dun.

“Anong nagustuhan mo sa’kin?” He was about to answer pero nag salita ulit ako kaya hindi natuloy. “Alam ko na, kamukha ko kasi si Mama kaya paniguradong yun ang dahilan kung bakit mo ‘ko nagustuhan. Pareho pa kami ng ngiti, siguro isa din yun sa nagustuhan mo sa’kin. Wow! Kung sabagay, kung hindi mo nga naman nakuha yung dream girl mo edi dun ka nalang sa kamukha niya.”

Hindi lang siya sumagot kasi mukhang di rin niya nagustuhan yung sinabi ko. Pero di ko yun pinansin at nagtanong ulit.

“Anong pakiramdam na mag mahal ka ng mag ina? Ang hirap siguro nun.”

“Tama ka, mahirap nga yun. Nung una akala ko nakikita ko lang ang Nanay mo sa’yo, dahil nakikita ko yung ngiting nakikita ko sa kanya. Pero magkaiba kayo ng ugali na talaga namang nag pa challenge sa’kin. Masyado kang mataray at pakipot, matigas pa ang ulo mo napakalayo kay Bernadette.” Sagot niya.

Dalawa ng tao ang nag sabing matigas ang ulo, siya at si Majah. Siguro talagang pasaway akong anak sa magulang ko, kasi minahal ko pa ‘tong ugok na ‘to kahit na ayaw nila sa kanya para sa’kin..

“Isang tanong nalang. Hindi ka ba nandiri na after mong mahalin ang Nanay ko, ako naman na anak niya? Hindi mo ba naisip na kung sakali palang ikaw ang pinili ni Mama, ikaw ang Tatay ko ngayon.”

Alam kong napaka rude ng mga tanong ko sa kanya kaya lang kasi naiintriga talaga ako kung paano niyang nagawang mahalin kami ng Nanay ko.

Medyo matagal bago siya nakasagot sa hundred million question ko.

“Hindi. Kasi, para sa’kin ikaw ang ebidensyang hindi ako ang pinili ni Bernadette kaya kesa isipin na anak ka ng babaeng minahal ko, mas inisip kong mawala ka at mamatay. Dahil siguradong pag namatay ka makakapag higanti na ‘ko sa dalawang importanteng nilalang sa buhay ko na nanakit sa damdamin ko.” Sagot niya habang nakatingin ng blangko sa mga mata ko.

“Pinatunayan mo lang sa’kin na, mali nga talagang minahal ka nung dating Amber.”

“Siguro nga tama ka, masyado niya ‘kong pinagkatiwalaan na hindi naman dapat. Nakakainis yun sa parte ko dahil alam kong niloloko ko siya para mapatay.”

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya kasi… ewan, siguro dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi niya. Imbes na i-angat niya yung sarili niya sa’kin para mapatunayan kung totoo nga yung nararamdaman niya para sa’kin lalo lang niya pang ibinababa.

Hindi ko talaga alam kung anong nakita nung dating ako sa kanya, tama nga siguro sila Mama mas okay ‘tong nagka amnesia ako dahil hindi ko maalala ang sakit pero nadun ang inis at galit ko sa kanya lalo na sa mga sinasabi niya.

Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Majah, at bigla kong naalala yung kwinento ni Mama sa’kin kanina.

“Ang sabi ni Mama, bago ka lang sa pagiging bampira.”

“Ganun na nga, tinuluyang patayin kasi ako ni Manuel nung inililigtas natin ang mga magulang ko. Ang di niya alam pinainum nyo ko nun ng dugo ng isang bampira at pag patay sa’kin ang kukumpleto nun.”

“Kumusta na daw ang mga magulang mo?”

“Nakokontak ko pa sila at maayos na sila, malayo sa kapahamakan.”

“Hindi ba mahirap maging bampira?” Tanong ko ulit. Kasi naman malay ko sa buhay na yan kasi wala naman akong maalala sa buhay bampira ko.

She chuckled, amusingly. “Mahirap. Siguro nga nandun yung hindi ka tatanda, mananatili kang maganda, may super powers ka at mabubuhay ng matagal. Pero… kapalit naman ng lahat nang yun ay malayo ka sa pamilya mo. Yung takot na baka makapatay ka ng inusente dahil hindi mo mapigilan yung pagiging hayok mo sa dugo.” Biglang lumungkot yung mga mata niya.

“Alam mo bang may napatay na ‘kong inusente dahil hindi ko napigilan yung uhaw ko sa dugo. Sobrang… sakit sa kunsenya nun.” She added.

“Sorry, mukhang kasalanan ko ang lahat ng yan.” I apologized.

She shakes her head. “Hindi. Nagkataon lang na baliw si Manuel. Tsaka may isang dahilan kung bakit parang blessing din ‘tong pagiging bampira ko.”

“Ano yun?”

Tumingin siya sa dirkesyon ni Mario at ngumiti. Hindi man siya sumagot sa tanong ko alam kong dahil yun kay Mario, ngumiti din naman si Mario ng pabalik sa kanya. Pag-ibig nga naman oh!

Ibinaling ko sandali ang tingin ko kay Damon, nakatitig lang siya sa’kin na parang ako lang ang nilalang sa mundo.

Inirapan ko nalang siya at tumingin nalang ulit kay Majah.

“Kayo na ba?” Tanong ko.

“Uh… hindi.” Nahihiyang sagot ni Majah.

Tumingin ako kay Mario habang nakangisi. “Mario ang hina mo naman, bakit di mo pa siya tinatanong?”

“Uh…” Napakamot ng ulo si Mar na nagpatawa sa’kin. Mukhang torpe eh.

Siniko ako ni Majah dahil sa tanong ko. “Aww! Bakit?” Natatawa kong tanong.

“Tumigil ka nga.”

“Sus! Nag di-date na kayo ngayon pa kayo nahiya.” Biro ko.

“Ha.Ha! Very funny, Tuazon!” Maj said sarcastically, making me laughed again.

Huminto si Papa mula sa pagmamaneho kaya nahinto ako sa pagtawa. Bumaba sila ni Mama tsaka nag lakad papunta sa direksyon namin. “Malayo ang magiging byahe natin kaya mabuti pa mamimile muna kami ng kakainin para habang nasa byahe may kinakain tayo.” Mama said.

“Malayo? Bakit saan po ba tayo lilipat?”

“Sa kaibigan ng Mama mo.” Sagot ni Papa.

Keep voting babies. ☆

=================

Thirty Four

Nakaramdam ako ng paghaplos sa buhok ko, na dahilan para magising ako. Pagmulat ng mga mata ko laking gulat ko ng makita ko si Damon. Nilagay niya yung hintuturo niya sa labi niya na nagsasabing wag akong maingay. Kahit di niya kailangan gawin yun di talaga ako magiingay.

Umupo ako mula sa pag kakahiga at tinignan ko siya ng anong-ginagawa-mo-dito look. He just smirks down at me. He suddenly presses his lips to mine that took me by surprise. Oh shit! We’re on my bed and he’s kissing me. Are you kidding me?

Sinubukan kong pahintuin siya sa pag halik pero hindi siya huminto. Until i find myself kissing him back. He slowly lays me again to my bed, and positioning himself on top of me.

He breaks the kiss and stared down at me smiling widely. Umalis siya sa ibabaw ko at nag lakad papunta sa bintana ko, and bigla siyang nawala.

Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa napanaginapan ko, no- i don’t think na panaginip yun mukhang alalala yun. Alala alala ko kay Damon. Pambihira! Sa dinami dami ng pwedeng maalala yung halikan pa namin?

Napahawak ako sa labi ko.

“Buti gising ka na, sakto nandito na tayo.” Majah said interrupting my thought. Nag simula na silang magsibabaan si Mama at Papa mula sa front seat kaya ganun din ang ginawa namin ni Maj mula dito sa backseat, dito na kasi kami pumwesto nang malaman kong malayo pala ang byahe namin.

Pagbaba ko tumingin ako sa paligid naka park ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.

Eto na siguro yung bahay ng kaibigan ni Mama.

“Damon bakit di ka pa bumababa dyan?” Tanong ni Maj

kay Damon kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Until now nasa track padin. Nang mapatingin siya sa direksyon ko di ko maiwasang mailang dahil sa naalala kong panaginip ko kaya umiwas din agad ako ng tingin.

“Dahil siguradong papatayin ako ng tao sa loob niyang bahay na yan.” Sagot ni Damon.

Bakit naman siya papatayin? Siguro may nagawa siyang kasalanan sa kaibigan ni Mama.

Nag lakad na papalapit si Mama sa pinto at nag simula itong kumatok. Nag bukas ang pinto at isang kasing edad lang namin ang lumabas, siya na ba yun? Bakit ang bata kung kaibigan siya ni Mama? So… bampira din siya?

“Sino po sila?” Tanong nung babae. Ahh.. so hindi siya, hindi niya kilala eh.

“Ako si Bernadette, nandyan ba si Lucy?”

“Ma, may nag hahanap sa’yo.” Ilang sandali lang may isang tingin ko ay nasa mid-50’s ang nagpakita pero kahit ganun na ang edad niya mukha parin siyang fit.

“Bernadette?” Laking ngiti nitong bati kay Mama. Lumapit siya kay Mama at niyakap ito.

“Kumusta ka na?” Tanong ng Mama ko habang magkayakap sila.

Unang bumitaw yung kaibigan ni Mama mula sa pagkakayakap. “Heto tumanda na, samantalang ikaw, batang bata pa din.”

“Ganun talaga pag naging bampira ka na.”

This time tumingin naman siya kay Papa. “Albert, kumusta ka na?”

“Maayos naman, nananatili paring buhay.” Sagot ni Papa.

“Anong dahilan at napabisita kayo at ang dami nyo pa.” Inilibot niya ang tingin sa’ming lahat at nang maibaling niya yung tingin niya kay Damon nawala ang ngiti nito sa labi at parang biglang galit ang nakita kong reaksyon.

“Anong ginagawa ng hayop na yan dito?” Galit nitong sabi habang nakatitig ng masama kay Damon.

“Luisa, akin na yung baril ko.” Utos niya dun sa anak niya.

“Lucy calm down, kasama namin siya. Wala siyang sasaktan na kahit na sino.” Paniniguro ni Mama sa kanya.

“Oo nga naman, makinig ka sa kaibigan mo.” Damon said.

“Kung mag salita ka parang wala kang pinatay na importanteng tao sa buhay ko.” Tama nga! May ginawa siyang kalokohan sa kaibigan ni Mama. Kaya naman pala.

“Sorry na.” Damon apologized.

“Luisa, yung baril!” Pasigaw na utos niya nung kaibigan ni Mama sa anak niya. Dali daling pumasok sa loob ng bahay ulot si Luisa at pagbalik nito may hawak na siyang baril at direkta ‘tong nakatutok kay Damon.

Hindi ko alam pero.. humarang ako para maging panangga for Damon. “Hija kung sino ka man umalis ka dyan.” Sabi nito sa’kin.

“Lucy, anak ko yang tinututukan mo ng baril kaya ibaba mo na yang baril mo.” Mama said. “At si Damon ay…” Huminga ng malalim si Mama at tila nag dadalawang isip na ituloy ang sasabihin. “..boyfriend siya ng anak ko.”

Ibinaba ni Tita Lucy yung baril at tumingin ng gulat na gulat kay Mama. “Ano? Paanong nangyari yun? Eh patay na patay sa’yo yang hayop na yan?”

Woe! Patay na patay? Ibang klase di ko akalaing magugulat pa ‘ko sa malalaman kong feelings niya dati for Mama.

“Dati yun!” Pagtatama ni Damon.

“Mahabang istorya. Pakiusap, kumalma ka muna kakampi si Damon ngayon at kailangan namin ang tulong niya ganun din ang tulong nyo ng asawa mo para mailigtas ang

anak ko at kaibigan niya.”

“Iligtas? Saan?”

“Mula kay Manuel.”

Mukhang kumalma sandali si Tita. “Ganun ba, sige pumasok kayo. Pwera lang sa hayop na yan! Hindi ko hahayaang tumungtong siya sa pamamahay ko.” Sabi niya habang nakaturo ang baril kay Damon. Tumango lang sila Mama sa kanya bilang pag sangayon sa kundisyon niya.

“Pumasok na tayo.” Sabi ni Mama sa’min maliban syempre kay Damon. Nag simula na silang maglakad lahat papasok ng bahau maliban sa’min ni Damon.

Humarap muna ‘ko sa kanya dahil plano ko siyang kausapin bago ako pumasok ng bahay.

“Ano na namang ginawa mo para magalit sa’yo yung kaibigan ni Mama?” Tanong ko.

“Pinatay ko ang boyfriend niya.”

What the… Wala na ba ‘kong magandang maririnig tungkol sa kanya? Puro nalang negative.

“Ibang klase habang tumatagal lalo lang akong na di-disappoint sa’yo.” Tumalikod na ulit ako at sinimulan nalang pumasok sa bahay.

Pag pasok ko ng bahay nasa sala silang lahat. “Luisa, ihatid mo muna sila sa pansamantalang kwarto nila, kakausapin ko lang sila Bernadette.” Utos ni Tita sa anak niya.

Tumango lang siya dito bilang pagsunod. “Sumunod kayo sa’kin.” Luisa said.

Just like what she said, sumunod kami sa kanya. Umakyat siya sa second floor kaya ganun din ang ginawa namin. Una niyang hinatid sa magiging kwarto niya si Mario, sunod naman niya kaming hinatid ni Majah sa magiging kwarto namin.

“Salamat sa pagpapatuloy nyo sa’min dito.” Pagpapasalamat ko kay Luisa.

“Walang anuman, feel at home lang. Masaya akong may makakausap na dito sa bahay na kasing edad ko. Sila Mama kasi puro

training para maging mahusay akong hunter ang nasa isip.”

“Pamilya kayo ng hunter?” Gulat na tanong ni Majah.

“Oo, bata palang ako mulat na ‘ko sa buhay ng pag patay sa bampira. Ganun ka dedicated ang mga magulang ko.”

“Ang hirap siguro nun.” I comment.

She chuckled. “Lumaki sa pamilya ng isang bampira, hindi mo ba alam ang pakiramdam nang ganun?”

“Maniwala ka man o sa hindi, hindi ko matandaan yun. May amnesia kasi ako.”

“Paano nangyari yun?”

“Binaril siya sa ulo gamit ang silver bullet ni Manuel.” Si Maj ang sumagot.

“Oh! Kaya pala. Hinahanap din nila Papa yung grupo ni Manuel para patayin.”

“Kilala mo din siya?” Tanong ko.

“Ang totoo hindi ko pa siya nakikita pero bukang bibig lagi siya nila Papa. Most wanted na bampira kasi siya para kela Papa.”

“Masamang bampira si Manuel hindi na ‘ko nagtataka kung bakit gusto siyang patayin ng Papa mo.” Maj said.

Nahinto kami sa pag chichikahan dahil nakarinig kami ng busina mula sa labas ng bahay. “Sila Papa na siguro yun.” Luisa said sabay punta sa direksyon ng bintana. Sumunod lang kami ni Maj at nakisilip sa bintana. Nakita ko ang isang matandang lalake na tinututukan ng baril si Damon habang may dalawang lalake sa likod nito.

Haay! Lahat nalang galit sa kanya.

“Mukhang hindi talaga nila gustong makita ang boyfriend mo.” Luisa said.

“Mukhang ganun na nga.” Pagsangayon ko.

Nag simula akong maglakad palabas ng kwarto at bago pa ‘ko makalabas narinig kong nag salita si Majah. “Saan ka pupunta?”

“Pupuntahan si Damon.” Pagkasabi ko nun pinagpatuloy ko na ang paglabas. Bumaba ako mula sa hagdan at nadaanan ang sala pero wala na dun ang mga magulang namin. Dumiretso ako sa labas at dun nakita ko silang lahat na nag kukumpulan.

“Bakit ba hindi kayo maniwalang hindi ako ang kalaban dito!” Inis na sabi ni Damon habang nakataas ang mga kamay nito.

Bigla siyang binaril sa binte nung matandang lalake na ikinagulat ko. Dali dali akong lumapit sa direksyon niya, dahil sa kagustuhan kong makalapit agad sa kanya di ko namalayan na nagamit ko yung kakayahan ko na mabilis ang pagkilos.

“Tama na po.” Pagpipigil ko dun sa matandang lalake bitbit ang kaba sa dibdib ko dahil ikinasa niya ulit yung baril para iputok kay Damon.

“Sandali ibaba mo muna yang baril mo Luis, pakiusap.” Pagpapahupa ni Papa ng sitwasyon habang naglalakad din papalapit sa dirkesyon namin ni Damon.

“Naintindihan kong galit kayo kay Damon pero hindi siya ang kalaban, si Manuel.” Papa explained.

“Bigyan nyo ‘ko ng magandang rason para hindi siya patayin.”

“Makakatulong siyang patayin si Manuel.” Sagot ni Papa.

“At boyfriend ko siya.” Sagot ko naman. Hindi ko alam kung makakatulong ba yung sinabi kong yun pero… malay mo.

Finally mukhang napaliwanagan yung lalake kaya nabigyan na ‘ko ng pagkakataon na lingunin si Damon at nilapitan siya. Lumuhod ako para lumevel sa kanya. “Ayos ka lang?” Tanong ko sa kanya.

“Ayos lang.” Pinilit niyang tumayo at nang muntikan siyang matumba, inalalayan ko siya. “Kung ayaw nyo ‘ko dito, aalis nalang ako. Tutal sawa na rin akong patunayan ang sarili ko sa iba! Tulad nyo!” He said to everyone.

Pinilit niyang bitawan ko ang pagkakaalalay sa kanya at sinimulan ang mag lakad palayo kahit na iika-ika siya.

Keep voting babies. ☆

=================

Thirty Five

Pinanuod ko lang si Damon na makalayo at mawala sa paningin ko. Merong tumutulak sa loob ko na parang gusto siyang sundan pero parang pinipigilan ako ng utak ko. Urgh! Nakakalito! Ang sakit sa ulo!

“Amber, pumasok na tayo na bahay.” Dinig kong sabi ni Papa.

Humarap ako sa kanya. “Susundan ko siya.” Bahala na! Itong nasa loob ko ang susundin ko.

“Ano?” Sa tono niya, hindi siya papayag. “Hindi, pwede!” I knew it.

“Pero kailangan niya ‘ko, sugatan siya.”

“Alam mo naman kung gaano kadelikado ngayon diba?”

“Hindi ko alam! Hindi. Ko. Talaga. Alam. Wala akong maalala! Hindi ko alam kung gaano ba talaga nakakatakot yang Manuel na yan! Isa lang ang alam ko, gusto kong sundan si Damon. Pumayag ka man o hindi.”

“Honey…” Dinig naming tawag sa kanya ni Mama. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya ni Papa. “Payagan mo na si Amber.”

“Pero, honey-“

“Honey, di mo parin ba nakukuha na namana niya sa’yo ang pagiging matigas ang ulo kaya kung magmamatigasan kayo ng ulo dalawa, walang mananalo. Sa kanya na nanggaling, pumayag ka man o hindi susundan niya si Damon kaya payagan mo na.”

Tumingin sa’kin si Mama at ngumiti. “Just make sure na umuwi ka dito, sweetheart. Kung hindi ngayon, bukas.”

I smiled. “Opo, Ma.”

Tumalikod na ‘ko at aakma sanang maglakad na pero nag salita si Papa. “Sandali…” I face him. May hinagis siya sa’kin, nang masalo ko ‘yun susi ang nakita ko. “Gamitin mo na ‘yung sasakyan.”

“Salamat po.” Nag madali na ‘kong sumakay ng sasakyan ni Papa at ini-start agad ito. Tumingin muna ‘ko sandali sa kanila, kita sa mata nila ang pagaalala. Ngumiti ako para i-reassured na makakauwi ako

ng safe.

Sinimulan ko ang pagmamaneho, dumaan ako sa way kung saan ko nakitang naglakad si Damon. Dahil sugatan siya paniguradong madali ko lang maaabutan ‘yun.

Pero mukhang mali ako, halos sampong minuto na ‘kong nag da-drive, hindi ko pa din siya nakikita. Then bigla kong naisip na bampira nga pala ‘yun, baka may ginamit siyang kakayahan para mabilis na makalayo. Haay!

Paano ko siya nito hahanapin?

Habang nag mamaneho bigla akong nakarinig ng kumalabog sa likod ng track, lumingon ako para makita kung ano yun wala naman akong nakita. Nang ibalik ko ang tingin sa kalsada may nakita akong taong nakatayo kaya mabilis kong kinabig yung manebela and the last thing i know, bumangga ako.

Minulat ko ang mga mata ‘ko, nakita kong sa postse ako bumangga. Bumaba ako sa kotse at tinignan yung damage, nayupi yung harapan ng sasakyan. Patay ako sa Tatay ko nito.

Tumingin ako sa paligid para hanapin yung taong dahilan kung bakit ako nabundol pero wala naman na ‘kong makitang tao.

Ilang sandali lang bigla kong naramdaman na tila may nakatayo sa likod. Dahan dahan akong humarap at isang hindi pamilyar na tao ang nakita ko.

“Hello, Amber.” He greeted, smiling evilly.

Umatras ako ng isang hakbang. “Sino ka?”

“Totoo nga, wala kang maalala. Ako si Manuel, sweetheart.”

SHIT!!

I was about to run pero bigla naman siyang sumulpot sa harap ko. “Na-uh! Kung ako sa’yo wag ka ng tumakas. Mag tiwala ka, hindi kita sasaktan.”

“Ikaw ang bumaril sa ulo, plano mo pa ‘kong patayin kaya bakit ako mag titiwala sa’yo?” Pagmamatapang ko pa din kahit na sobrang

kinakabahan na ko sa sitwasyon ko ngayon.

“Correction sweetheart, planong kainin hindi patayin. Ang totoo niyan gusto kong mag offer ng tulong.”

“Tulong? Ano naman ‘yun?”

“Alam kong gusto mo nang makaalala, matutulungan kita tungkol dyan.”

“Bakit mo naman gagawin ‘yun?”

“Dahil alam kong papatayin mo si Damon. Nakita ko yung sakit na binigay ni Damon sa’yo nung malaman mong niloko ka niya, at yung ganung sakit siguradong… makakapatay.”

“At pabor ‘yun sa’yo dahil?”

“Hindi madudumihan ang mga kamay ko para patayin ang taksil na Damon na ‘yun. At wala nang mas sasakit pa na patayin ka ng mahal mo.”

Napakasama nga pala talaga niya!

“Paano ka nakakasigurong papatayin ko nga siya kung bumalik ang memorya ko?”

“Siguro nga nakalimutan mo na, na ang bampira wagas mag mahal pero mas wagas din masaktan.”

Shit!!

“Kung ganun, salamat nalang sa offer mo! Hindi ako interesado!”

“Wait- nasabi ko na bang hindi importante kung papayag ka o hindi? Kasi gagawin ko pa din!”

Biglang may sumulpot na dalawa pang bampira sa likod na paniguradong kasamahan ng Manuel na ‘to. Habang siya naman nag labas ng kutsilyo.

“Alam mo kung ano ‘to?” Tanong niya. Tumitig lang ako sa kanya at hindi sumagot kasi naman obvious na alam niya kung ano ‘yun, itatanong pa. “Silver knife ‘to na pagmamayari ni Damon, ito yung ginamit mong pangsaksak sa’kin at ito rin ang gagamitin mo para patayin si Damon.”

Itinutok niya sa’kin yung kutsilyo. “Gusto mo bang malaman kung gaano kasakit pagtinarak ko ‘to sa’yo?”

“Walang

hiya ka!”

Tumawa siya na parang baliw. “Kahit pala nagka amnesia ka, matapang ka padin.”

Idinikit niya mula sa leeg ko yung silver knife at dahan dahan niya itong ibinaba papunta sa tagiliran ko dun ako sinaksak na talaga namang sobrang sakit. Napaluhod at napaungol sa sakit nang pagkakatarak ng kutsilyo sa’kin. Hinugot ko ‘to na lalong nag pasakit.

“Dalhin nyo na siya, siguraduhin nyong hindi siya gagalawin kung hindi papatayin ko kayo.” Banta niya dun sa dalawang bampira.

Hinawakan ako sa magkabilang braso nung dalawang bampira at pilit akong pinatayo. “Saan nyo ‘ko dadalhin?” Tanong ko.

“Malalaman mo din.” Sagot ni Manuel.

Pinilit nila ‘kong palakarin kahit napaka hirap sa part ko dahil sa sugat ko sa tagiliran, bawat hakbang nararamdaman ko ‘yung sakit. Mabuti nalang nasa di kalayuan lang ‘yung tingin ko ay sasakyan nila.

Ipinwesto nila ‘ko sa backseat, katabi ko ang isang bampira. Habang si Manuel, nasa passenger seat at yung isa pang bampira ay ang mag da-drive.

Sa pag sisimula nila ng byahe, nakahawak lang ako sa tagiliran ko. Sobrang sakit! Imbes na isipin ko kung saan ako dadalhin ng mga bampirang ‘to mas naiisip ko pa ‘tong sakit. Bigla ko tuloy naalala si Damon, sigurado akong ganito rin kasakit yung sugat niya tapos mag isa pa siya.

Sa pag hinto ng sasakyan. Pilit akong pinababa nung bampirang katabi ko. Pagbaba ko inilibot ko ang paningin ko at tingin nasa isang abandunadong Warehouse.

Sinimulan na namin ang pag pasok at may ilang bampira akong nakita. Diniretso nila ako sa isang kwarto, tingin ko ito ang storage room nitong Warehouse.

“Dito ka muna, mainit ang mata sa’yo nung mga kasama ko eh. Baka di ko sila mapigilan at bigla ka nalang nilang kainin.” Sabi ni Manuel.

“Bakit ba kailangan mo pa ‘kong dalhin dito kung ang plano mo naman talaga ay alisin ‘tong amnesia ko?”

“Dahil gusto ko lang na magalala sandali ang mga magulang mo. Wag mag alala ibabalik kita sa kanila at pag napatay mo na si Damon, tsaka ko kayo kukunin ni Mario.”

“Ibabalik? So, sa simula palang alam mo na kung nasaan kami?”

“Oo naman! Humahanap lang ako ng tyempo para sugurin ang pamilya mo.”

“Walang hiya ka talaga!” Punong puno ng galit kong sabi.

Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

May isa pang bampira na dumating at ito ay may bitbit na pakete ng dugo. Inabot niya ‘to kay Manuel at hinagis naman ‘to ni Manuel sa’kin. “Inumin mo yan.”

“Hindi pa ‘ko umiinum ng dugo mula nang magising akong may amnesia.”

“Edi, iinum ka na ngayon. Mas magiging malakas ka kung iinum ka ng dugo, mas bibilis ka ding gagaling.”

Ganun ba ang epekto ng dugo sa bampira? Akala ko pagkain lang para sa kanila ‘to. Nakapagpapalakas din pala.

Tulad ng gusto niya ininum ko na ‘yung dugo dahil pabor din naman sa’kin ‘to. For some i don’t know reason, feeling ko nga may nag bago sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ‘yun kasi hindi pa rin naman gumagaling yung sugat ko. Feeling ko lumakas ‘yung katawan ko kunte. Kung ipagpapatuloy ko ang pag inum nito baka makaalis ako dito at di na matuloy ang plano ni Manuel.

Keep voting babies. 😁

=================

Thirty Six

I don’t know kung gaano na ‘ko katagal dito sa storage room, basta ang alam ko ilang araw na. Dahil sa continues na pag inum ko ng dugo tingin ko bumabalik na ‘yung mga kakayahan na nawala sa’kin mula nang magka amnesia ako.

Nagagawa kong marinig ang pinaguusapan nila mula sa labas ng storage tulad nang kagustuhang kainin na ‘ko nung ibang kasamahan ni Manuel. Yung pagtutol ng iba niyang kasamahan sa plano niyang patakasin pa ‘ko pag katapos niyang magawang ibalik ang memorya ko. Pero dahil wala silang magawa dahil si Manuel ang namumuno sa kanila kaya hanggang ngayon buhay pa din ako.

Ang tanong hanggang kailan ako dito? Medyo magaling naman na ‘yung sugat ko, hindi na rin naman na siya makirot.

Nag bukas ang pinto ng storage room at nag pakita ang tauhan ni Manuel. “Pinapatawag ka ni Manuel.” Walang emotion niyang sabi.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dito sa sahig at nag lakad papalapit sa kanya. Hinawakan niya ‘ko ng mahigpit sa braso habang hinihila palakad papunta kay Manuel.

Sinubukan kong pumalag dahil baka pagkakataon ko nang makatakas. Nang mapabitaw ko siya sa pagkakahawak sa’kin bigla din namang nag sisulputan yung mga iba pang bampira at pinalubutan ako.

“Kung ako sa’yo wag ka ng tumakas, dahil isa pang maling galaw mo kakainin na nila ang dugo mo.” Sabi nung bampirang may hawak sa’kin kanina. Bwiset!! Mukhang kulang pa ang lakas ko para matakasan ko sila.

Hinawakan ulit ako ng mahigpit sa braso at direkta ng dinala kay Manuel na nakaupo lang habang nakapataong ang paa sa isang tingin ko ay office table at may hawak na isang basong dugo sa kamay nito.

“Handa ka na ba?” Tanong niya.

“Handa saan?”

“Ngayon na kasi ang araw na makakaalala ka at ibabalik kita sa pamilya mo.”

“Hindi ko papatayin si Damon, kahit bumalik man ‘yung alala ko.”

“Wag kang pasiguro.” Kompyansa niyang sabi.

This time dalawang bampira na ang humawak sa magkabilang braso ko. Tumayo na rin si Manuel mula dun pagkakaupo niya at may kinuha sa drawer nito na isang… baril.

“Paano maibabalik niyan ang alala ko?” Tanong ko.

“Gagawin ko lang ulit ‘yung ginawa ko sa’yo, babarilin ulit kita sa ulo. Pero wag kang magaalala, hindi ‘to silver bullet kaya mabilis kang gagaling.”

Nag simula siyang mag lakad papalapit sa’kin hanggan sa makarating siya sa tapat ko. Itinutok niya ‘yung baril sa ulo and ang tangi ko lang nagawa ay pumikit para ihanda ang sarili ko gagawin niya.

“Hanggang sa muling pagkikita, Amber.” Dinig kong sabi niya. Ang huli ko nalang narinig ay putok ng baril.

Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa familiar room ako, ito ‘yung kwarto na pinahiram ng kaibigan ni Mama para sa’min. Sa pagupo ko mula sa pagkakahiga, sobrang sakit ng ulo agad ang aking naramdaman. Sa sobrang sakit hindi ko mapigilan mapasigaw sa sakit and may mga memoryang bumabalik sa’kin, habang dumadami ang mga memoryang ‘yun, lalong sumasakit ‘yung ulo ko.

“Amber…” Dinig kong boses ni Mama. Pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ni hindi ko magawang imulat ang mata ko para tignan. “Sweetheart, anong nangyayari sa’yo?”

“Ang sakit…” Yan lang nasabi.

Sa pagkakataong ito parang hindi nalang ‘yung sakit ng ulo ko ang nararamdaman ko, pati matinding kirot sa puso ko. “Sobrang sakit!”

“Anak…” Sinubukan kong imulat ang mga mata ko para tumingin sa kanya, umiiyak siya sa sobrang pagaalala sa’kin. At yun nalang ang tangi kong nakita dahil nawalan na ‘ko ng malay.

“Baby..” tawag niya sa’kin habang nag mamaneho ako.

“What?” I asked not taking my eyes on the road.

“Alam kong hindi romantic kung tatanungin kita nito ngayon pero ang totoo hindi naman ako romantic..”

“Ano ba ‘yun?” Tanong ko this time tumingin na ‘ko sa kanya, ang dami pa kasi niyang pasakalye eh.

“Mahal mo naman ako at ganun din naman ako sa’yo. So, payag ka na bang maging tayo?”

I chuckled. “Tama ka hindi ka nga romantic, tama ba namang tanungin ako niyan habang nag mamaneho ako.” Sabi ko habang nakatingin sa kalsada.

“Pero kahit di ka romantic ayos lang, kaya OO payag na kong maging tayo.” Tumingin ako sandali sa kanya at ngumiti ng very sweet.

“YES!! WUHUU!” He yelled joyfully making me laughed. Bigla niya kong hinawakan sa magkabilang pisnge at hinalikan ako sa labi. Gustuhin ko mang bumitaw sa halik niya dahil di ko makita yung way at nag mamaneho ako ayaw naman niyang bitawan yung pisnge ko at di rin naman ako makapag salita dahil nakalapat yung labi niya sa labi ko.

Kaya ang ginawa ko ay hinampas nalang siya sa dibdib niya kaya bumitaw siya finally!

Binaling ko ulit ang tingin ko sa kalsada at nasa kabilang lane na kami at may kasalubungan kaming

sasakyan, kinabig ko agad yung manebela para makaiwas at luckily pareho naman kami nung kotseng ‘yun na safe.

Damn it!

“Sirulo ka talaga, muntikan na tuloy tayong maaksidente!” I scolded him.

Tumawa lang siya at tila n aenjoy pa ‘yung inis ko. “Baby, hindi naman tayo mamamatay kung maaksidente tayo.”

“Hindi nga tayo mamamatay, makakapatay naman tayo ng inosente!”

“Sorry na, natuwa lang eh.” Napailing nalang ako dahil sa kabaliwan niya pero unti unti rin naman ako napangiti. Ibang klase talaga siya.

Iminulat ko ‘yung mga mata ko after kong mapanaginipan ang gabing pinagsisishan kong sinagot ko siya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at itinakip ang mga kamay sa mukha ko.

Naalala ko na lahat! Lahat lahat! Mula sa simula hanggang dulo, pati ‘yung sakit naalala ko na. Sobrang sakit! Sobrang sobrang sakit! Masakit ang ideang, ginamit lang ako ni Damon para saktan ang mga nanakit sa damdamin niya noon.

Tama si Manuel, papatayin ko nga si Damon.

Hindi ko hahayaan na gamitin pa niya ‘ko para masaktan ang mga magulang ko. Kung ang plano niya ay ilayo ako sa pamilya ko tulad nung isinukat niya sa’kin na magtanan kami para mabigyan siya ng para papatayin ako, pwes, uunahan ko siya!

“Sweetheart, ayos na ba ang pakiramdam mo?” Dinig kong tawag sa’kin ni Mama.

Tinanggal ko ang mga kamay ko sa mukha ko at tumingin sa kanya ng blangko.

Ang sakit sa pakiramdam na ‘yung lalakeng mahal ko ang mahal pala talaga ay ang Nanay ko. “Naintindihan ko na ngayon.” I speak.

“Ang alin?” Pagtataka niya.

“Naiintindihan ko si Damon kung bakit ka niya minahal, Ma…” Biglang tumulo ‘yung mga luha ko at sobrang kumirot ‘yung puso ko. “Kasi… madali ka lang mahalin.”

“Nakakaalala ka na?” Tanong niya.

“Nagustuhan mo ba siya?” Pagiwas ko sa tanong niya.

She shakes her head. “No, sweetheart. Para sa’kin kaibigan lang siya.”

I chuckled bitterly. “Did you kiss?”

Huminga siya ng malalim. “He kissed me once before.”

“Did you enjoyed it?” Tumitig lang siya sa’kin na parang walang planong sagutin ang tanong ko. “Ako kasi Ma, na enjoy ko ‘yun. Na ejoy ko ‘yung mga halik ni Damon na kahit na nga hindi pa kami, pumapayag na ‘kong halikan niya.”

“Alam mo po kung ano pa ‘yung mas masakit?” Dagdag ko. “‘Yung nag iisang babaeng kaagaw ko sa puso ng lalakeng mahal ko, ‘yung nag iisang babaeng minahal nung mahal ko ay… Nanay ko?”

Nag sisimula na ring mag badya ang mga luha niya sa mata niya. “I’m sorry, sweetheart. Hindi ko gustong makita kang nasasaktan ng dahil sa’kin.”

I shake my head. “Hindi mo kasalanan Ma, kasalanan lahat ni Damon kung bakit ako nasasaktan. Tama nga si Manuel, kung wagas tayong mag mahal na mga bampira. Mas wagas tayong nasasaktan.”

“Wag kayong magalala, Ma. Pag nawala na si Damon, mawawala din ‘tong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko hahayaang, saktan niya din kayo. Ayos lang na ako lang masaktan, wag lang kayo.”

“Anong plano mong gawin?” Tanong niya.

Pinahid ko ang luha ko gamit ang mga kamay ko. “Papatayin ko si Damon.”

Keep voting.

=================

Thirty Seven

Hinayaan na ‘ko ni Mama na mapag isa sa kwarto. Ni-request ko din kasi ‘yun.

Bumangon ako ng kama at tumingin sa salamin na nakita kong nakasabit sa ibabaw ng study table. Wala akong ibang makitang emotion sa mukha ko kundi lungkot.

Nakakainis!! Sana hindi nalang binalik ni Manuel ‘yung alala ko, sana hinayaan nalang niyang may amnesia ako. Hindi sana ganito kasakit ang lahat.

Nakita kong may silver knife sa ibabaw ng study table, pamilyar ‘to sa’kin dahil kay Damon ‘to. Ang sabi ni Manuel, ito ang gagamitin ko para patayin si Damon. So, nung ibinalik pala niya ‘ko sa pamilya ko, kasama din ‘to.

Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at narinig ko din na nag bukas ito. Lumingon ako para makita kung sino ‘yun at si Majah ang nakita ko.

“Hey!” She greeted.

“Hey!” I greeted back.

“Sabi ng Mama mo na nakakaalala ka na daw, kaya gusto kong kumustahin ang pakiramdam mo.”

“Ito, nasasaktan padin.”

“I was talking about sa ginawa ni Manuel sa’yo mukhang ‘yung sagot mo ay tungkol kay Damon.”

I chuckled weakly. “Ganun na nga. Eh ikaw? Kumusta ang pagiging bampira mo?”

“Well, let’s just say na tama ka sa sinabi mo noon na hindi ko nga gugustuhing maging bampira.”

“Sorry.”

“Para saan?” Pagtataka niya.

“Kasi nangako ako sa sarili ko noon na gagawin ko ang lahat para hindi maging ganap ang pagiging bampira mo pero hindi ko nagawa.”

Ngumit siya at nag lakad papalapit sa’kin tsaka tinapik ang braso ko. “Kapalaran ko din talaga sigurong maging bampira kaya di mo kasalanan.”

“At kapalaran mo ring mag sama kayo ni Mario.” Pabiro kong dagdag sa sinabi niya.

“Naku! Malabo pa ‘yan.”

“Bakit naman?”

“Masyado pang maraming nangyayari ngayon, gusto kong matapos muna ‘yun bago ko isipin ‘yung sa’min.”

“Kaya di mo parin siya sinasagot?” Tumango lang siya bilang sagot. Humarap ulit sa salamin at hinawakan ‘yung silver knife. Paano ba matatapos ang lahat nang ‘to? Obvious naman na mahirap kalaban si Manuel dahil mas matalino siya sa iniisip namin. Tapos may plano pa ‘kong gawin kay Damon, speaking of him…

“Alam mo ba kung nasaan si Damon?” Tanong ko sa kanya.

She shakes her head. “Nung umalis ka para sundan siya, kinabukasan bumalik dito si Damon. Nag simula ang lahat na mag panick nung malaman nilang hindi mo pala kasama si Damon kaya ang unang pumasok sa kanila ay nahuli ka ni Manuel. At simula din nun, hinanap ka na niya. Sa ngayon hindi namin alam kung nasaan siya.”

“Ganu ba?”

“Amber…” Dinig kong boses ni Damon na tinatawag ang pangalan ko. Kumirot agad ang puso ko nang marinig ko palang amg boses niya at napahigpit ang pagkakahawak ko sa silver knife.

Ginamit ko yung bilis ko para silipin siya sa bintana, nakita ko siyang naglalakad papalapit sa pinto sa baba. Tumalon ako mula sa bintana at paglapag ng mga paa ko sa lupa, nilingon ko si Damon na ngayon ay nasa tapat na ng pinto.

Dahan dahan siyang lumingon nang maramdaman ako.

“Hi, baby.” Bati ko sa kanya ng walang emotion. “I’m back.”

Sinimulan niyang maglakad papalapit sa’kin. “Nakakaalala ka na?”

“Oo.”

“Para sa’kin ba ‘yang knife?”

“Oo!”

“Baby-” Hindi niya natapos ang pagsasalita niya dahil ginamit ko ‘yung bilis ko para makalapit sa kanya at at itarak ito sa tagiliran niya. Kita sa reaksyon ng mukha niya na nasaktan siya.

Naramdaman kong may humila sa’kin para ilayo ako kay Damon. “Tama na ‘yan Amber!” Sigaw ‘yun ni Mama. Habang si Papa nasa likod at inaawat akong makalapit kay Damon.

“Hayaan n’yo ‘kong patayin siya!” I yelled, angrily.

“Tapos ano? Pag napatay mo siya anong gagawin mo?” Tanong ni Mama.

“Hayaan n’yo na siya.” Damon said. “Kung makakagaan sa loob niyang patayin ako, hayaan n’yo siya.”

“Narinig n’yo siya!” Nag pumiglas ako sa pagkakahawak ni Papa at nag lakad ulit papalapit sa kanya habang punong puno ng galit na nakatitig sa kanya.

“Baby…”

Naramdaman kong tumulo ‘yung mga luha ko. “Wag mo ‘kong tawaging baby, nakakadiri ka! Pinaibig mo lang ako, binola, p*tang *na ginamit mo lang ako! Minahal kita ng totoo, totoong totoo Damon! Pero anong ginawa mo? Ginamit. Mo. Ako. Sinaktan mo ‘ko. Ngayong nasasaktan ako nakaganti ka na sa mga magulang ko, tagumpay ka na! Hindi pa ba sapat ‘yun para bumalik ka pa dito?”

“Totoong minahal kita.” I just smile, bitterly then tinutok ko sa puso niya yung silver knife. Tingin ba niya talaga maniniwala pa ‘ko sa sinabi niya?

“Totoong minahal ko si Bernadette, totoong nabaliw ako sa kanya, totoong ginamit kita para makaganti sa kanila. Pero totoo rin na minahal kita.”

Itinarak ko na sa dibdib niya ‘yung kahoy na parang walang narinig sa sinabi niya, pero hindi pa sagad para umabot sa puso niya. Nakatitig lang ako sa kutsilyong nakatarak sa kanya hanggang sa naramdaman ‘kong may pumatak na tubig sa mga kamay kong nakahawak sa patalim.

Tumingin ako sa mukha niya at nakita kong doon galing ang tubig na pumatak sa kamay ko dahil sa pag luha niya.

“Bakit? Bakit ka umiiyak? Natatakot kang mamatay? BAKIT?!!!” Galit kong tanong.

“Dahil nakikita kong kinakain ka ng galit, nakikita ko ang sarili ko sa’yo noon nang masaktan ako kay Bernadette. Umiyak ako dahil, dahil mahal kita.”

“Tama na ang pagpapanggap na mahal mo ‘ko, Damon! Tapos na ang palabas mo!”

Tumango siya at pumikit na tila handa ng mamatay. “Sige gawin mo na, mas gugustuhin kong mamatay sa mga kamay mo kesa sa iba.”

Dahan dahan kong nilaliman ang ang pagkakatarak sa puso niya at kitang nasasaktan na siya. Pareho kaming umiiyak. Kagat kagat ko lang ang lower lip ko habang nagtatalo ang damdamin sa loob ko na patayin siya at wag patayin. Pero mas nangibabaw sa’kin ang kagustuhang wag siyang patayin.

Unti unti akong bumitaw sa pagkakahawa sa kutsilyo na ikinagulat niyam napaupo ako sa lupa habang umiiyak. I can’t, i can’t do it! I love him.

“Umalis ka na!”

“Baby-“

“UMALIS KA NA!” Sigaw ko. “Utang na loob, umalis ka na.”

Lumuhod siya sa harap ko gamit ang isang tuhod. “Lalayo na ‘ko kung yan ang gusto mo.” Inilapat niya ‘yung labi niya sa noo ko para halikan. “I’m sorry.”

Tumayo ulit siya at sinimulang mag lakad, habang ako nandito parin at umiiyak. Sobrang sakit! Sobrang sakit! Sobrang sakit! Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng manakit sa’kin, bakit siya pa? Bwiset!

Keep voting.

=================

Thirty Eight

Nandito ako ngayon sa kwarto. Ang totoo niyang dalawang araw na ata ang nakakalipas mula ng pagtangkaan kong patayin si Damon. Hindi ako lumabas dito, wala rin akong kinakausap na kahit na sino. Ang tanging ginagawa ko para makaiwas sa pag iisip ay magbasa pero minsan bigla nalang ‘tong natutuluan ng luha ko.

Masakit pa din ang ideang wala na kami ni Damon. Ang sakit nung ideang hindi ko ma siya makikita. Pero para sa’kin din naman ‘yun, para makalimutan ko na siya. Sana nga magawa kong kalimutan siya.

So far tahimik lang, i mean… walang Manuel na nangugulo kahit na tingin ko nakarating na sa kanya na hindi ko pinatay si Damon tulad ng gusto niyang mangyari. Malas niya dahil mas nagibabaw sa’kin ‘yung nararamdaman ko kay Damon.

Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto, hindi ko pinansin ‘yun at nag patuloy lang sa pagbabasa. “Sweetheart,” Dinig kong tawag ni Papa. Hindi ako sumagot at nagkunyaring nag babasa pa din.

Ayon sa naririnig kong yabag ng paa, dalawa silang pumasok sa kwarto ko at tingin ko si Mama ‘yung isa.

“Anak,” Mama called but still ‘di ko sila pinansin.

“Hanggang kailan ka ganyan?” Tanong ni Papa.

Hanggang kailan nga ba? Hindi ko din alam.

“Anak ayokong nakikita kang ganyan, alam kong mahal mo si Damon at kung siya lang din makakaalis niyang sakit nararamdaman mo, hanapin mo siya. Hindi kita pipigilan.” Mama said.

“Huli na para dun.” Sagot ko.

“Hindi pa huli. Kung totoo ngang mahal ka ni Damon hindi mawawala ‘yun sa kanya ang mas malala pa baka may gawin na naman siyang hindi niya gustong gawin dahil nasaktan

siya. Tulad ang saktan ang damdamin mo.” Naibaling ko kay Mama ang tingin ko dahil sa sinabi niya.

“Nasaktan si Damon dahil sa’kin, dahil si Albert ang pinipili ko. At dahil nasaktan siya nakagawa siya ng mga bagay na alam kong nagawa niya lang dahil nasasaktan siya. At ngayong nasasaktan na naman siya dahil sa’yo, baka makagawa na naman siya ng mga bagay na ikasisira niya. Anak kung mahal mo siya, pigilan mo siya dahil ikaw lang ang makakagawa nun.”

“Tingin mo gagawa siya ng bagay na ikakasira niya, ulit?” Tanong ko at nandun ang tono ng concern ko.

“Oo.”

“Nabalitaan namin na nakipag deal si Damon kay Manuel.” Papa said kaya naibaling ko naman ang tingin sa kanya.

“Anong deal ‘yun?”

“Kapalit ng kaligtasan mo, at kaligtasan natin nakipag deal siyang mag bibigay ng dalawang half vampire kay Manuel kada buwan bilang alay.” Sagot ni Papa.

Shit! Damon, what are you thinking? Kahit kailan talaga hindi siya nag iisip!

“Gusto din namin ng Papa mo na maging ligtas ka at nating lahat pero hindi sa paraan na iniisip na gawin ni Damon. Anak, pigilan mo siya.” Mama said.

Kinagat ko ‘yung lower lip ko para pigilan ang luha ko pero huli na para dun dahil kusa ng tumulo ang mga luha ko.

Tama si Mama, masyado nang madaming galit kay Damon dahil sa mga maling ginawa niya noon at ayokong dagdagan pa niya ‘yun.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at pinunasan ang mga luha ko. “Hahanapin ko po si Damon.” Sabi ko sa kanilang dalawa.

“Sasamahan ka namin.” Papa said.

I shake my head. “Hindi na po. Kung talagang nakipag deal si Damon sa kanila safe pang umalis ngayon.”

“Sige. Mag iingat ka.” Mama said. Tumango lang ako bilang sagot. Tsaka ako kumuha ng back pack, nag lagay ng ilang mga damit at plano ko ding dalhin ‘yung silver knife.

Nang magawa ko ‘yun tumingin ulit ako sa mga magulang ko na kahit na alam kong payag sila sa pag alis ko, nag aalala pa din sila.

“Magiging ayos lang ako.” I reassured.

“Saan mo sisimulang hanapin si Damon?” Papa asked.

Umiling ako. “Hindi ko po alam.”

“Mag dala ka ng cellphone para makatawag ka dito.” May kinuha si Papa sa bulsa niya sa likod. Wallet niya ‘yun at kumuha siya ng credit card. “Kailangan mo din ng pera kaya dalhin mo na ‘yan.”

“S-Sigurado po kayo?” Gulat kong tanong. The last time na pinahiram niya ‘kong credit card ang laki ng nagastos ko dahil sa dami kong biniling libro at nagalit siya nun kasi ang gastos ko daw.

Mom tries to stop her laugh kasi gets niya ‘yung iniisip ko. “Oo sigurado ako.”

Yumakap nalang muna ako sa kanila bag manlang umalis, bilang pagpapaalam na din. “Mag iingat ka anak.” Mama whispered.

“Opo.”

Bumitaw na ‘ko sa pagkakayakap sa kanila tsaka ko sinimulang mag lakad palabas ng kwarto habang nakasunod lang silang dalawa sa’kin.

Sa pag dating namin sa sala nakita ko dun sila Mario, Majah, Luisa at ‘yung kaibigan ni Mama.

“Aalis ka?” Tanong ni Maj. habang nakatingin sa bag ko.

Tumango ako. “Hahanapin ko si Damon.”

Ngumiti siya. “Pwede bang sumama?”

I shake my head. “Hindi na, kaya ko naman na.”

She pouts. “Okay.”

Sinimulan ko nang magpaalam sa kanila bago pa mag bago isip nila na at sumama

sa’kin. Plano ko pa namang pumunta kung nasaan din ngayon si Manuel dahil baka may idea siya kung nasaan ngayon si Damon.

Alam kong kabaliwan na puntahan ko ‘yung Manuel na ‘yun pero siya lang ang naiisip ko na may alam kung nasaan si Damon.

Nang makapag paalam ako sa lahat, sinimulan ko ang pagpunta sa bayan para makahanap ng pwedeng sasakyan at maka withdraw ng cash. Pamasahe sa gala kong ‘to. Wala kasing kotse dahil sa naaalala ko, naibanga ko ‘yun.

Sa pag dating ko naman sa bayan, nag withdraw lang ako sandali tsaka ako humanap ng taxi para sakyan. Nang makahanap ako, sa pag sakay ko sinabihan ko ‘yung driver kung saan ako ihahatid.

Nang makarating naman ako sa hideout ni Manuel, nag lakad na ‘ko papasok bitbit ang kaba sa dibdib ko dahip feeling ko any moment may bampirang susugod sa’kin pero kahit ganun nag lakas loob pa din.

Simula palang ng pag pasok ko may sumalubong na agad sa’kin. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong nung bampira sa’kin.

“Gusto kong makausap si Manuel.” Sagot ko.

“Anong kailangan mo?” Dinig kong boses ni Manuel ang nag salita. Tumingin ako sa direksyon niya, nag lalakad lang ito papalapit sa’kin. “Hindi ko akalaing pupunta ka dito.” He said, amusingly.

“Nasaan si Damon?” Tanong ko.

Tumawa siya ng wala manlang emosyon. “Bakit sa’kin mo hinahanap si Damon?”

“Dahil alam kong may kasunduan kayo!”

“Tama ka! Pero wala siya dito. Hindi ko alam kung nasaan siya. Siguro pinapagaling pa ‘yung sugat sa tangka mong pagpatay sa kanya or pwedeng naghahanap na ng katulad mo!”

“Hindi siya magaalay ng half vampire sa’yo!”

“Gagawin niya ‘yun. Masyado siyang bulag sa pag ibig kaya sigurado akong gagawin niya ‘yun para sa kaligtasan mo at ng pamilya’t mga kaibigan mo.” Naglakad siya paikot sa’kin. “Masyado kasing pa-superhero ‘yung boyfriend mo eh, gusto niyang iligtas lahat kaya pinagbigyan ko siya.”

Bigla niya kong inakbayan na mas lalong nag patibok ng mabilis sa puso ko dahil nerbyos. “Maswerte ka sa kanya.” Bulong niya.

Bumitaw siya sa pagkakaakbay sa’kin at nag lakad muli papunta sa harap ko. “Mabuti pa, umalis ka na. Baka kasi mahirapan akong pigilan ang mga kasama ko at patayin ka nalang bigla. Sayang naman ‘yung dalawang half vampire kada buwan na dadalhin sa’kin ni Damon pag namatay ka.”

Walang hiya talaga siya!

Nag simula nalang akong mag lakad paalis ng hideout nila baka nga naman kasi sugurin nalang ako ng mga ‘yun. Wala pa naman akong laban ang dami nila.

Mabuti na nga lang at pinaalis nila ‘ko ng buhay eh.

Ngayon naman… saan ko sisimulang hanapin si Damon?

Urgh!

Keep voting po. ☆

=================

Thirty Nine

“Miss!” Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa pag gising sa’kin nung manong taxi driver. “Nandito na tayo.”

Di ko namalayan na nakatulog pala ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na ‘yung bahay ni Damon. Dito ko naisip na sunod na pumunta dahil baka nandito siya. Sana nga nandito siya. Ito nalang kasi ang huling lugar na alam kong pupuntahan niya.

Nag bayad lang ako ng pamasahe sa driver tsaka ako bumaba. Pag alis ni Manong nag simula naman akong maglakad papuntang bahay ni Damon. Plano ko na sanang kumatok pero parang nag dalawang isip ako bigla. Kaya naisip kong ipihit nalang ‘yung doorknob at pag pihit ko nag bukas ‘yung pinto.

Sinimulan kong pumasok ng bahay at pinalibot ang tingin ko dito. “Damon?” Pagtawag ko sa kanya. Pero wala akong narinig na respond. Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad napunta ako sa sala pero wala parin siya.

“Damon, nandito ka ba?” Wala paring respond kaya di ko maiwasang ma-frustrate. Hindi ko na talaga alam kung saan pa siya hahanapin.

Umupo ako sa couch habang ‘yung mga kamay ko nasa mukha ko. Naiiyak ako sa sobrang inis! Nasaan ba kasi siya??

“Amber?” Tila ako natigilan nang finally marinig ko ang boses niya. Inalis ko ang mga kamay ko sa mukha ko at tumingin sa direksyon kung saan ko siya narinig at presto… nakita ko siyang nakatayo na hindi makapaniwalang makita ako.

“Nag i-imagine lang ba ‘ko o talagang nandito ka?” Tanong niya.

Ginamit ko ‘yung bilis ko para makalapit sa kanya at niyakap siya. Tumulo na naman ‘yung mga luha ko dahil sa pagkakita sa kanya.

Na miss ko siya ng sobra!

“Ikaw nga.” Sabi niya ng hindi pa din makapaniwala.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at sinampal siya na ikinagulat niya. “Ayan ah! Hindi ka nag i-imagine nandito talaga ‘ko!” Pagkasabi ko nun kahit gulat na gulat padin siya hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge at hinalikan ko siya sa labi niya.

Unti unti siyang nag respond sa halik ko after niyang magulat. Sunod ay naramdaman ko ang pag yakap niya sa bewang ko at unti unti nitong pag buhat sa’kin. Inangkla ko naman ‘yung mga binte ko sa bewang niya.

Napabitaw lang ako sa halik namin nang maramdaman kong ginamit niya ‘yung bilis niya. Tumingin ako sa paligid at ngayon ay nasa kwarto na kami.

What the…

“Seryoso sa kwarto mo agad ako dinala?” I asked, amusingly.

“Namiss kasi kita baby.” Pambihira! Namiss ko din naman siya pero sa kwarto talaga agad ang dala? Kaloka!

Inihiga niya kami sa kama at pumwesto ‘to sa ibabaw ko. He was about to kiss me pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paglagay ng kamay ko sa dibdib niya.

“Teka lang, wala bang kumustahan lang muna?”

He shakes his head. “Mamaya na ‘yun.” Grabe siya!

Plano niya sana ulit na halikan ako pero pinigilan ko ulit. “Baby!” Pagaangal niya.

I giggled. “Okay.” I touch his both cheeks and kissed him, he respond with his tongue. We both moans as we felt our tongues intertwined. Ibinaba niya ‘yung halik niya sa jaw ko habang nararamdaman ko ‘yung kamay niya na unti unti itinataas ‘yung damit ko.

“I miss you so much, baby.” He murmured on my neck.

“I miss you too, Damon.”

He pulled out my shirt and hinagis niya ‘yun sa kung

saan. He stared down at my eyes, kita sa mga mata niya ang pagkamiss sa’kin. “I love you baby. I love you even you tried to kill me. I love you and i’ll do anything for you. I love you with all my unbeating heart.”

His tears fall down on my cheek. I touch his both cheeks and wiped away his tears. “I love you too baby. I do really love you; kahit na naglihim ka, nag sinungaling o kahit si Mama pa ang una mong minahal. Mahal na mahal parin kita.”

Now we are both crying.

“I’m sorry.” He sincerely apologized. Isinuksok niya ‘yung mukha niya sa leeg ko at dun siya continues na umiyak. “I’m really sorry baby.” He murmured.

Iniyakap ko nalang sa leeg niya ang mga braso ko. “Ayos na baby pinapatawad na kita.”

Inalis niya ‘yung mukha niya sa leeg ko at tumingin muli sa’kin. Pinunasan ko ulit ang luha niya tsaka niya ‘ko hinalikan muli.

Next thing happen, amin nalang po. Hihi.

Naramdaman ko ang pag haplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako. Minulat ko ‘yung nga mata ko at si Damon agad ang nakita ko. “Sorry, nagising kita. Hanggang ngayon kasi ‘di padin ako makapaniwalang kasama kita ngayon.”

“After our making love hindi ka parin makapaniwala? Ibang klase ka talaga.”

He laughed, softly. “Namiss ko ‘yang pangbabara mo sa’kin.”

“Namiss kita.” Hinigpitan ko ang pagkaka-cuddle ko sa kanya at pinikit muli ang aking mga mata.

“Kung ganun, gusto mo ng round two?” Pilyo niyang tanong.

“Baby ngayon palang ako babawi ng tulog kaya patulugin mo pa ‘ko ng mahaba.”

“Bakit hindi ka ba natutulog?”

“Nahihirapan

akong matulog simula nung pagtangkaan kitang patayin, ang hirap kasi puro nalang ako iyak.”

“I’m sorry.”

“Mmmn. Ayos na nga baby, wag ka ng mag sorry.”

“Sige, matulog ka pa.” Naramdaman ko ang pag halik niga sa ulo ko. “I love you.”

“I love you too.”

Nagising mula ako sa pagkakatulog at walang Damon akong katabi. Inilibot ko ang tingin sa paligid ng kwarto pero di ko siya nakita.

Umupo ako mula sa pagkakahiga habang humihikab. Nakita ko ‘yung mga suot ko kahapon na nakatupi ngayon sa dulo ng kama. I was about to wear my clothes pero nakita ko ‘yung T-shirt ni Damon kaya ‘yun ang sinuot ko.

Pagkabihis ko lumabas agad ako ng kwarto. Pinakiramdaman ko lang kung nasaan si Damon at narinig ko na tila nasa kusina siya kasi nag ha-hummmed siya.

Nag lakad ako papunta dun at nakita ko siyang halatang nag e-enjoy sa pagluluto kaya napa ngiti ako.

“Good morning.” I greeted, making him look at me.

“Good morning, sexy.” He lively said.

I grinned. “Ang energetic mo today ah.” Naglakad ako papalapit sa kanya at pagkalapit ko hinalikan ko agad siya sa labi niya.

“That’s because i’m happy, perfectly happy.” Sagot niya after my kiss. Then bigla niya ‘kong binuhat at pinaupo sa lamesa, yung mga kamay niya ay nasa bewang ko habang ang akin naman ay nasa magkabilang pisnge niya. Dahil mas mataas ako sa kanya ngayon dahil sa pagkakaupo ko dito sa lamesa ang ang yumuko para halikan ulit siya.

Sana nga maging perfect nalang ang lahat mula ngayon. Sana wala ng Manuel na mangulo. Speaking of Manuel, bumitaw ako sa pagkakahalik kay Damon.

“May kailangan pala tayong pag usapan.”

“Hindi ba ‘yan makapaghihintay mamaya? Gusto pa kitang halikan eh.”

I chuckled. “May mamaya pa naman para sa halik pero sa ngayon may kailangan kang sagutin.”

“Ano ‘yun?”

“Nalaman kong nakipag deal ka kay Manuel, gusto kong putulin mo ‘yung deal na ‘yun.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa bewang ko at inilagay ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Umiling siya. “Hindi pwede baby, nakipag deal na ‘ko at gagawin ko ‘yun.”

“No! Hindi mo gagawin ‘yun!”

“Pero ‘yun lang ang paraan para maging ligtas ka pati kayo ng magulang mo at kaibigan natin.”

“May iba pang paraan.”

“Ano?”

“Patayin si Manuel.”

“Ilang beses na nating tinangkang gawin ‘yun baby, wala naman nangyayari.”

“So, susuko ka nalang ganun? Gusto ko ng mawala si Manuel at mamuhay ulit na parang normal tulad noon at mangyayari lang ‘yun pag namatay na si Manuel.”

“Pero kasi-“

“Walang pero pero Damon, ayokong gumawa ka na naman ng ikakagalit ng iba sa’yo. Tama na ‘yung mga ginawa mo noon ayokong dagdagan mo pa ‘yun.”

Huminga ng malalim tsaka dahan-dahang tumango. “Sige payag na ‘ko. May plano ka ba?”

Sa wakas!!

“Iisip pa ‘ko. Sa ngayon, ‘yung niluluto mo mukhang nasusunog na.”

“Shit!” Humarap siya dun sa niluluto niya at medyo nag panick kaya napangiti nalang ako.

Umalis ako mula sa pagkakaupo ko sa lamesa at tinapik siya balikat. “Sa sala muna ‘ko para di ka ma-distract masyado sa pagluluto.”

“Mabuti pa nga, ang ganda mo kasing distraction eh.”

Okay, medyo light na ulit ang story. Haha! Keep voting. 😉

=================

Forty

Sa pagtapos naming kumain nang inihanda ni Damon na breakfast we decided to stay at his couch.

“Pwede na ba natin pag usapan ang plano kung paano mapapatay si Manuel?” Tanong ko.

Hinalikan niya ‘yung balikat ko. “May naisip ka na bang plano?”

“Sa totoo lang wala pa.” Sana may biglang pumasok na plano sa utak ko.

“Mmm. ‘Wag mo nalang munang isipin ‘yun.” Hinawakan niya ‘ko sa chin tsaka tumitig sa labi ko. “I-enjoy muna natin ‘tong pagbabati natin.”

He was about to kiss me nang biglang maramdaman naming may mga dumating. Pareho kaming tumingin sa direksyon nila at laking bigla ko na ang makita ay ang mga magulang ko at si Majah at Mario.

Sabay kaming napatayo ni Damon nang makita namin sila. Si Papa at Mama mukhang nabigla din siguro dahil sa suot ko ngayon na T-shirt lang ni Damon. Si Maj naman mukhang nagpipigil ng tawa. Kaloka!

“‘Di ba kayo marunong kumatok? Alam n’yo naman sigurong tresspassing ‘yan diba?” Damon asked.

“Tumahimik ka!” Papa said.

“Ang init pa din ng ulo mo sa’kin, Papa.” Damon emphasize the word Papa para siguro pag tripan ang Tatay ko.

“Isa pang tawag mo ulit sa’kin niyan, papatayin na kita!”

Damon raised his hands, laughing. “Chill lang pre! Ano ba kasing ginagawa n’yo dito?”

“Nag alala kami sa hindi pag tawag ni Amber sa’min.” Sagot ni Mama.

Shit! “Oo nga pala, sorry po.” I quickly apologized.

“Gusto mong tanggapin namin ‘yang sorry mo? Mag bihis ka!” Papa said.

Sabi ko nga eh! Mag bibihis na.

“Opo.” Kinuha ko ‘yung

bag ko sa couch na kinuha din naman agad ni Damon.

“Samahan na kita.” Damon offered.

“No! Stay here!” Papa told Damon.

“Pre naman ngayon ka pa naging conservative eh may nangyari-” Sinipa ko si Damon sa binte niya kaya ‘di na niya natuloy ‘yung sasabihin niya. Nakakaloka talaga siya! “Aww!! Baby!!” Pagaangal niya.

“Ang daldal mo!” I scolded. Inagaw ko sa kanya ‘yung bag ko. He was about to speak again pero inuhan ko na. “‘Wag mo na ‘ko samahan.”

Tinapik ko siya sa balikat tsaka ko sinimulan ang maglakad papunta sa kwarto ni Damon. Dun ko kasi planong mag bihis eh.

Pag pasok ko ng kwarto, inilapag ko lang sa kama ‘yung bag ko tsaka ako kumuha ng towel para mag shower na din.

Sa pag pasok ko ng bathroom, sinimulan ko din naman agad ang mag shower. Habang naliligo ‘di ko iniisip na

Nang matapos naman ako, lumabas ako ng bathroom para simulan naman ang mag bihis. Sakto sa pagkabihis ko, nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto.

“Pasok!” I said.

Nag bukas ang pinto at si Majah ang nakita ko. “Ano nang nangyayari sa kanila dun?” Tanong ko.

“So far, tahimik.” Tahimik? Sila? Aba, himala ata. Hindi sila nag aaway away?

“Bago ‘yun.” I comment.

She laughed. “Tama ka. Kapag magkakasama sila laging maingay.”

“Sinabi mo pa.” I agreed.

Nag lakad siya papalapit ng kama at umupo. “So, napigilan mo si Damon sa deal niya kay Manuel?”

“Yup! ‘Yun ang tama.”

“May plan B. ka ba?”

“Sa ngayon, pinagiisipan ko pa ang tungkol

dyan. Alam mo hiling ko lang matapos na ang lahat ng ‘to. Gusto ko na din kasi talagang mamuhay na parang normal lang tulad noon nung wala pang Manuel sa buhay natin.”

“Tama ka! Sa totoo lang nakakamiss ang buhay estudyante.”

“I agree.” Nakakamiss talaga ‘yun. ‘Yung wala ka lang iisipin kundi assignment at kung may pa-surprise quiz ang Prof. at syempre ang pag re-review.

“Balikan na natin sila? Para ma-discuss na ‘yung tungkol sa plano. Gusto ko nang matapos ‘to para makabalik na tayo sa school.”

She smiles, widely. “I love that idea!”

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kama at inangkla ang kamay sa braso ko tsaka kami sabay na naglakad papunta sa mga kasama namin. Pag dating namin ng sala, hindi naman namin sila nakita.

“Nasaan sila?” Tanong ko.

“Ewan ko! Iniwan ko silang lahat dito eh.” Sagot naman ni Majah.

Ilang sandali lang bigla silang nagpakita pero this time may kasama silang isang pamilyar na mukha. Hawak hawak siya ni Damon habang may nakatutok na silver knife sa leeg nito.

“Sino siya?” Tanong ni Majah.

“Tauhan ni Manuel.” Sagot ni Damon. Kaya naman pala pamilyar ang bampirang ‘to. Siguro nakita ko na siya na umaaligid kay Manuel.

“Naramdaman naming umaaligid kaya nilabas namin.” Sabi naman ni Papa.

“Paano ‘yan? Kung may nakikinig na tauhan ni Manuel sa’tin for sure alam na niyang hindi na tutuparin ni Damon ang deal nila ni Manuel.” Pangangamba ni Majah.

“Ayaw naman niyang mag salita kung

nasabi na ba niya kay Manuel ‘yung tungkol sa pagputol ni Damon sa deal.” Sabi naman ni Mama.

Naglakad ako papalapit sa bampirang hawak ni Damon tsaka ko kinapa ‘yung bulsa.

“Baby! Bakit mo siya hinahawakan?!!” Damon scolded.

“Baby tumigil ka nga, may hinahanap lang ako!” Magselos daw ba?

Kinuha ko mula sa bulsa niya ‘yung cellphone niya.

“Anong gagawin mo sa cellphone niya?” Tanong ni Damon sa’kin.

“Kung tama ako ng hinala baka ito ang ginagamit nila para sabihin kay Manuel ‘yung mga naririnig niya sa’tin. Malalaman natin dito kung nasabi na ba niya kay Manuel ‘yung pagputol mo sa deal.”

“Ang talino mo talaga baby. Gusto sana kitang halikan kaya lang busy pa ‘ko mamaya nalang.”

I just rolled my eyes. Pati ba naman sa harap ng magulang ko kapilyuhan padin ang sinasabi niya? Kaloka!!

Sinimulan ko nang tignan ang cellphone niya. Una kong chineck ang mga huling dinaial niya at lahat ng ito ay mula pa kagabi para sa iisang number lang na ang naka pangalan ay Manuel. Sunod ko namang tinignan ay messages sa inbox. Wala pa naman akong nababasa na tungkol sa pagputol ni Damon sa deal. Next naman ay ang sent items, ang huling message niya kay Manuel ay…

** Nasa bahay ni Damon yung babaeng kalahating bampira. **

‘Yun palang. Wala pang tungkol sa pagputol ni Damon sa deal.

Tumingin ako dun sa bambira at ngumisi. “Hindi pa niya nasasabi.”

“Malalaman din niya!” Pagmamatapang niya.

“Hindi kung mamamatay ka!” Papa said.

“Magkakasundo tayo dyan, Albert.” Pagsangayon ni Damon kay Papa habang nakangisi.

“Ako na ang gagawa!”

Pagsisingit ni Mario kaya nabaling ang tingin namin sa kanya. “Siya ang pumatay sa mga magulang ko kaya ipaubaya nyo na siya sa’kin.” Dagdag niya.

“Sige, hindi kita pipigilan dyan!” Damon said.

Lumapit si Mario papunta dun sa lalake habang punong puno ng galit na nakatitig dito. Inabutan siya ni Papa ng silver knife tsaka ito pumwesto sa harap nung bampira.

Itinapat ni Mario ang knife sa puso nung bampira at napaiwas nalang ako ng tingin nang maitarak na niya ‘yung kutsilyo sa puso nito. Kay Majah nalang muna ako tumingin na halatang nandun ang simpatya niya sa nararamdaman ni Mario sa pumatay sa magulang nito.

Nang ibalik ko ulit ang tingin sa kanila, binitawan na ni Damon ‘yung bampira na ngayon ay nasa sahig na at literal nang walang buhay.

Tinapik lang ni Damon ang balikat ni Mario na nakatitig lang dun sa bampirang kapapatay niya lang.

“Ngayong wala na siya, siguradong magtataka si Manuel kapag hindi siya nakapag report dito.” Mama said.

“Nasa akin ang cellphone niya. Pwede natin siyang i-text para linlalingin kaya lang siguradong hindi magtatagal malalaman din niyang patay na siya.” Sabi ko naman.

“Edi kailangan makabuo na tayo ng plano bago niya malaman.” Damon said.

“May naisip ako!” Sabi ko. Tumingin sa’kin ang lahat. “Hayaan nating isipin ni Manuel na gagawin nga ni Damon ang deal nila. Magdadala siya ng half vampire kay Manuel sa teritoryo nito habang nasa paligid lang tayo para humanap ng tyempo para sugurin siya at patayin. Pero syempre kailangan natin ng half vampire na tutulong sa’tin para linlangin si Manuel na maging alay na kalahating bampira at tulong pa mula sa mga kaibigan nila Mama na hunters para sa pag patay kay Manuel. Alam naman nating hindi sila madaling kalaban pero kung marami tayo at may kasamang mga expert siguradong magagawa natin ‘yun.”

Biglang napunta si Damon da harap ko pagkatapos kong masabi ‘yung naisip kong plano. He’s just smirking, amusingly at me. “Ang talino talaga ng mahal ko.” He comments. Bigla niya ‘kong hinalikan sa labi ng mabilis.

I slapped him on bis chest. “Damon, magseryoso ka nga!” I scolded him.

“Sorry.” Natatawa niyang sabi. Grabe talaga siya!

Papa cleared his throat kaya napatingin kaming dalawa sa kanya. “Sinong half vampire naman ang pagpapanggapin nating alay?” Tanong niya.

“May kakilala ako!” Damon said.

“Sino?” Tanong ko.

“Isang kaibigan.”

“Tutulong ba siya?” Papa asked.

“Sigurado ‘yun. May galit siya kay Manuel eh.”

“Okay. Kung ganun sabihan na natin sila Lucy tungkol sa plano.” Mama said.

“Pero paano kung may tauhan din dun si Manuel na nagmamatyag?” Tanong naman ni Majah.

“Wala silang maririnig kung isusulat lang nila Mama ang plano.” Suggest ko.

“Magandang idea ‘yan, sweetheart.” Mama said smiling. I just smiled back.

Sorry natagalan sa UD, lapit na siyang mag end. Kapit lang. 😂

Keep voting babies. ☆

=================

Forty One

I’m with Damon. Papunta kami ngayon sa half vampire na kaibigan niya para tumulong sa plano namin patayin si Manuel. Habang sila Mama naman ay pumunta sa kaibigan nilang hunters para din sabihin ‘yung plano namin.

At para din hindi mahalata ni Manuel ang plano namin, nag text na ‘ko sa kanya na nag simula na si Damon mag hanap ng half vampire na iaalay sa kanya. Baka kasi pag hindi ako nagtext o mag report baka malaman niyang patay na talaga ‘yung tauhan niya. Baka mag hinala pa siya pag nagkataon.

Sana lang talaga gumana ‘tong plano ko. Baka kasi kapag pumalpak ‘to, huli na para sa’ming lahat.

“What are you thinking?” Tanong ni Damon habang busy siya sa pagmamaneho.

“Natatakot lang akong pumalpak ang plano ko.”

“Hindi mangyayari ‘yun.” Kompyansa niyang sabi.

“Bakit mo naman nasabi?”

“Dahil lahat tayo kamatayan ni Manuel ang gusto kaya… siguradong mangyayari ‘yun.”

“Sana nga.” Isipin ko palang na maging ako ang dahilan ng para mapahamak sila dahil sa palpak na plano ko parang ‘di ko kakayanin.

Huminga ako ng malalim at umiling. Dapat positive lang, bahala na kung anong mangyari.

“Paano mo pala nakilala ‘yung half vampire na pupuntahan natin ngayon?” Pagiiba ko ng topic.

“Uh… sabihin nalang natin na iniligtas ko siya kay Manuel.”

“How?”

“Plano ko na noong umalis sa grupo ni Manuel nang utusan niya ‘kong dalhin sa kanya si Kelly pero dahil nga aalis na ‘ko sa grupo imbes na dalhin siya kay Manuel, pinatakas ko siya.”

“Kelly? Babae siya?” Tanong ko.

“Yup.”

“Hindi mo naman ako ininform na babae pala yung kaibigan mo.”

He chuckled. “Selos ka ba?”

I rolled my eyes. “‘Di nu!”

“‘Wag kang magalala. Kaibigan lang siya. Alam mo naman kung sino lang ang minahal kong iba maliban sa’yo diba?” Yah! Si Mama lang.

“Talaga bang nakapag move on ka na kay Mama?” Seryoso kong tanong. Ngayon ko lang naisip na never pa naming napag usapan ng seryoso ang about sa feelings niya noon kay Mama.

“Oo naman baby. Sigurado ako. Dati masakit pa noong nakikita ko siyang masaya kay Albert pero ngayon, hindi na. Siguro ‘di mawawala sa’kin na maging espesyal siya dahil minahal ko siya noon ng sobra at dahil na din sa siya ang Nanay ng mahal ko ngayon.”

“Mmm.” Nag hum lang ako bilang tugon sa sinabi niya. “Tinanong ko si Mama kung nag kiss kayo ang sabi niya hinalikan mo daw siya once dati. Nag enjoy ka ba dun?”

Natawa siya ng mahina. “Paano ko naman ma-e-enjoy ‘yun eh sinampal niya agad ako nung ginawa ko ‘yun.”

Ginawa ‘yun ni Mama? Sabagay baka may gusto na siya nun kay Papa ‘di nga naman siguro maganda kung halikan ka bigla ng best friend nung nagugustuhan mo.

“Nandito na tayo.” Damon said. Inilibot ko ang tingin sa paligid, nasa medyo liblib na lugar kami. Ganito siguro talaga mga trip na bahay ng mga bampira.

Sabay kaming bumaba ni Damon sa kotse at direkta akong tumingin sa bahay na nakita ko.

Nag simulang maglakad si Damon papalapit sa pinto. Nasa likod naman niya ‘ko at nakasunod lang sa kanya.

“Damon, what a surprise!” Dinig naming boses ng babae na nag salita mula sa likod namin. Lumingon kami para makita kung sino ‘yun at isang magandang babae ang nakita ko. Siya na siguro si Kelly.

Mukhang malakas siya para sa isang half vampire dahil hindi ko manlang siya naramdaman kung hindi pa siya nag salita.

“Anong nag dala sainyo dito?” Tanong niya ulit.

“Kelly, nandito kami para humingi ng tulong sana sa’yo.” Direktang sagot ni Damon.

“Ganun ba? Sige, pasok kayo.”

“Salamat.” Nag simula siyang mag lakad papasok ng bahay niya. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang ‘yung tingin ko ay nabaling kay Damon. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming nag lakad papasok din nung bahay ni Kelly.

Pagpasok namin kapansin-pansin na agad ‘yung mga weapon sa pagpatay ng bampiram. ‘Yung iba nakasabit sa dingding ‘yung iba sa nakasadal lang sa pader.

Dumiretso kaming tatlo sa sala niya. “Gusto nyo ba muna ng maiinum?” Offer niya.

“Hindi na, salamat.” Damon said. “By the way…” Inakbayan niya ‘ko. “She’s Amber, my girlfriend.” Pagpapakilala niya sa’kin.

Inabot ko sa kanya ‘yung kamay ko para makipag shake hands. “I’m Amber.”

“I’m Kelly.” Inabot niya ‘yung kamay ko at nakipag kamay. “So, katulad ba kita?” Tanong niya.

“Oo, pareho tayong half vampire.”

“Kung ganun… anong maitutulong ko sa inyo?”

“Hindi ba muna tayo mag ku-kumustahan?” Medyo pabirong tanong ni Damon.

“Hindi na. Base kasi sa seryoso mong mukha, malalim ang pag hingi nyo ng tulong sa’kin.”

“Tama! Tungkol ‘to kay Manuel.” Sagot

ni Damon.

Biglang napalitan ng galit ang reaksyon sa mukha ni Kelly nang marinig ang pangalan ni Manuel.

“Anong tungkol sa walang hiyang ‘yun?”

“Plano namin siyang patayin at ka-kailanganin namin ng tulong mo. Hindi nga lang magiging madali ang tulong na maibibigay mo sa’min.”

“Sa paanong paraan ako makakatulong?”

“Nakipag deal ako kay Manuel na magbibigay sa kanya ng dalawang half vampire kada buwan kapalit nun ay kaligtasan ni Amber at ng mga kaibigan’t pamilya namin. Pero ang plano namin magdadala ako ng half vampire sa kanya bilang bitag lang para makalapit kami sa kanya at mapatay siya.”

“Paano nyo siya mapapatay pag nakalapit na kayo sa kanya?”

“Pina-plano na ngayon ng mga kasama naming hunters ang tungkol dyan.”

“Sige. Tutulong ako.” Pagpayag niya ng walang pag dadalawang isip.

“Sigurado ka ba dyan? Wala ng atrasan pag pumayag ka. Pwede ring mapahamak ka.”

“Sigurado ako, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko alam mo namang na trained ako ng Nanay kong hunter diba? Don’t worry, basta siguraduhin nyo lang din na mapatay si Manuel.”

Hunter ang Nanay niya? Hunter at Bampira nag katuluyan? Pwede pala ‘yun?

“Kaming bahala.” Damon reassured.

“Kailan sisimulan ang plano?” Tanong niya ulit.

“Bukas mismo, aalis tayo. Baka kasi makahalata si Manuel na pinatay na namin ‘yung nag mamatyag niyang tauhan sa’min.”

“Sige, sa ngayon… e-enjoyin ko muna ang buhay ko habang buhay pa ‘ko.” Biro niya tsaka tumawa ng pilit. Aminin man niya o hindi halatang kinahabahan siya.

“Gusto nyo bang sumama sa’king mag Bar?” Tanong niya.

Damon shakes his head. “Hindi na tsaka na namin gagawin kapag patay na si Manuel.”

“Tsaka isa pa, hihingi pa kami ng information tungkol sa plano bukas.” Dagdag ni Damon.

“Okay. Kayong bahala.”

“Babalikan ka nalang namin dito bukas.”

“Hindi ba kayo dito mag i-stay? Ayos lang naman kung dito kayo magpalipas ng gabi.” Offer niya

“Hindi na. Gusto ko din muna kasing solohin ang girlfriend ko.” Naisingit pa niya talaga ‘yung kapilyuhan ah!

Kelly smiles, teasingly at us. “Okay.”

“Aalis na muna kami.” Pagpapaalam ni Damon. Tumango lang siya bilang sagot. Nag bow lang ako ng bahagya bilang pagpapaalam sa kanya, ngumiti naman siya sa’kin bilang pagpapaalam din.

Sinimulan na namin ni Damon ang mag lakad palabas ng bahay ni Kelly. Habang nag lalakad kami papuntang kotse nagsalita ako.

“Talagang naisingit mo pa ‘yung kapilyuhan mong sosolohin muna ako ah.”

He laughed, softly. “Gusto ko lang namang sulutin ang oras na magkasama tayo tsaka ang tagal na din na hindi tayo nagsama ng masaya mula nung nawala ang memorya mo at magalit ka sa’kin. Sa sobrang tagal, sobrang namiss kita.”

Mmm. Kung sabagay may point ka naman siya.

“Saan mo gustong pumunta?” Tanong niya pagkabukas niya ng pinto ng kotse para sa’kin.

I shake my head. “Ikaw ng bahala.”

Ngumisi siya ng pilyo sa’kin. “Sabi mo ‘yan ah!”

Bakit parang nakakaramdam ako na pabor sa kanya ang pupuntahan namin? Hmm.

Keep voting po. ☆

=================

Forty Two

Naramdaman kong may humaplos sa pisnge ko na dahilan para magising ako. I open my eyes and i saw Damon, smiling down at me.

“Hi, we’re here.” He said.

Tumingin ako sa paligid at hindi maiwasang mapangiti at humanga sa ganda ng view na nakikita ko. Dagat ang nakikita ko at kita mula dito sa pwesto namin ang palubog na araw.

“Wow! Damon, this is so beautiful.” I admiringly said.

“I know.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko kaya naibaling ko ang tingin sa kanya. Hinalikan niya ‘yung kamay ko ng hindi inaalis ang tingin sa’kin.

“Nagustuhan mo ba dito?” Tanong niya.

“I love it here.” Tumingin muli ako sa sunset na talaga namang napaka ganda.

“Really?”

“Yah!”

“Gusto mo bang tumira dito? Kasama ko at soon bumuo ng pamilya.”

I blinked at him, shockingly. “Seryoso?” He just nodded. “Para ka nang nag po-propose ah.”

He laughed softly. “Parang ganun na nga.”

“Shocks!! Seryoso?!!!”

“Oo nga.”

“Bakit?”

“Anong bakit?” Kunot noo niyang tanong.

“I mean… sure ka na?” Kung ako ang tatanungin gusto ko na rin naman makasama siya at makasal sa kanya kaya lang buhay pa si Manuel.

“Matagal na ‘kong sure sa’yo, baby.”

“Pero may Manuel pa, nabubuhay pa siya at… hindi naman natin alam kung magtatagumpay tayo sa plano bukas.”

“Magtatagumpay tayo. Gagawin ko ang lahat para mag tagumpay tayo dahil gusto na kitang makasama at pakasalan. Hindi si Manuel ang makakasira ng pangarap ko na ‘yun para sa’tin, baby.”

Huminga ako ng malalim at tumingin muli sa sunset. “Mukhang maganda nga naman ang tumira dito.”

“Ibig bang sabihin niyang sinabi mo, payag ka ng tumira dito kasama ko?”

“Oo kapag namatay si Manuel at may bahay na dito.”

“Bahay lang ba? Well, i’m happy to inform you na… meron na.”

What?

Bigla ulit ako napatingin sa kanya ng gulat na gulat. Like super gulat. Ngumiti lang siya sa’kin tsaka siya bumaba ng kotse kaya ganun din ang ginawa ko. Sa kanya agad ako tumingin pagbaba ko. Tumuro siya sa right side niya gamit ang ulo niya. Tumingin ako dun at isang bahay ang nakita ko. Ayun dito sa labas, kasing laki siya ng bahay ni Damon.

“Sa’yo ‘to?”

He nodded. “Yup. Sa tagal kong nabuhay sa mundo, hindi ko na mabilang bahay ko. Kasi alam mo na, kailangang lumipat palagi para ‘di magtaka ‘yung mga taong nakakakilala sa’yo kung bakit hindi ka tumatanda.”

“Wow!” I mouthed, shockingly.

“Gusto mo na bang pumasok? Siguradong maalikabok pa ‘yan dahil matagal akong hindi nakabalik dito.” Tanong niya.

“S-sige.” I’m still shock.

Nag simula siyang maglakad papalapit ng pinto kaya ang ginawa ko ay sumunod nalang. Pag bukas niya hinawakan niya ‘ko sa kamay at sabay kaming pumasok dumiretso kami sa sala kung saan ang mga upuan lamesa, drawers ay tinatakpan ng puting tela.

“Kunting renovate nalang pwede na ulit tirhan.” Tama siya! Maalikabok mang tignan pero pag nalinis ‘to siguradong magiging magandang bahay ‘to.

Inangat niya ‘yung kamay ko at hinalikan ulit ito. “I can’t wait na makasama ka dito.”

I smiled. “Diba bago mo isipin ang tungkol dyan dapat isipin mo muna kung papayag sila Papa?”

“Uhm… Uh… tungkol dyan… mukhang mahihirapan nga ‘ko.

Si Albert kasi ayaw magpatawag ng Papa.”

I laughed loud. “Eh magkasing tanda lang kayo eh, kaya paano siyang magpapatawag sa’yo ng Papa?”

He grinned. “Alam ko kaya lang dapat masanay na siya.”

“Malay mo.” I’m still laughing.

“I miss those laugh, baby.” Bigla akong napahinto sa pagtawa pero nakangiti naman ako habang kagat kagat ang lower lip ko.

“I miss laughing with you.” I said.

He touched my cheek and bends down his face to kiss my lips, softly. Pinagdikit niya ‘yung noo namin after ng kiss. “I love you, baby.”

“I love you too Damon.”

He smiles. “Lilinisin ko lang ‘yung kwartong tutulugan natin at syempre pati ang kusina.” Nakahinga ako ng maluwag dahil tutulugan ang binigkas niya at hindi kung ano man. Shocks! Dahil may nangyari na sa’min kung ano-ano na iniisip ko.

“Okay, tutulong na ‘ko para mabilis.”

Tulad ng plano sinimulan namin ang maglinis, akin ang kusina kanya ang kwarto. Tutal hanggang ngayon gabi lang naman kami dito ‘yun nalang muna ang lilinisin namin. Tsaka nalang namin siguro lalahatin ang paglilinis kapag nawala na ‘yung problema namin kay Manuel.

Pag dating ko ng kusina, inilibot ko ang tingin dito. Medyo malaki siya kaya paniguradong matatagalan ako sa paglilinis. Inilapag ko muna sa lamesa ‘yung cellphone ko at cellphone nung bampirang pinatay namin, tinali ko din ang buhok ko tsaka ko sinimulan ang paglilinis.

Sa ‘di ko alam na dahilan may tubig kahit na ang tagal na ‘di ‘to tinirhan ni Damon kaya nagawa kong hugasan ang mga pwedeng gamitin ni Damon sa pagluluto at gagamitin namin sa pagkain. Pinunasan ko

lahat dapat punasan sa kusina na halos inabot din ata ng isang oras.

Umupo ako sa isa sa silya dito sa kusina para magpahinga. Sakto pag upo ko nadinig may nagtext sa cellphone ko. Kinuha ko ‘yun at binasa ang text mula kay Papa. Dahil nag iingat kami na baka may nakikinig din sa kanilang tauhan ni Manuel ang plano ay gamitin ang pagtext para sa communication.

** Sweetheart, nakalatag na ang plano. Sabihin mo kay Damon na maliwanag pa niya ihatid kay Manuel ang kunyaring alay. Kapag maaga pa, maingay pa ang paligid mahihirapan silang makaramdam ng nasa paligid nila para mabilis din tayong makalapit nang hindi nila nararamdaman. Habang kausap naman ni Damon si Manuel habang hawak ang kunyaring alay para sa kanya. May sharpshooter na hunters ang bahalang bumantay sa labas warehouse para tyumempong barilin si Manuel direkta sa puso. Hanggat hindi pa nagagawa ng sharpshooter ang dapat niyang gawin tayo naman ang papatay sa tauhan ni Manuel naka bantay sa labas. Kapag nakarinig tayo ng putok ng baril tsaka tayo susugod sa loob para patayin naman ‘yung iba pang kasama ni Manuel. **

Naramdaman ko ang pag hawak ni Damon sa magkabila kong balikat kaya nawala ang focus ko sa pagbabasa ng text.

“Nagtext na ba sila?” Tanong niya.

“Oo.” Inabot ko sa kanya ‘yung cellphone para siya naman ang mag basa ng text.

“Tingin mo gagana ang plano?” Tanong ko nang matapos niyang basahin ang text.

“Oo naman.” Pagpapalakas niya ng loob tsaka ibinalik sa’kin ang cellphone. “Kung hindi man dapat may plan B.”

Tama! Dapat may plan B. Hmm…

Nag simula akong mag type ng pang reply sa text ni Papa. Tinext ko sa kanya ang naisip kong Plan B.

Nang mai-send ko ‘to, kinuha ni Damon ang cellphone sa’kin at nilapag ito sa lamesa.

“Pwede bang bukas na natin isipin ang problema at enjoyin muna ‘tong gabi? Gusto ko tungkol muna sa’tin ang gabing ‘to at wala ng iba.” Request niya.

Kung sabagay baka ito na ang huling gabi namin na magkasama kaya susulitin ko na din.

“Sige. Wala munang usapan tungkol sa plano o kahit kay Manuel. Tungkol muna sa’tin itong gabi ‘to.” Pagsangayon ko.

“May plano ka bang naisip para ma-enjoy natin ang gabi?” Tanong ko.

“Meron na!” Laking ngisi niyang sabi.

I raised my right eyebrow. “Ano ‘yun?”

“Una… sabay tayong mag sha-shower.” What the… haay! Kung talagang gusto ko na siyang makasama habang buhay ko kailangan na ‘kong masanay sa kapilyuhan niya.

“Fine.” Pagsangayon ko.

“Payag ka?” Gulat niyang tanong.

This time ako naman ang ngumiti ng pilya tsaka tumayo at inilagay ang mga kamay sa balikat niya. “Yup! Lahat ng gusto mong gawin ngayon, gagawin natin.”

“Lahat?” Excited niyang tanong.

I nodded. “Lahat!”

“How about making love, again?”

I giggle. “Yah. I told you, lahat.”

Ngumiti ang ugok ng sobrang laki tsaka ako niyakap sa bewang. “Okay, simulan na natin ang mag shower.” Bigla niya ‘kong binuhat na ikinagulat ko. Grabe excited talaga ang peg? Haha.

Heto na pa end na siya, handa na ba kayo? 😁

=================

Forty Three

Papunta na kami ngayon nila Damon, Kelly at ako sa hideout ni Manuel. Eto na ata ang pinaka nakaka kabang araw sa lahat. Kapag natapos ang araw na ‘to na pumalpal ang plano namin siguradong patay kaming lahat. Lalo na ‘ko dahil katulad ko ang pinaka gusto nila. Bahala na! Mag titiwala nalang ako sa mga kasama ko.

“Kinakabahan ka?” Dinig kong sabi ni Kelly mula sa backseat.

“Bakit mo natanong?” Tanong ko.

“Ang bilis kasi ng tibok ng puso mo.” Hindi ko alam na pinapakinggan niya pala ang tibok ng puso ko.

“Oo. Kinakabahan talaga ako.” Pag amin ko.

“Magiging ayos lang ang lahat baby.” Paniniguro sa’kin ni Damon.

“Sana nga. Gusto ko nang mawala ng tuluyan si Manuel. Gusto kong makita ko mismo na ililibing natin siya.”

“Mangyayari ‘yun, malapit na.”

Sana nga, sana talaga!

Habang papalapit kami ng papalapit sa hideout lalo akong kinakabahan sa pwedeng mangyari pero alam kong kailangan kong kumalma. Mahirap nga lang talaga.

Nang makarating kami. Isa-isang biglang nag si-sulputan ang mga ibang tauhan ni Manuel. Hanggang pati si Manuel ay lumabas mula sa warehouse na ‘yun. Pinatay ni Damon ang makina at bumaba siya sa kotse tsaka niya pinag buksan ng pinto si Kelly mula sa likod at hinawakan ito sa braso. Habang ako na natili lang dito sa loob ng kotse at pinag mamasdan ag bawat kilos nila. Dahil nandito ako sa loob hindi ko sila masyadong marinig kaya ginamit ko ang kakayahan kong malakas na pandinig para marinig pag uusapan nila.

“Nandito na kami.” Si Damon ang una kong narinig na nag salita.

“Anong

ginagawa ng girlfriend mo dito?” Tanong ni Manuel habang naka tingin sa direksyon ko.

“Sinamahan niya lang ako.”

“Nakakabiglang napa-payag mo siyang ituloy ang deal natin. Nung huli kasi kaming nagkita siguradong sigurado siyang pipilitin ka niyang maputol ang deal.”

“Oo para naman ‘to sa pamilya niya kaya napa-payag ko siya.”

“Natutuwa akong marinig ‘yan.”

“Heto na ‘yung isa kong alay na bampira, tulad ng pinag usapan.”

“Gusto ko talaga ‘pag tumutupad ka sa usapan.”

“Kilala mo naman ako basta kaligtasan ng mahal ko, tumutupad ako.”

“Pumasok na tayo sa loob.” Tumingin si Manuel sa isa niyang tauhan. “Bantayan nyo ‘yung babae baka may gawin na kalokohan.” Utos niya.

“Kaming bahala.” Sagot nung bampira.

Nag simula silang mag lakad papasok sa warehouse habang si Damon at Kelly ay sumunod lang. Pagpasok na pagpasok nila nagpatugtog ako dito sa loob ng sasakyan para makabawas focus nung bampirang bumabantay ng kilos ko at para makagalaw ng mas maayos ang mga kasama kong nag umaabang lang sa hudyat ko. At ang hudyat na ‘yun ay itong pagpapatugtog ko.

Nag simulang mag lakad papalapit sa’kin ‘yung dalawan tauhan ni Manuel at sinesenyasan ako ng hinaan ang music ko pero dahil trip kong bwisetin sila nilakasan ko pa ‘yung music.

Ginamit nung isang bampira ang bilis niya at nasa side na siya ng pinto kung nasaan ako.

“Patayin mo yan!” Utos niya.

Ibinaba ko ‘yung bintana. “May sinasabi ka?” Pagkukuyari kong hindi narinig na mas lalo niyang ikinainis.

“Papatayin mo ba ‘yan o gusto mong ikaw ang patayin

ko-” Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil may biglang humila sa kanya at nawala din siya sa paningin ko bigla. Ilang sandali lang nagpakita si Papa. Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba at nakita ko ‘yung bampira na naka handusay na at literal na walang buhay.

Binigyan ako ni Papa ng silver knife at baril na paniguradong silver knife ang bala.

Nag simula kaming mag lakad at ang sunod ko namang nakita ay sila Mama, Majah, Mario. Sila siguro ‘yung pumatay sa isa pang bampira na nakahandusay na din ngayon.

Nang ibaling ko naman ang tingin ko sa warehouse nasa paligid na nito ang mga hunters na kasama namin sa plano. Tinapik ako ni Papa sa balikat ko kaya binaling ko ang tingin sa kanya. Tinignan lang niya ko ng simulan-na-natin look. Tumango lang ako bilang sagot.

Habang sinisimulan naming lahat na mag lakad papalapit sa warehouse nakinig muna ako ng usapan sa loob. Pero wala akong naririnig na nag uusap kaya bigla akong nag panick.

Ginamit ko ‘yung bilis ko at para makapasok agad ng warehouse. Nabigla ako nang makita si Damon na nakalugod, habang nasa likod si Manuel at tinututukan ng silver knife si Damon sa leeg. Habang si Kelly naman ay hawak nung dalawang tauhan ni Manuel.

“Ang tagal nyo naman pumasok, kanina ko pa kayo hinihintay.”

“A-alam mo?” Tanong ko.

“Nahulaan ko lang. Masyadong matalas ang pakiramdam ko sa mga ganitong bagay.”

“Kung ganun alam mong mamamatay ka na ngayon.”

“Kayo ang mamamatay ngayon at uunahin ko ‘tong boyfriend mo.”

“Kapag may ginawa ka sa kanya. I swear ako ang papatay sa’yo!” Pagdidiin ko.

“Bakit ba pinagtatanggol mo pa siya? Niloko ka

niya diba? At hanggang ngayon niloloko ka pa din niya. Sigurado akong patay na patay parin siya kay Bernadette. Humahanap lang siya ng tyempo.”

“‘Wag kang mag salita para sa nararamdaman niya dahil una sa lahat hindi naman ikaw siya.”

“Nag titiwala ka talaga sa kanya?”

“Oo!”

“Kung ganun sayang naman dahil hindi na kayo magsasama ng matagal dahil mamamatay na siya… ngayon!” Plano na niyang isaksak kay Damon ‘yung silver knife pero natigil ‘yun dahil sa narinig naming putok ng baril at tumama ito sa braso niya kaya nagawa ding makawala ni Damon sa pagkakahawak sa kanya ni Manuel.

Hinagis ko kay Damon ang silver knife na hawak ko at plano na sana niyang sugurin si Manuel kaya lang bigla niyang hinila si Kelly para gawing harang.

Tsaka naman nag simulang mag si siguran sa’min ‘yung mga bampira. Pero ang ‘di nila alam hudyat ng pagbaril kay Manuel ang pag pasok din dito nila Papa para patayin ang mga tauhan ni Manuel. Kaya ang focus lang namin ni Damon ay ang pag patay kay Manuel.

Hinagis ni Damon ang silver knife para kay Kelly at dahil sugatan si Manuel bumitaw siya kay Kelly at umatras, ginamit naman ni Damon ang bilis niya para pumwesto sa likod ni Manuel at tinarakan ito ng silver knife na itinago niya.

Hinugot lang ni Manuel ang knife at humarap kay Damon. “Eto na ba na ang plano nyo? Palpak pa din!” Pagmamatapang pa din niya kahit na dehado na siya. Plano niya sugurin si Damon pero napahinto siya nang bigla akong sumulpot sa harap niya habang kakatutok sa ulo niya baril na hawak ko.

“Kaya nga kami may plan B. eh.” Sabi ko naman. Tsaka pinutok ‘yung baril sa ulo niya kaya bumagsak siya ng walang malay.

Ngayong wala na siyang malay kinuha ko agad ‘yung silver knifer na hawak niya at plano ko na sanang saksakin siya direkta sa puso pero pinigilan ako ni Damon.

“Ako na, baby.” He offered.

Kinuha niya ‘yung silver knife sa’kin at tinarak niya ito sa puso ni Manuel gamit ng dalawa niyang kamay.

Inangat ni Damon ang ulo niya para tumingin sa’kin at ngumiti. “We did it, baby.”

I smiled back. “Yah.”

Tumingin kami ako sa paligid at lahat ng tauhan ni Manuel ngayon ay patay na. Nagawa namin! Hindi ako makapaniwala. Sana hindi ‘to panaginip.

Binaling ko ang tingin ko sa mga magulang ko nakita ko si Mama na inaalalayan ni Papa dahil may tala ito sa tagiliran niya. Nag madali ako lumapit sa kanya dahil sa pagaalala.

“Ayos ka lang, Ma?” Tanong ko.

She smiles. “I’m fine, sweetheart.”

“Pero-“

“Hihilom din naman ‘to ang importante ngayon, patay na si Manuel. We are so proud of you, sweetheart.”

I smiled, weakly. “Salamat po.” Niyakap ko silang dalawa at sinuklian naman nila ang yakap ko na ‘yun.

“Ahh, family hug. Let me join.” I heard Damon said.

“No! Hindi ka pa parte ng pamilya.” Pagpipigil ni Papa. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa magulang ko at tumingin kay Damon at ‘di maiwasang mapangiti.

“Pre magiging parte na ‘ko ng pamilya, pumayag na si Amber na mag pakasal sa’kin.” Pagmamalaki niya.

I rolled my eyes. Ngayon niya talaga sinabi ‘yan ah. Ang daming pwedeng time para sabihin ‘yun ngayon pang kapapatay lang namin kay Manuel.

“Damon!” I scolded.

“What?”

“Ang daming oras para sabihin yan hindi ngayon!”

“Eh kailan naman pala?”

“Mamanhikan ka!” Papa said.

“Sangayon ako sa ideang ‘yun.” Mama said.

“What? Hay! Sige na nga.”

Keep voting. 😁

=================

Forty Four

“Baby, nandito na ang asawa mo.” ‘Yan agad ang bungad ni Damon pag pasok na pag pasok niya ng bahay kaya napa irap ako. Nandito siya sa bahay ng mga magulang ko pero kung mag salita siya parang wala. Ni wala ngang ka-kaba kaba sa katawan ang mokong eh samantalang ngayon ang pamamanhikan niya.

Tatlong araw na kaming nakauwi dito sa dati naming bahay dahil wala naman ng panganib mula sa kabaliwan at kasamaan ni Manuel kaya finally nakauwi na kami. Gusto ko sana dun sa pangalawa naming tinirhan kaya lang mas bet daw ni Papa dito.

Lumapit siya sa’kin at niyakap agad ako. “Na miss kita baby.” Bulong niya.

“Magkasama lang tayo nung nakaraan na araw, miss na agad?”

“Noong isang araw pa ‘yun. Bakit ‘di mo ba ‘ko na miss?”

I chuckled. “Na miss din kita.” I said tapping his back.

We heard Papa cleared his throat kaya pinabitaw ko na si Damon sa pagkakayakap sa’kin.

“Hey dude.” Damon greeted my father, casually.

“Maupo kayo.” Utos niya.

Hinawakan ni Damon ang kamay ko at sabay kaming umupo sa couch. Habang si Papa nasa separate chair sa tapat namin ni Damon. Nakatitig lang siya sa’min at hindi nag sasalita na halos abutin ng limang minuto na ganun lang. Nabasag lang ang katahimikan nang dumating si Mama na kagagaling lang sa kusina. Nagluto kasi siya para sa pamamanhikan na ‘to.

“Bakit ang tahimik nyo dito?” She asked.

“Hinihintay ka namin.” Sagot ni Papa.

“Okaay,” Umupo si Mama sa tabi ni Papa at tumingin na din sa direksyon namin.

“Sigurado kang ipagkakatiwala

mo kay Damon ang anak natin?” Tanong ni Papa kay Mama.

“Mahal siya ng anak mo ‘yun ang importante tsaka napatunayan na niyang handa siyang mapahamak para sa anak natin kaya sigurado akong ilalayo niya sa kapahamakan ang anak mo.”

“Pero-“

“Honey, nag usap na tayo about this diba?” Pagpuputol ni Mama sa pag sasalita ni Papa tsaka siya tumingin muli sa’min.

“Pasenya na, hindi pa kasi handa si Albert na malayo sa anak niya kaya nag papa-hard to get pa.” Mama said teasingly. Tila naman nahiya si Papa sa sinabi ni Mama kaya ‘di ko maiwasang matawa. Daig pa niya si Mama.

“Lagi naman po kaming bibisita, Pa.” I reassured.

“Pwede rin naman kayong bumisita sa titirhan namin ni Amber kaya ‘wag na ka ng magaalala.” Damon said.

Papa sighed. “Fine.”

“Yes!” Damon almost shouted, happily.

“Ang saya mo ah.” I comment, smiling.

“Syempre naman, sinong hindi sasaya syempre mapapakasalan na kita.” He planned to kiss me pero inatras ko ‘yung ulo ko. I just look at him saying nandyan-sila-Papa. Ngumisi lang siya sa’kin ng pilyo tsaka ako hinawakan sa wrist at isang iglap lang ginamit niya ang bilis niya para hilain ako sa second floor sa tapat ng kwarto ko.

“What did you do?” I asked.

“Nasa harap kasi natin parents mo kaya ayaw mong mag pa kiss. Ngayong wala na sila, pwede na.”

“Ibang klase ka talaga.” Natatawa kong sabi.

“I’m unstoppable, baby!”

“Aware ako dyan!” He touched my both cheeks and slowly bends down his face to kiss me. I just hug him on his waist and kissed him back.

“Tapos na ang pamamanhikan?” Dinig naming boses ni Maj

kaya nahinto kami sa kiss at tumingin sa direksyon niya. Kalalabas niya lang sa kwarto niya at nasa likod niya lang si Mario.

“Mukhang nag take advantage ka na kay Mario ah.” Damon jokes making me laughed.

“Shut up Damon!” She scolded.

“Dude, naka score ka na?” Birong tanong niya kay Mario.

Dinibdiban ko si Damon para huminto na sa pang ti-trip. “Aww!” Pangaangal niya sa’kin.

“Tigilan mo na sila.” Binaling ko na ‘yung tingin ko kay Majah. “Anong oras kayo aalis?” Tanong ko. Aalis kasi sila ngayon ni Mario para bisitahin ni Majah ang parents niya na lumayo noong na kidnap sila ng mga bampira. Dahil malayo na rin naman na sa panganib mula sa kay Manuel kaya naisip niyang bisitahin sila kasama si Mario. Plano na rin daw kasi niyang ipakilala si Mario sa kanila.

“After kumain ng niluto ni Tita- I mean, Bernadette pala. Ang sarap kasi talagang mag luto ng Mama mo.”

“I know.” Pagsangayon ko. “Bumaba na tayo, siguradong nag hihintay na sila sa dining.” Dagdag ko.

“Okay.”

Sabay-sabay na kaming bumaba, kami ni Damon mag ka-hawak ng kamay at syempre ganun din ‘yung dalawa dahil sila na rin naman na.

Nakarating kami ng dining, nandun na sila Papa at Mama. Si Papa nakaupo lang habang si Mama nag hahain na. So, ang ginawa namin ni Maj ay tumulong. Nang matapos kaming maghain, pumwesto na kami at sinimulan din naman agad ang pagkain namin.

Habang nasa kalagitnaan kami nag salita si Damon. “Ayos lang bang umalis kami ngayon ni Amber?”

“Saan naman kayo pupunta?” Papa asked.

“Oo nga?” Tanong ko naman.

“Pupunta tayo sa

bahay na titirhan natin para mag major clean at alamin ang mga pwedeng i-renovate.”

“I see.”

“Pwede kaming tumulong sa paglilinis.” Mama offered.

“Gusto ko ring makita kung saan mo ititra ang anak ko.” Papa said.

“Fine.” Labas sa ilong na pag payag niya. Alam ko kasing gustong gusto na niya akong ma-solo pero mahihirapan pa siya sa ngayon dahil hindi pa kami kasal. Haha.

“Urgh! Gusto ko rin makita kung saan ‘yun.” Maj said.

“Bumisita ka pag balik nyo.” I told her.

“Sure! Tsaka hindi ko palalampasin ‘yung kasal mo nu.”

“Dapat lang na nandun ka, magtatampo ako ng bongga kung hindi kayo pupunta.”

“Naku! Ang hirap pa namang mag tampo ng baby ko, nananaksak ng silver knife.” Biro ni Damon. Tama ba namang sabihin ‘yun? Eh hindi naman basta tampo lang ‘yung naramdaman ko noon nung ginawa ko ‘yun. Nasasaktan kaya ako nun.

Dinidibdiban ko siya. “Aww! I’m eating!” Pagpapaala niya.

I rolled my eyes. “Tumahimik ka nalang dyan, ang dami mo pang kwento.”

“Bakit-” Hindi na niya natuloy ang pag aangal niya dahil sinamaan ko siya ng tingin. ‘Yung tipong makuha ka sa tingin look. “Uh… sabi ko nga eh, kakain na lang ako.”

Good.

Biglang tumawa si Papa kaya napunta ang atensyon namin sa kanya. “Nakakatawang under ka ng anak ko.”

“Pare, hindi nakakatawang ina-under ako ng anak mo!” Pagaangal ulit ni Damon.

“Ah.. talaga, edi ‘wag mo ‘kong pakasalan.” Pabiro kong pagbabanta.

“What? Biro lang ‘yun baby, ayos lang sa’kin na uderin mo ‘ko. Gusto ko nga ‘yun eh. Tsaka hindi naman pagiging under ‘yun eh, masunurin lang.” He makes a pa-cute face.

“Ganun din ‘yun!” Papa said.

“Alam mo kung mag salita ka parang hindi ka under ni Bernadette ah!” Damon said.

“Hindi naman talaga.” Kompyansang sabi ni Papa kaya ‘di ko na napigilang matawa lalo na nung makita kong mapahinto sa pagkain si Mama at tumingin kay Papa. “Masunurin lang.” Dagdag ni Papa habang nakatingin kay Mama na nagpatawa ng lahat.

Sana forever nang ganito ka-saya ang lahat.

Sorry, maiksi yan lang kinaya.

Epilogue na next.

Keep voting po.

=================

Epilogue

Two Years after….

“Baby,” Tawag sa’kin ng asawa ko habang busy ako sa pagbabasa dito sa kwarto namin.

“Bakit?” Tanong ko habang ang focus ko ay dito pa din sa binabasa ko.

“Nandyan sila Albert at Bernadette, binibisita ka.” Bigla kong naibaling sa kanya ‘yung tingin ko at sinarado ang librong binabasa ko. Bumangon ako ng kama at ‘di maiwasang ma-excite na makita ang magulang ko. Isang buwan na din ata nung huling bisita nila.

“Kanina pa sila?” Tanong ko.

He shakes his head. “Karating lang nila.”

Hinawakan ko siya sa kamay niya tsaka kami sabay na nag lalakad papunta sa kanila.

Nakita namin sila sa sala na nakaupo lang sa couch. “Ma, Pa.” Tawag ko sa kanila na dahilan para tumingin silang dalawa sa’kin at tumayo. Bumitaw ako sa pag kakahawak ng kamay kay Damon at nilapitan sila para yakapin.

“Buti napa bisita po kayo, boring kasi si Damon lang lagi ang kausap ko.” Biro ko. Ang totoo niyan walang boring moment sa pilyong bampira.

“Hey!” Pagaangal ni Damon.

“Boring din kasi ang Papa mong kasama kaya naisip kong bisitahin ka.” Mama jokes too making laughed. Kung ‘di ko sila magulang maniniwala ako sa sinabi niya.

Inangkla ko ang kamay ko sa braso ni Mama. “Pwede mo po ba ‘kong ipagluto?” Paglalambing ko.

“Bakit sawa ka na ba sa luto ko?” Kunyaring pag tatampo ng asawa ko.

“Baby, masarap kang mag luto pero iba pa din ang lutong Nanay.”

“Sige na ipagluluto kita, samahan mo ‘ko sa kusina nyo.” Mom said.

“Okay.” Excited kong sabi. Bago namin sinimulan ang paglalakad Tumingin muna ‘ko kay Damon. “Ikaw munang bahala kay Papa.”

Tumango lang siya bilang sagot.

Sinimulan namin ni Mama ang maglakad papuntang kusina. Tinulungan ko siyang kumuha ng mga ingredients niya sa pagluluto.

“Nasaan po pala sila Majah?” Tanong ko. ‘Yung best friend ko na kasing ‘yun hindi masyadong bumibisita palibhasa may Mario na. Haha. Nag sasama na silang dalawa pero hindi pa sila kasal. Nakatira sila ngayon sa dating bahay ng parents ni Maj.

“Nasa bahay nila ni Mario, tinawagan ko sila kanina at sinabihang bibisita kami dito ang sabi daw nila susunod sila.” Buti naman, na mimiss ko na ‘yun eh.

Sa pag sisimula niya namang mag luto nakatutok lang ako sa panunuod. Habang nag hihiwa si Mama at nakatitig ako sa hinihiwa niya, bigla siyang tumitigil at tumingin sa’kin.

“Bakit po?” Pagtataka ko. ‘Wag naman sana niya ‘kong patulungin dahil mas gusto ko lang talagang tumingin. Haha.

Binitawan niya ‘yung hawak niyang kutsilyo at biglang ngumiti ng malaki. Bigla siyang tumili at niyakap ako na ikinagulat ko.

“Mom, are you okay?” Pagtataka ko.

“Honey?! We heard Papa voice. Tumingin ako sa direksyon niya, nasa likod lang niya si Damon at pareho silang halatang nagtataka. Bumitaw si Mama sa pagkakayakap sa’kin at tumingin sa dirkesyon ng boys.

“Magkaka-apo na tayo, honey.” Pagbabalita niya kay Papa.

“Ha?” Sabay naming sabi ni Damon dahil sa gulat.

“Sweetheart, listen to your heartbeat.” Utos ni Mama. Ginawa ko ‘yung sinabi niya pinakinggan ko ‘yung heartbeat ko pero hindi heartbeat ko lang nag narinig ko meron pang isa at… isa pa. Sumatutal, three heartbeats ang naririnig ko sa loob ng katawan ko.

Oh gosh! Bakit hindi

ko ‘to napansin?

Tumingin ako kay Damon na tila nakikinig din ng heartbeat ko. “Bakit tatlong heartbeat ang naririnig ko?” Pagtataka niya.

“It means, kambal ang anak nyo!” Excited na sabi ni Mama.

Tumingin sa’kin si Damon at ngumiti ng sobrang laki. Nag lakad siya papalapit sa’kin at pabuhat akong niyakap tsaka nilapag din naman agad ako.

“Tatay na talaga ako?” Tanong niya sa’kin.

“Uh… mukhang ganun na nga.”

Hinawakan niya ‘ko sa magkabilang pisnge at hinalikan sa labi ng matagal. Bumitaw siya sa paghalik sa’kin at humarap sa mga magulang ko.

“Dude, you heard that? Tatay na ‘ko!” Pagmamalaki niya kay Papa.

“Narinig ko.”

“Mag celebrate tayo!”

“Magandang idea ‘yan! Magluluto ako ng madami.” Mama said.

Humarap sa’kin ulit ang asawa ko nang nakangiti parin ng malaki. Hinalikan niya ulit ako sa labi at niyakap ng mahigpit. “Baby, ang higpit ng yakap mo.” Pagaangal ko.

Bumitaw agad siya at tumingin sa tummy ko. Lumuhod siya at itinapat ang tenga sa tyan ko. “Gusto ko ulit marinig ‘yung heartbeat nila.”

Napangiti ako sa narinig kong sinabi niya. Halatang excited na siyang maging Tatay.

“Babae ba sila o lalake?” He asked making me giggled.

“I don’t know baby, pwedeng isang girl at isang boy.” Maganda nga siguro kapag ganun.

“Gusto ko parehong girls.” Mom said.

“Gusto ko parehong boys.” Papa said.

“Anong gusto mo baby?” Tanong sa’kin ni Damon.

“Kahit anong gender okay lang sa’kin.” Sagot ko.

Nakarinig kami ng katok mula sa labas ng bahay kaya medyo napunta dun ang atensyon namin.

“Baka sila Majah na ‘yun.” I said. Siguradong magtatatalon siya sa tuwa pag nalaman niyang buntis ako. Napapa ngiti na ‘ko na i-imagine ko palang.

“Ako na ang mag bubukas.” Papa offered.

“Salubungin nyo na ‘yung bisita nyo, ako na ang bahala sa kusina. Dadamihan ko ang luto ko para sa mga apo ko.” Mom said.

“Sige po.” I said.

“Salamat.” Damon said.

Nag lakad na kami ni Damon para salubungin sila Majah nakita namin sila sa sala.

“Beb!” Halos pasigaw niyang tawag sa’kin. Tumakbo siya papalapit sa’kin at niyakap ako.

“Maj, dahan-dahan buntis siya.” Damon said.

“Woe- what?” Biglang bumitaw sa pagkakayakap sa’kin si Majah at tumitig sa mga mata ko nang gulat na gulat. “Buntis ka?”

“Yup!” Laking ngiti kong sabi.

“At kambal ang anak namin.” Pagmamalaki ni Damon.

She jumps screaming, happily. “I’m happy for you beb.” She says. I knew it ganito ang magiging relasyon niya. Haha.

“Thank you beb.” I said, smiling.

“May celebration ba?” She asked Damon.

“Oo naman! Nag luluto na si Bernadette ngayon.”

“Yes! Matitikman ko ulit luto niya.”

“Dito muna kayo ah, so-solohin ko lang muna ng mga limang minuto si baby.” Damon said kaya naibaling ko ang tingin sa kanya.

Tumango lang siya bilang sagot.

Hinawakan ni Damon ang kamay ko tsaka kami naglakad paakyat ng kwarto namin. Pagpasok namin sa kwarto bigla niya ‘kong niyakap. “Sobrang saya ko baby.” Bulong niya.

I giggled. “Kaya mo ba ‘ko dinala dito para sabihing sobrang saya mo?”

“Oo.” Hinalikan niya ko sa pisnge tsaka siya bumitaw sa pagkakayakap sa’kin.

“Thank you baby.” He said.

“Thank you para saan?”

“Para dyan.” He pointed my tummy. “Sa loob ng maraming taon na nabubuhay ako sa mundong ‘to, binigyan mo ulit ako ng pamilya na matagal ko nang hindi nararanasan.”

I smiled. “Welcome baby.” I touched his both cheeks and kissed him on his lips.

“Thank you dahil kung hindi dahil sa’yo walang kambal sa tyan ko.” I said making him laughed.

“Gagawa tayo ng maraming kambal.” Pilyo niyang sabi kaya hinampas ko siya sa dibdib niya.

“‘Di pa nga ‘ko nanganganak binabalakan mo na agad akong buntisin ulit.”

He grins. “Biro lang baby.” Niyakap niya ulit ako. “I love you and our twin.”

I smiled. “I love you too and out twin.”

Related posts

Leave a Comment